CHAPTER NINE: YOU'RE MY WISHING STAR

3.1K 45 2
                                    


JUST WHEN you thought your life is already good, bad things will come your way. Parang ilang beses nang napatunayan ni Ji Hyo ang bagay na iyon sa buhay niya. In fact, parang minsan lang nga siya bigyan ng kaligayahan ng buhay at mabilis din iyong nawawala.

Gary left a few hours ago at hanggang ngayon parang nag-eecho pa rin sa kanya ang sinabi ng lalaki. Kang Joon was back to business...again. Nakakatawang isipin na ilang beses nang nangako sa kanya ang binata na hindi nito uulitin iyon and the last time, he proved it to her by proposing, pero heto, mukhang kababalik lamang nila sa Pilipinas at may business na naman ito.

Ayaw niyang paniwalaan ang mga sinabi ni Gary sa kanya kahit na alam niyang may kapasidad ang nobyo niya na muling magloko sa relasyon nila. He did it once and he can always do it again.

Hindi na niya alam ang gagawin niya. Ayaw niyang hiwalayan si Kang Joon dahil kahit ganoon ang binata, alam niyang mahal niya ito. Kang Joon was there when there was nothing but darkness in her life. Mabuting tao naman ang kanyang nobyo kung hindi pagbabasehan ang pagkakaroon nito ng relasyon sa iba. It was also something they keep to themselves, including the agency dahil kapag lumabas ang scandal na iyon sa korea, pare-parehong maapektuhan ang career nila.

Ngayon, mas lalo niyang hindi ikoconsidera ang pakikipaghiwalay sa binata lalo pa at naanunsiyo na nila ang nalalapit nilang pagpapakasal. And leaving Kang Joon will never be her option dahil ang binata ang isa sa mga bagay sa buhay niya na may kasiguruhan na hindi siya iiwan dahil mahal siya nito. Kahit na ilang beses na nagloko ang binata, alam niyang mahal siya nito dahil kung hindi ba naman ay yayain ba siya nitong magpakasal?

But there was something bothering her inside. Actually, hindi iyon something, it was someone.

Si Gary.

Hindi niya inaasahang makikita niya ang binata kanina sa labas mismo ng bahay nila. She felt a familiar warthm trickle on her body when she saw him. Actually, iyon din ang una niyang naramdaman nang makita niya nang unang beses niyang muling makita si Gary sa restaurant para sa meet up nila.

Sa unang pagkikita nila ng binata matapos ang mahabang panahon, pakiramdam niya ay para siyang nag-teleport pabalik sa nakaraan. It felt weird if you would ask her, pero habang nakatingin ito ng diretso sa kanya at tila hindi makapagsalita, naalala niya ang eksenang inabutan niya noong unang araw ng kanilang klase.

Palihim niyang inassess ang binata. There was no doubt that through the years, Gary's ordinary-ness was now gone, dahil kung ihahanay niya ang binata sa isang kwarto na maraming tao, mapapansin na niya ito nang walang halong pagsecond look. He had improved and the boy she used to know was now gone because he turned into a dashing man.

Now, why is she thinking about Gary that way kung ang dapat prinoproblema niya ay ang sarili niyang nobyo? She knew why. Dahil si Gary, may kakaibang epekto sa kanya na hindi niya kailanman naramdaman kay Kang Joon.

Pero nanatili siya sa kanyang sa kanyang desisyon na huwag maniwala dahil paano kung niloloko lamang siya ni gary? Ngayong nalaman nitong ikakasal siya, paano kung sinusubukan lamang siya nitong guluhin bilang pagganti sa mga nagawa niya noon? Bakit niya naiisip ang mga ganoong bagay? Simple lang. She knew that she had hurt him so much that it's impossible not to bruise his ego.

Para alisin sa kanyang isip ang mga dinaramdam, kinuha niya ang kanyang cell phone para tawagan si Kang Joon. He was staying at a hotel somewhere in Mandaluyong. Hindi pa kasi ito umuuwi sa pamilya nito na sa Bulacan naka-base.

Nakailang ring muna ang cell phone nito bago nito iyon sinagot—mali, hindi pala si Kang Joon ang sumagot dahil boses babae ang narinig niya sa kabilang linya.

Monday Couple [ COMPLETE ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon