May ilang umaga ng laging inaabangan ni Adrianne si Louzia sa may labas ng bahay nila pero ayaw siya talaga nitong pansinin. Maging sa school ay ayaw din siya nitong pansinin. She feels like isa lang siyang hangin na hindi nito nakikita at napu-frustrate na siya dahil doon. Kung anu-ano na tuloy ang pumapasok sa isipan niya.
May kalaliman na ang gabi pero may isang anino pa ang umaakyat sa isang puno ng Mangga sa bakuran nina Louzia. Mahahalata na hirap na hirap sa ginagawa ang anino pero matyaga ito. Hanggang sa narating na nga nito ang sanga na malapit lang sa isang bukas na bintana. Nanguyabit ito doon hanggang sa tuluyan na nga itong makapasok sa bintana ng madilim na silid pero nagulat ang anino ng biglang bumukas ang ilaw sa kwarto na inakyat niya.
"What do you think you're doing?" Galit na tanong ni Louzia sa taong walang pahintulot na umakyat sa bintana ng kwarto niya.
"H-hi?" Alanganin namang bati ni Adrianne sa babaeng nagbuhay ng ilaw.
"Hi? Really? Gusto mo bang ipapulis kita?"
Nakaramdam ng kaba si Adrianne sa pagkakabanggit ni Louzia sa Pulis, kaya hindi siya lalo makaimik dahil wala naman talagang valid reason kung bakit siya umakyat sa bahay ng kapit bahay ng mga Tita niya.
"O baka naman gusto mo lang talagang matikman kung paano ako mangulam." Lumapit si Louzia sa isang istante na nandoon sa silid nito at dumampot ng isang voodoo doll.
"No, please! I just need your help!" Pandalas na sabi ng dalagang intruder.
"Tulong? Nagkamali ka yata ng nilapitan!"
"Mangkukulam ka di ba?"
Tumingin lang ng matiim si Louzia sa babae. Hinihintay nito ang sunod nitong sasabihin.
"I need love potion! At ikaw lang ang kakilala ko na witch kaya sayo ako lumalapit! Diba witches make different potions including love potion?"
Napataas ang kilay ng dalaga sa kanyang narinig. Sinipat pa niya si Adrianne mula ulo hanggang paa. Sa isip niya ay paanong nangangailangan ito ng ganun ay base sa physical looks nito ay malabo na hindi ito magustuhan ng kahit na sino.
"Please, Louzia. Magbabayad ako kahit magkano."
Tingin niya ay disperada na ito kaya naman tumango na lang siya.
"Talaga?" Namimilog ang singkit na mga mata ni Adrianne dahil sa hindi pagkapaniwala.
"Bumalik ka dito sa susunod na pagbilog ng buwan alas 3 ng madaling araw impunto at doon ko ibibigay sayo ang hinihingi mo!.... At habang ginagawa ko iyon ay ayoko na kukulitin mo ako!" Seryoso na sagot ng dalagang binansagan na mangkukulam. "Makakaalis ka na!" Tumalikod na ito sa kaiskwela pero muli itong napalingon ng mapansin na hindi ito natitinag sa kinatatayuan nito. "What else do you need?" Irita na niyang tanong dito.
"Pwede bang sa front door na ninyo ako lumabas or kahit sa backdoor. Hindi ko lang kasi alam kung kaya ko na bumaba dito sa bintana mo, eh."
Malakas na napabuga ng hangin ang dalaga at saka wala itong imik na binuksan ang pinto ng kanyang kwarto at lumabas. Sumunod naman na din agad dito si Adrianne. Nakalabas na nga ng bahay na pinasok niya si Adrianne at tahimik din itong nakauwi sa bahay ng kanyang mga Tita Mariza.
.
.
.Naging kainip-inip ang paglipas ng mga araw para kay Adrianne pero sinunod pa din naman niya ang sinabi sa kanya ni Louzia. At nang dumating na nga ang takdang araw na sinabi nito sa kanya ay nanlalamig siyang pumunta sa bahay nito. Hindi na niya kinailangang kumatok dahil tila inaabangan na talaga siya nito.
Inabot nito sa kanya ang maliit na boteng hugis puso na ang laman ay likido na kulay pink.
"Isinulat ko diyan sa papel kung ano ang dapat mong gawin para gumana iyan!" Seryoso ang mukha na sabi nito sa kanya.
Tumango lang naman siya at nagpasalamat at saka inabot na niya dito ang bayad niya. Hindi siya sinabihan nito ng presyo pero 10k ang ibinigay niya dito na hindi naman na nito binilang at agad din siya nitong pinagsaraduhan ng pinto.
Mabilis na siyang bumalik sa bahay ng kanyang mga Tita. At bago siya matulog ay binasa muna niya ang papel na kasamang inabot sa kanya ni Louzia. Napangiti siya ng makita na madali lamang ang mga instructions doon.
"Sana naman gumana ito!" Bulong niya sa bote bago niya iyong inilagay sa ilalim ng kanyang unan.
.
.
.Kinabakukasan ay maghapon siyang hindi makapag concentrate sa klase niya dahil kinakabahan siya sa kanyang binabalak na gawin. At ng mag ring na ang huling bell na palatandaan niya na tapos na ang kanyang klase ay pasimple niyang inilagay ang isang note sa palad mismo ni Louzia. Hindi na niya hinintay ang magiging reaksyon nito. Nagpatiuna na siyang umalis.
Naghihintay siya sa kanyang kotse at patap tap pa ang mga daliri niya sa manibela at kada segundo din yata ay tumitingin siya sa kanyang relong pambisig.
Sa sobrang distracted ng utak niya ay napaigtad siya ng bumukas ang pinto sa passenger side at sumakay doon ang babae na hinihintay niya.
"Buti at pinagbigyan mo ako!" Nakangiti niyang sabi kay Louzia.
"Good payer client ka naman, e. Kaya heto!"
"Saan mo pala gusto na mag meryenda tayo?"
"Okay lang ba sayo na mag street foods tayo?"
Nakangiting tumango siya at inistart na nga niya ang kanyang kotse. Wala silang imikan buong byahe pero hindi naman iyon awkward silence.
Inihinto na niya iyon sa isang food park na kanila sadyang nadadaanan tuwing pauwi sila. Sabay silang bumaba ng kotse at naglakad palapit sa isang bakante na lamesa. Naupo na doon si Louzia. Sinabi nito sa kanya ang gusto nito at siya na lang ang lumapit sa mga food stalls para bumili ng kakainin nila.
"Miss, pwede mo ba itong ihalo dito sa chocolate shake ko. Gamot ko kasi ito. Kailangan ko itong ihalo sa matamis para hindi ko malasahan." Sabi niya sa tindera na nagtataka man ay hindi na nagtanong pa ng makita nito na may kasamang 1k ang bote na iniabot niya.
Inilapag na niya sa lamesa ang mga inorder niya at nagsimula na nga silang kumain. Nakatingin lang siya kay Louzia habang hawak na nito ang Chocolate shake na pinaorder nito sa kanya. At nang sumipsip na nga ito sa straw ng drinks na pinahaluan niya ng gayuma ay halos hindi na siya humihinga. Hinihintay niya kung ano ang magiging epekto niyon kay Louzia.
YOU ARE READING
Gaga-gayuma
FanfictionAko si Louzia. Bruha, Aswang, Mangkukulam, Mambabarang. Ilan lang iyan sa tawag sa akin ng mga kaklase at schoolmates ko. Aware naman ako doon at pabor pa nga iyon sa akin dahil walang nagtatangka na gumagambala sa pananahimik ko. Lahat sila ay tako...