Chapter 1

115 3 0
                                    

Louzia's pov

FIRST day of school. Papasok pa lang ako ng gate ng school namin ay nahahawi na agad ang mga estudyante. Walang gustong humarang o sumabay man lang sa paglalakad ko. Pero lahat naman sila ay mga nakatingin sa akin na akala mo ay isa akong interesting specimen na naglalakad.

Dumiretso na ako sa room ng unang subject ko. Tumayo muna ako sa harapan para maghanap ng magiging pwesto ko at ng may  naispatan na ako ay naglakad na ako palapit doon. Agad na umalis ang dalawang mga estudyante na katabi at nasa unahan ng uupuan ko. Hindi ko naman na pinansin ang mga iyon.

Maya-maya pa ay napuno na din ng mga estudyante ang classroom. Iyong inalisan na lang kanina ng dalawang estudyante ang nananatiling bakante. Dumating na din ang Professor namin at agad itong nagroll call gamit ang enroll list namin.

Adrianne's pov

Pandalas na ako ng pagtakbo sa hallway dahil alam ko na late na ako. Kung bakit naman kasi ngayon pa talaga ako tinanghali ng gising, kung kailan may pasok na. Sakto naman na narinig ko na ang pangalan ko.

"Sales, Adrianne M.?"

"P-present po, Mam!" Hinihingal pa na sagot ko pagkapasok ko sa room namin.

"You are the transferee at late ka na agad!"

"Sorry po!" Nginitian ko na lang ng pa cute itong Prof namin.

"Sige na! Maupo ka na kung saan mayroong bakante."

Naghanap na nga ako ng bakante at doon ako naupo.

Nagsimula na din ang Prof. sa pagde discuss ng kung anong laman ng course syllabus niya. Mabilis lang na natapos isang oras na klase ko doon. Tumayo na ako para magready sa paglipat sa sunod ko na klase. Nang mapansin ko ang pagtayo din ng babae sa likod ng inuupuan ko.

Pansinin talaga ito dahil bukod sa purong itim na ootd nito ay maputi din ito at maganda talaga sa totoong kahulugan niyon. Pero may aura ito na parang nagsasabi ng 'don't mess with me!'

"Hi!"

Bati ko dito pero tiningnan lang ako nito ng bahagya pang nakataas ang kilay, saka umalis na. Dali-dali ko naman na sinundan ito.

"San ang next class mo?" Tanong ko pero hindi ako nito sinagot at diretso lang ito sa paglalakad. Nagsalpak pa nga ito ng earpods sa tenga.

Mukhang ayaw nito ng kausap, kaya naman sinabayan ko na lang ito sa paglalakad at sakto na sa room na pupuntahan din niya ang punta nito. Kaklase niya ulit ito. Nang maupo na ito ay agad niya itong tinabihan.

"Classmates pala ulit tayo. Ano nga pala ang course mo? Ako mechanical engineering. Trip ko kasi magbutingting ng mga kung anu-ano."

Daldal ko dito pero wala talaga akong makuhang tugon mula dito. Hanggang sa kalabitin na ako ng isang babae na nakaupo sa may unahan ko.

"Bago ka no!"

Nagtataka naman na tumango ako.

"Wag mong kakausapin or lalapitan iyang si Louzia kung gusto mong makatapos sa pag aaral mo!"

"Bakit naman?" Lalo lang akong nagtaka sa sinabi nito.

"Basta sundin mo na lang ang payo ko. Dito ka na lang maupo sa may tabi ko."

Inalis pa nito ang bag nito sa silya na inooffer nito sa akin pero magalang naman akong tumanggi.

Muli kong nilingon itong katabi ko pero naka straight lang ito ng tingin sa unahan. Infairness maganda ang side profile nito tapos maganda din ang porma ng may katangusan na ilong nito. Wala naman akong makita na kakaiba dito para iwasan at katakutan ko ito. Nagkibit balikat nalang ako at nakinig na sa Prof. namin na kararating lang.

.
.
.​

Bale kaklase ko pala si Louzia sa halos lahat ng subjects ko pwera lang sa PE. May ilang linggo na rin mula ng mag umpisa ang klase pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga naririnig man lang ang boses nito. Iniisip ko nga kung pipi ba ito pero parang imposible naman.

Madami na ang naikwento sa akin ng iba naming mga kaklase at kagaya ng payo sa akin niyong si Astrid na naunang kumausap sa akin noon. Ay iwasan or kung pwede ay layuan ko daw si Louzia kung mahal ko pa daw ang buhay ko dahil Mangkukulam daw iyon.

Syempre pa, hindi ako naniwala dahil bukod sa lagi itong nakaitim ay wala naman na akong makita na magpapatunay na Mangkukulam nga ito. Well, meron itong tatlong Keychain na voodoo doll sa bag pero sapat na ba iyong dahilan para akusahan ito ng ganun?

"Madami na kaming nagsabi sayo, Adrianne pero makulit ka talaga." - Norie.

"Hindi ako naniniwala sa mga kakaibang nilalang ano! Mangkukulam talaga? Sa panahong ito? 2024 na nagpapaniwala pa kayo sa mga ganyan! Ano kayo bata?" Natatawang sabi ko.

"Bahala ka basta sinabihan ka na namin." - Parima.

"Oo na! At patutunayan ko naman sa inyo na normal na estudyante lang iyan si Louzia. She's just a loner or an introvert kaya siya ganyan." Nakatanaw ako kay Louzia na nakaupo lang mag isa sa ilalim ng isang malaking puno doon din sa loob ng campus. May hawak itong libro at may nakasalpak na naman na earpods sa tenga nito.

"Ang ganda niya habang hinahangin ng bahagya ang buhok niya." Parang wala sa sarili na sabi ko.

"Hindi kaya nagayuma na itong si Adrianne?" Ani Parima kay Norie.

"Baka nga!"

.
.
.

Isang araw ay nag desisyon ako na sundan si Louzia sa pag uwi dahil sa sobrang curios na talaga ako sa kanya. Hindi ko na dinala ang kotse ko dahil naglalakad lang naman ito. Nagtataka na ako dahil hindi naman malapit ang nilalakad nito bakit hindi na lang ito mag byahe kung wala itong sariling sasakyan.

After yata ng may isang oras naming paglalakad ay pumasok na si Louzia sa isang high class na subdivision. Susundan ko pa sana ito doon ngunit pinigilan na ako ng gwardya. Kaya hinatid ko na lang ng tanaw ang naglalakad pa din na si Louzia.

.
.

Louzia's pov

Alam ko na sinusundan ako ng makulit kong kaiskwela kaya naman kahit may kalayuan ang bahay namin ay nilakad ko pa din iyon para sana idiscourage ito sa pagsunod nga sa akin pero matyaga ito pero alam ko naman na hindi ako nito masusundan hanggang sa bahay mismo namin dahil haharangin ito ng Gwardya sa gate. At ganoon nga ang nangyari.

Nang lingunin ko ito ay nag aabang na ito ng masasakyan. Kung pasaan, iyon ang hindi ko alam. May pigil na ngiti ako sa labi na nagpatuloy na ako sa paglalakad pauwi sa bahay namin.

"Mukhang masaya ka yata!" Puna sa akin ng aking Tiya ng pagbuksan ako nito ng pinto.

"Hindi naman po, Tiya!" Tanggi ko na pinaseryoso ko pa ang mukha ko.

"Ay, sya hindi na kung hindi. Magbihis ka sa kwarto mo at ng makakain na tayo."

Sinunod ko na nga ito at umakyat na ako patungo sa kwarto ko.

Nasa States pareho ang Parents ko. Gusto nga nila na doon na lang din ako mag-aral para magkakasama kaming mag-anak pero ayoko naman doon kaya nanatili na lang ako sa pangangalaga ng Tiya Mercedes ko. Panganay itong kapatid ng Mama ko at isang matandang dalaga. Ito lang at si Manang Sol ang kasama ko sa bahay.

Pagkabihis ko ng pambahay ay muli na nga akong bumaba para maghapunan at pagkatapos ay muli na din naman akong bumalik sa kwarto ko. Nakaupo lang ako sa kama ko habang nakatingin ako sa profile pic ni Adrianne sa facebook.

.
.

Sa bahay naman ng mga Sales ay hindi mapakali sa pagkakahiga niya si Adrianne. Papalit-palit ito ng pwesto sa paghiga. Titihaya, tatagilid sa kanan, sa kaliwa, dadapa, tutuwad. Hindi niya talaga makuha ang pwestong kumportable siya. Hanggang sa bumangon na nga siya ng tuluyan. Kinuha niya ang laptop niya at sinearch niya ang pangalan ni Louzia sa facebook at ng makita niya iyon at masiguro na ito nga iyon ay nagsend siya ng friend request.

.
.

Tumunog ang notification niya at friend request iyon mula kay Adrianne. May katagalan din na nakatitig siya sa screen. Nasa gitna ng accept or delete ang cursor. Nagtatalo ang isip niya kung iaaccept niya ba iyon o hindi. Sa huli ay dinelit niya iyon atsaka sinarado na niya ang kanyang laptop at nahiga na siya para magready sa pagtulog.

Gaga-gayumaWhere stories live. Discover now