Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon ay ang huling araw bago mag sem break. Gusto ko talagang kausapin si Adrianne pero tuwing nakikita ko siya ay pinanghihinaan naman ako ng loob. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
Napagdesisyunan ko na puntahan na lang siya sa unit niya pero napudpod na ang daliri ko kapipindot sa doorbell ay walang nagbukas sa akin. Hanggang sa lumabas ang kalapit kwarto nito at ang sabi sa akin ay matagal na daw na walang tao sa unit na iyon. Nang tanungin ko naman kung nasaan na iyong dating nakatira. Hindi naman daw niya alam. Kaya pagtapos ko na magpasalamat ay umalis na din ako.
I tried to call her cellphone number pero hindi na daw iyon available. At ang mga social media accounts naman niya lahat ay deactivated na.
Napu frustrate na ako. Hindi ko na malaman kung paano ko siya makakausap at makikita. Should I wait hanggang sa magsimula na lang ulit ang classes? Siguro ganoon na nga lang.
Pero nang mag simula na ang second semester ay walang Adrianne akong nakita. Sabi sa registration ay nagtransfer na daw ulit yata ito dahil kinuha na ang lahat ng records.
Pag uwi ko ay sa kapitbahay ako dumiretso. Buti at si Mrs. Mariza ang nagbukas sa akin.
"Iha, napasyal ka. Pasok ka! May kailangan ka ba?" Mabait na sabi at tanong sa akin nito.
"Hindi na po. Itatanong ko lang po sana kung nasaan na po si Adrianne."
"Mas makakabuti kung pumasok ka muna." Niluwangan nito ang bukas ng pinto at hinawakan pa ako sa braso para akayin pagpasok. "Isay, magdala ka nga dito ng maiinom, please!"
Sasabihin ko sanang wag ng mag abala pa kaso para namang hindi ito magpapaawat kaya hinyaan ko na lang.
"Magpalamig ka muna, iha."
Inilapit nito sa harapan ko ang inumin na dala ng inutusan nito kanina.
"Salamat po." Uminom lang ako ng kaunti at inilapag ko ulit iyon sa center table.
"Itinatanong mo nga pala si Adri ano."
Tumango ako.
.
.
.After kung makausap ang Tita ni Adrianne ay wala na akong inaksayang oras at pinuntahan ko na agad ang address na ibinigay nito sa akin.
Nakatayo na ako ngayon sa labas ng silid na may nakalagay na
vvipAdrianne Sales
Dr. SiriLadah Sales, M.DKakabakaba akong kumatok at saka binuksan ang pinto. Una kong nakita ay ang mga paa na naka kumot at habang lumalakad ako papasok ay unti-unti ko na ding nakikita ang taong nakahiga sa kama. Si Adrianne may dextrose ito at ilan pang mga makina na nakakonekta sa katawan nito. Ang buhok nitong animoy pang shampoo commercial noon ay iilang piraso na. Sobrang maputla din na animoy kulay papel ang mukha nito na humpak na ang pisngi. Nanlalalim ang pikit nitong mga na may itim sa palibot partikular sa ilalim na bahagi. Ang labi nito na dati'y laging nakangiti ngayon ay bahagyang nakaawang, maputla at may mga bitak bitak na. Ang paghinga nito ay malalayo ang pagitan. Kung hindi nga pagmamasdang maige ay hindi mapapansin ang pagtataas baba ng dibdib nito.
Napasapo siya sa kanyang bibig ng muntik ng kumawala ang isang impit na iyak sa kanyang lalamunan. Nag uunahan ang mga luha niya sa pagtulo habang kanyang pinagmamasdan ang nakakaawang kalagayan ni Adrianne. Parang bigla ay narinig niya ang mga sinabi sa kanya ni Tita Mariza.
"Adri is sick. Leukemia stage 4. Na diagnosed siya 4 years ago but She's a lively and a happy person kaya kung hindi talaga siya kilala ay hindi mahahalata na may malubha siyang sakit."
Bigla ang pagpapahid niya ng kanyang mga luha ng mapansin niya na gumagalaw si Adrianne. At sakto na nalinis na niya ang kanyang mukha at nahamig na niya ang kanyang sarili ay dumilat ang mga mata ni Adrianne. Wala iyong buhay pero ng makita siya ay para iyong bituin na biglang nagkaroon ng ningning. Humulma din agad sa maputla at tuyo nitong labi ang ngiti na noon ay hindi niya lang pinapansin pero sa loob loob niya ay gandang-ganda siya sa mga ngiting iyon.
"H-hi!" Bati niya dito matapos niyang i clear ang bara sa lalamunan niya dahil sa pinipigilan niya na pag-iyak.
"Hello! Paano mo nalaman na nandito ako?"
Halata na hirap itong magsalita.
"Hinahanap kasi kita. Kaya itinanong kita sa Tita Mariza mo."
"Bakit? Namiss mo na ba ako?"
Nakakatuwa dahil sa paraan ng pagsasalita nito ay parang hindi na ito galit sa kanya. They talk as if walang distansyahan na naganap sa pagitan nila.
"Kapag sinabi ko bang oo. Aayain mo ba ako na mag meryenda ulit?"
"Oo e,, gusto mo ngayon na e. Anong oras na ba?" Lumingon-lingon ito para maghananap ng orasan.
Pinakita ko dito ang oras sa wristwatch ko.
"Mag te twelve na pala. Lunch na lang tayo."
Kasasabi lang nito niyon ng kumatok at pumasok ang isang lalaking attendant na may dala ng pantanghalian nito. May kasunod din itong Magandang babae na nakasuot ng pan Doctor parang pamilyar sa kanya ang mukha ng babae.
"Ate!" Tawag ni Adrianne sa Doctor na ngumiti agad.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Lumapit ito at naupo sa may gilid ng kama. Hinawakan din nito ang isang palad ng pasyente na walang dextrose habang hinahaplos ng marahan ang noo ng ngiting-ngiti na si Adrianne.
"Okay lang ako, Ate.... Nga pala siya iyong ikinekwento ko sayo lagi. Si Louzia.... Louzia ang Ate ko nga pala si Doktora Ladah."
Tumingin sa akin ang Doctor atsaka ngumiti. Kaya pala ito pamilyar. Kamukha kasi ito ni Adrianne.
"Hello po, Doc." Kiming bati niya.
"Hello. Lagi ka ngang bukambibig nitong kapatid ko, e. Buti napadalaw ka."
Ngumiti lang ako.
"Adri, kain ka na muna para may lakas ka habang nakikipagkwentuhan ka dito sa crush mo!" Biro nito sa kapatid habang inireready ang pagkain sa harap nito.
"Ate! Kakainis to! Alis ka na nga lang! " Saway at sabi nito sa kapatid. Siya naman ay natatawa lang.
Tumayo na nga ang Doktora ng maiayos na nito ang pagkain at ang upo ni Adrianne.
"Sige na maiwan ko na muna kayo at may pupuntahan pa din akong pasyente.... Ubusin mo yan, ha Adri...." Bilin nito sa kapatid. "Patingin-tingin na lang ako sa kapatid ko, ha. At salamat din sa pagdalaw mo." Tinapik pa ako nito sa balikat bago tuluyang lumabas.
Nang wala na ito ay muli akong bumaling ng tingin kay Adrianne. Nakasimangot ito habang nakatingin sa pagkain na nakahain.
"Anong problema?" Tanong ko.
"Ayaw ko ng ampalaya! Ampait niyan eh!"
"Sige. Ganito na lang. Kainin mo na muna ito ngayon. Tapos mamaya dadalhan kita ng masarap na early dinner at saka pang meryenda. Then, kakain tayo together. Okay ba sayo yun?"
Ngumiti na ulit ito atsaka tumango. Sinubuan ko na ito at kahit halata ko na hindi talaga nito gusto ay kumain pa rin ito. Pagkatapos ay nahalata ko na parang napapagod na ito kaya naman inayos ko na ang higa nito ulit. Hinawakan ko ang kamay nito atsaka hinaplos-haplos ko ang mabuto, maugat, maputla, at malamig na nitong kamay. Sari-sari na din ang kulay ng mga kuko nito para iyong pasa na nagba violet, green, yellowish, and black. Ang dami-dami kong napapansin. Napaluha na naman tuloy ako. Yumuko ako at hinalikan ko ang kamay ni Adrianne atsaka ko inilapat iyon sa pisngi ko. Nang tingnan ko ito ay mahimbing na ulit itong natutulog.
YOU ARE READING
Gaga-gayuma
FanfictionAko si Louzia. Bruha, Aswang, Mangkukulam, Mambabarang. Ilan lang iyan sa tawag sa akin ng mga kaklase at schoolmates ko. Aware naman ako doon at pabor pa nga iyon sa akin dahil walang nagtatangka na gumagambala sa pananahimik ko. Lahat sila ay tako...