"I SAW YOU!"
Iyan ang chat sa akin ni Adrianne. Alam ko naman kung ano ang sinasabi niya, pero syempre dahil ma pride ako ay kailangan ko na mag maang maangan at tumanggi na din kung talagang kailangan.
"SAAN NAMAN?"
"SA GYM! PINANOOD MO AKO AT PINALAKPAKAN😁"
"PINAGSASABI MO DYAN! HINDI AKO NAGPUNTA SA SCHOOL NGAYON, KAYA PAANO MO AKONG MAKIKITA! BAKA NAMAMALIKMATA KA LANG!" Hays! Ako na ang sinungaling!
"NO NEED TO DENY! DAHIL KAHIT PA GAANO KARAMI ANG TAO AY KAYA KITANG MAKITA AT MA RECOGNIZE. KAHIT PA MAY KALIITAN KA AY NAG IISTAND OUT KA PA DIN SA PANINGIN KO!"
Bigla akong napahawak sa dibdib ko ng mabasa ko ang chat ni Adrianne. Hindi ko man aminin ay alam ko sa sarili ko na kinikilig din talaga ako sa mga banat nito.
"BAKIT HINDI KA NA NAGREPLY?"
Nagtatype pa ulit ito pero iklinose ko na ang laptop ko at nahiga na ako sa kama ko.
Hindi ako handang entertainin ang mga kakaibang nararamdaman ko ng dahil kay Adrianne.
Naghahanda na ako para matulog ng makarinig ako ng mahihinang katok o kaluskos sa bintana ko. Napatayo ako para tingnan iyon at nagulat ako ng makita ko na nakakuyabit na naman doon si Adrianne.
"Hoy! Buksan mo naman na ang bintana mo, please!"
Binuksan ko na nga iyon pero biglang nakabitaw ang isang kamay nito sa pasimano ng bintana ko kaya naman mabilis ko itong hinawakan para hindi tuluyang mahulog. Tinulungan ko na din ito na makasampa pero bigla yatang napasala ang paa nito kaya sabay kaming natumba at bumagsak ito sa ibabaw ko.
Cliché, huh! This is a super gasgas scene na sa mga palabas. Pero sa totoong buhay pala talaga ay magkakatitigan muna kayo ng may katagalan bago kayo makakaisip na tumayo.
"I'm sorry!" Sabi sa akin ni Adrianne. Matapos nitong umalis sa ibabaw ko.
Inilahad pa nito ang palad sa akin para alalayan akong makatayo pero hindi ko pinansin iyon at tumayo ako ng mag isa.
"Ano ba kasing pumasok na naman dyan sa kukute mo at nag ala akyat bahay gang ka na naman?" Inis na tanong at paninita ko.
"Hindi ka na kasi nagreply e! Baka nagalit ka na naman dahil sa pangungulit ko."
"As if naman may bago pa doon. Sadya namang lagi akong nagagalit at naiinis dyan sa kakulitan mo.!"
"E, wag ka na lagi mainis. Pwede ga?"
Sa tono ng pananalita at itsura nito ay para itong bata na ayaw magpapalo sa kanyang Ina.
"Alam mo ikaw, hindi ka naman mukhang kulang sa aruga pero bakit parang napaka clingy at papansin mo!"
Lumabi lang naman ito saka naupo sa paanan ng kama ko. Mukhang na offend ito sa sinabi ko, pero hindi ko naman alam kung paano ko ititake back ang sinabi ko.
"Alam mo gabi na. Umuwi ka na." Sabi ko na lang.
"Ayaw ko umuwi. Pwede ba akong makitulog dito?"
Hindi pa man ako nakakasagot ay sumampa na ito ng tuluyan sa kama ko at pumwesto na ng higa at nagkumot pa talaga.
"If I say no, aalis ka ba?"
"Hindi!" Ang sagot nito na may kasama pang pag-iling. "Higa ka na, tulog na tayo." Tinap pa nito ang bakanteng space sa tabi nito.
"At talagang sa tingin mo hihiga ako dyan sa tabi mo! I barely know you! Ano bang malay ko kung anong klaseng tao ka!"
"Dami mo namang satsat! Kailangan ko pa ba ng barangay, police, at NBI clearance para lang makitulog?"
YOU ARE READING
Gaga-gayuma
FanfictionAko si Louzia. Bruha, Aswang, Mangkukulam, Mambabarang. Ilan lang iyan sa tawag sa akin ng mga kaklase at schoolmates ko. Aware naman ako doon at pabor pa nga iyon sa akin dahil walang nagtatangka na gumagambala sa pananahimik ko. Lahat sila ay tako...