Chapter 10

53 3 0
                                    

"Louzia, pwede ko bang samantalahin ang pagiging mabait mo sa akin?"

Tinaasan ko lang ito ng kilay.

"Narinig kasi kita dati na kumakanta ka sa ilalim ng puno noon at nagandahan ako sa boses mo. Pwede bang kantahan mo ko para makatulog ako."

Mahilig naman kasi talaga akong kumanta pero hindi ko inexpect na narinig na pala ako nito.

"Anong gusto mo? Ili-ili?"

"Wag naman iyon. Baka di ako lalo makatulog dahil naaalala ko iyong horror na palabas, e."

Napag alaman ko na matatakutin pala itong si Adrianne, dahil ng minsan na i-commercial sa isang channel ang may katagalan na din namang horror na palabas ay bigla itong sumubsob sa balikat ko. Pinupunasan ko kasi ito noong time na iyon. At hindi ito umalis sa balikat ko hanggat hindi natatapos iyong pakita sa tv.

May ilang araw na din na pauli-uli ako dito sa ospital. Hindi na nga ako halos nagpapapasok sa school at umuuwi lang ako sa bahay namin para maligo at magbihis.

Inayos ko na ang higa at kumot ni Adrianne at saka ako naupo sa silya na nasa tabi ng kama nito.

"🎶She's been my queen, since we were sixteen. We want the same things, we dream the same dream alright.....​ I know, I know, I know for sure.... Everybody wants to steal my girl. Everybody wanna take her heart away. Couple billion in a whole wide world. Find another one, 'cause she belongs to me!🎶"

"I want to think that you are really singing that song for me."

"E, di ba nga sayo ko ito kinakanta. Ano ga daw?"

"I mean, you mean every lyrics."

"Tulog ka na at gabi na." Sabi ko na lang, saka hinaplos-haplos ko ang kanyang noo.

"Goodnight! Hope to see you again tomorrow." Pumikit na nga ito.

At ng sa tingin ko ay tulog na ito ay hinalikan ko ito ng magaan lamang sa noo atsaka umalis na ako para umuwi. Para bukas ay may lakas muli ako para alagaan ito.

.
.
.​

Maaga akong bumalik kinabukasan. Tulog pa si Adrianne. Sinadya ko naman talaga iyon, para pag gumising ito ay ako ang mamulatan. May dala din akong mga pag kain na pagsasaluhan namin sa almusal. Hinawi ko na ang makapal na kurtina sa bintana para makapasok na ang sinag ng araw.

"M-morning!" Mahina at paos ang boses na bati sa akin ni Adrianne.

Nakangiti ko itong hinarap at saka nilapitan.

"Goodmorning! How was your sleep?"

"Okay lang naman. Ikaw? Bakit ang aga mo?"

"Gusto ko kasi sabay tayo mag breakfast. May dala akong foods natin."

Tinulungan ko muna itong makapag cr dahil sobrang nanghihina pa rin ito. Ang gusto ko nga sana ay sa kama na lang ito para di na mas mapagod, kaso mapilit ito na bumangon. at nang makabalik na ito ulit sa kama ay saka ako naghain ng almusal namin. Naging magana naman ang pagkain namin. Nag liligpit na ako ng kinainan namin ng magsalita ulit ito.

"Louzia, pwede ba ulit mag request?"

"Ano na naman ang irerequest mo?" Pataray na tanong ko din, pero kahit ganito ay handa naman akong gawin ang kahit na ano pang hilingin nito. Kahit nga yata utusan ako nitong kumain ng apoy o buhay na manok ay gagawin ko pa din. Mapagbigyan at mapasaya ko lang ito.

"Punta naman tayo sa beach. Iyong tayong dalawa lang. Pwede ba?"

Saglit kong tinitigan ito at ng mabasa ko ang labis na pagkagusto talaga nito sa pagpunta sa beach ay agad na tumango ako ng nakangiti.

.
.
.

Inaalalayan ko ngayon sa pagbaba sa kotse ko si Adrianne. Nandito na nga kami ngayon sa beach na gusto nitong puntahan. Mabagal ang lakad nito na inakay ko patungo sa kumot na inilatag ko sa malilom na parte ng buhanginan. Nang maiupo ko na ito doon ay tinabihan ko na din agad ito. Humilig ito sa balikat ko.

"Napagod ka ba?" Tanong ko saka ko dinama ang pisngi nito.

"Hindi naman!" Tanggi pa rin nito para siguro hindi ako mag alala. Pero alam ko pa din naman ang totoo. "Louzia, pwede ba tayo maligo sa dagat maya-maya?"

"Pahinga ka muna saglit. Tapos lulusong na tayo."

Naramdaman ko na ngumiti ito tapos ng lingunin ko ay nakapikit na ito. Inilagay ko naman ang braso ko sa likod nito bilang suporta.

May katagalan din kami sa ganoong ayos, pero hindi naman ako naiinip. Ang mababagal nitong paghinga ang tanging kailangan ko para marelax ako. Bonus na lang ang simoy ng hangin at mga hampas ng alon.

Nang magising na ito ay agad ng umalis mula sa pagkakahilig sa balikat ko.

"Swimming na tayo!" Excited na aya na nito sa akin.

Tumayo na nga ako para alalayan ito na makatayo din. At pagkatapos ay lumakad na nga kami palusong sa dagat ng magkahawak kamay.

Hanggang sa may lampas tuhod lamang kami pero napakaganda ng ngiti ni Adrianne ng sandaling lumubog sa tubig ng dagat ang mga paa nito. Kahit nanghihina ito ay para pa din itong bata na nagtatampisaw. Niyakap ko ito ng muntik na itong matumba ng mamali yata ang yapak. Ang lakas ng tawa nito ng bigla itong hampasin ng medyo may kalakihang alon.

May ilang minuto pa lang kami doon ng mapansin ko na nawala ang ngiti ni Adrianne sa labi at napahawak din ito sa ulo. Naging mabuway din ang pagtayo nito. Kaya naman agad ko itong dinaisan. Iniakbay ko sa akin ang isa nitong braso at inalalayan ko ito na bumalik doon sa kumot na nakalatag sa buhanginan.

"Masyado ka kasing nag enjoy! Napagod ka tuloy!" Paninita ko dito.

Ikinuha ko ito ng tubig at agad ko itong pinainom. Sinampayan ko din ito ng bath towel sa likod para hindi ito malamigan.

"Okay ka lang ba?" Tinitigan ko pa ito. Tila lalo kasi itong naging maputla sa paningin ko. 

"I'm fine, don't worry!" Ipinatong nito ang kamay sa kamay ko na nakapatong sa hita niya.

"Are you sure?" Paninigurado ko pa.

Ngumiti at tumango lang ito.

"Salamat nga pala sa pagbibigay mo sa madami kong request, ha. Napasaya mong talaga ako."

"Kaya magpagaling ka na at pangako kahit anong hilingin mo sa akin ay ibibigay ko ng wala ng tanong tanong."

"Wala naman na akong mahihiling pa, e. Masaya na ako sa ganito. I don't know what are we or what is this, but I'm happy.... Thank you, Louzia!"

Nagngitian lamang kami pero sa likod ng ngiti ko na iyon ay may pinipigilan akong mga luha at hikbi.

"Pahinga ka na!" Nag crack ang boses ko ng sabihin ko iyon sa kanya.

Humawak ito muli sa kamay ko at saka humilig sa balikat ko. Maya-maya ay lumuwag na ang kapit nito sa kamay ko. Nag hum naman ako ng kantang 'steal my girl' habang tuloy-tuloy na sa pagtulo ang mga luha ko.

.
.
.​

Dalawang taon na mula ng i steal ni Kamatayan si Adrianne. She is not my girl at iyon ang pinagsisisihan ko. Fake nga iyong GAYUMA na ipinainom nito sa akin pero totoong pagmamahal naman ang naramdaman ko para sa kanya. Iyon nga lang, dahil GAGA ako ay saka ko lang narealize iyon noong wala na siya. Lagi nga pala talagang nasa huli ang pagsisisi.

🌻=THE END=🌻

Gaga-gayumaWhere stories live. Discover now