CHAPTER EIGHT : WE MEET AGAIN

2.9K 53 3
                                    


PAGLAPAG palang ng eroplanong sinasakyan ni Ji Hyo sinalubong na agad siya ng media. Ang plano niya ay dapat pasekreto lamang ang magiging pag-uwi niya sa Pilipinas. Pero marami ang nakakita sa kanyang paparazzi sa airport sa Korea at mukhang natunton agad ng mga ito kung saan siya pupunta.

Hinawakan ni Kang Joon ang kanyang kamay habang naglalakad sila sa airport. Ito ang unang beses niyang bumalik sa bansa matapos ang napakatagal na panahon. Samantalang si Kang joon naman ay madalas na umuuwi sa Pilipinas dahil mayroon itong business sa bansa.

Didiretso sila sa bahay ng kanyang mama kung saan siya mag-iistay. Nasasabik na siyang makita ito dahil palaging sa internet lamang niya ito nakakausap. Regular siyang nagpapadala ng pera sa ina at mayroon na itong sarili nilang bahay—isang bagay na wala sila noong umalis siya ng bansa.

When they arrived home, she was teary eyed when her mother hugged her tight. Kahit na may hindi sila pagkakaunwaan noong maghiwalay sila, her mother is still her mother at mas mahal pa rin niya ito kaysa sa ama.

Nang umalis siya noon, may pagkakataong naiisip niyang galit siya sa ina, but through the years, their relationship flourished. Samantalang silang dalawa naman ng kanyang ama ay naging civil sa isa't isa. Noong una, hinanap siya nito matapos ang ginawa niyang pagtakas, but later on, kinakailangan din niyang harapin ang ama. Sa ngayon, mayroon ng ibang pamilya ang kanyang papa at tahimik na namumuhay sa Korea.

Ipinakilala niya dito si Kang Joon. Maraming beses na nitong nakita ang kanyang nobyo, ngunit iyon ang unang beses na nagkakilala ang dalawa sa personal. Nagbow si Kang Joon bilang tanda ng paggalang sa kanyang mama. Mukhang nagustuhan naman ng mama niya si Kang Joon dahil ngumiti ito sa binata. Ngunit noong tumalikod si Kang Joon, parang nakita niyang umismid at umiling ang ina. Inignora niya iyon, dahil marahil ay may kung ano lamang na nakita ang mama niya na hindi nito nagustuhan.

Kasalukuyan silag kumakain ng ina at masayang nagkukwentuhan sa kusina nang may tumawag sa landline nila sa bahay. Nakita niyang nagtaka ang kanyang mama pero ibinigay nito sa kanya ang telepono. "Si Jaeson daw, kaibigan mo noon," imporma nito sa kanya.

Si Jaeson? Hindi niya mapigilang mapangiti nang maring kung sino ang tumawag. She was really looking forward to meet them. Masaya niyang tinanggap ang tawag, "Jaeson."

"Ji Hyo!" Ani ng tinig mula sa kabilang linya. Gusto niyang matawa. It's been years since the last time she had heard his voice, pero parang walang nagbago roon. "Ikaw ba talaga yan?"

"Oo," aniya. "paano mo nalaman ang number namin?"

"I have my resources. Anyway, kaya nga pala ako tumawag dahil bukod sa gusto ka naming makita ulit ay gusto kitang imbitahin para sa isang interview."

She took note the word, namin.

"Interview? Bakit, host ka na ngayon?"

"Sa kasamaang palad," sagot nito na ikinatawa niya. "At iyan ang dahilan kaya kita iniinvite para sa interview."

As it turns out, Jaeson is one hell of a host nowadays. Nakakatauwang isipin na mukhang natupad nito ang isa sa mga gusto nitong gawin noon pa man. And she agreed for the interview. Bukod kasi sa hindi niya kayang tanggihan ang kaibigan ay inimbitahan din siya nitong makipagkita sa mga kaibigan nila noon.

At kasama roon si Gary.

Maybe, it was the perfect time to see them—him—again after so many years. Alam niyang marami siyang dapat ipaliwanag sa mga ito, mga bagay na dapat ihingi ng tawad. At gagawin na niya iyon ngayon.

Monday Couple [ COMPLETE ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon