Nagtataka ako kung bakit parang ang bilis naman na naging close nina Isaac at Louzia. Nakatanaw ako ngayon sa kanilang dalawa habang masaya silang nagkukwentuhan. Ngayon ko lang nakita na ganito ka kumportable sa ibang tao si Louzia. Kahit nga sa akin ay hindi siya naging ganito at iyon ang ikinasasama ng loob ko.
Paanong kay Isaac na isang beses lang naman siyang kinausap at inaya kumain ay ganito na siya kaagad kalapit? Samantalang ako na halos magmukha na nga daw aso sa kasusunod sa kanya ay hindi pa rin niya tinatanggap kahit kaibigan man lang?
Hindi na ako nakatiis kaya nilapitan ko na sila.
"Louzia, pwede ba tayong mag-usap?" Seryosong tanong ko.
"Ano naman ang pag-uusapan natin?" Tiningnan lang ako nito saglit pero muli ding bumaling kay Isaac ng nakangiti.
"Basta! Halika na!" Hinawakan ko ito sa braso pero ipiniksi nito ang kamay ko.
"Wala naman tayong dapat na pag usapan at saka kita mo naman na may kausap pa ako di ba, kaya umalis ka na lang. Pwede?"
Alam ko na malamig talaga lagi ang pakikitungo sa akin nito ni Louzia pero hindi ko akalain na kaya akong itaboy nito sa harapan ni Isaac. Ang sakit niyon kaya naman bago pa tuluyang tumulo ang luha ko ay iniwanan ko na nga ang mga ito.
Habang naglalakad ako palayo ay tuluyan na ngang tumulo ang mga luha ko. At dahil sa nanlalabo na ang paningin ko ay huminto na muna ako at basta na lang lumupagi. Wala na akong pakealam sa mga nakakakita sa akin. Basta ang alam ko lang. Nasasaktan ako sa ginawa sa akin ni Louzia.
Nang mahimasmasan na ako ay dumiretso na ako sa parking lot. Sumakay ako ng kotse ko at nag drive na ako pauwi sa unit ko. Tinawagan ko sina Norie at inaya ko na pumunta dito sa unit ko. Tutal naman ay sabado bukas kaya magpapakalasing ako.
Pero paladesisyon itong sina Norie. Nang dumating ang mga ito ay kasama din sina Isaac at Louzia. Ang sabi pa ay isabay na daw namin sa pag hahappy-happy ang paggawa namin ng group project namin. O diba ang tanga lang!
Hinayaan ko na lang sila basta ako tuloy ang pag iinom ko. Pag tinatanong naman nila ako tungkol sa ginagawa nila ay sumasagot naman ako, bale iyon na ang pinaka ambag ko. Saka itong place at foods and drinks.
Ramdam ko na malakas na ang tama ko pero bakit hindi pa din nawawala ang sakit sa ginawa sa akin kanina ni Louzia? Nadagdagan pa nga ngayon sa nakikita ko na talagang closeness na nila nitong si Isaac.
Ano ba ang meron ito si Isaac na wala ako? Aminado naman ako na lamang ito sa akin ng mga isat kalahating paligo lang siguro, kasi tisoy ito, e. Tumayo ako para kumuha ng panibagong mga alak sa ref. Kaso hindi ko napansin na natabig ko pala ang bote ni Astrid natapon iyon sa lamesa at pati pantalon ni Isaac ay nabasa din.
"Bulag ka ba?" Narinig ko na tanong ni Louzia pagbalik ko.
"Ako?" Turo ko pa sa sarili ko.
"Oo! Nakasagi ka na ng bote ay hindi ka man lang nagsorry!"
Hindi ko maintindihan kung ano ang ipinagpuputok ng butse nito pero hindi ko na lang pinansin. Nagpatuloy na lang ako sa pag iinom ko. At ng mapatingin ako sa kanilang dalawa ay tuluyan ng nag init ang ulo ko. Muli akong tumayo at hinila ko din patayo sina Louzia at Isaac!.
"Ang babastos ninyo naman! Hindi ninyo na nirespeto ang pamamahay ko!"
"Ano ba ang pinagsasabi mo dyan?" Galit na tanong sa akin ni Louzia.
"Umalis na kayo ngayon din! Pati kayo Norie!"
Ipinagtabuyan ko na talaga ang mga ito at pagkalabas na pagkalabas ng mga ito sa unit ko ay pabalibag kong isinarado ang pinto. Wala na akong pakealam kung may magreklamo sa akin dahil sa ingay niyon.
Muli akong dumampot ng bote ng alak at ng wala na iyong laman ay ibinato ko lang iyon sa kung saan. Rinig ko ang pagkabasag niyon, pero wala akong pakealam. Patagilid na nahiga ako sa sahig. Hindi ko alam kung dahil ba sa lamig o sa awa ko sa sarili kaya ko pinagkayakap-yakap ang sarili ko.
Hindi ko alam kung gaano na akong katagal na nakahiga doon ng marinig ko na may nag doorbell. Wala sa wisyo na tumayo ako at basta na lang binuksan ang pinto ng hindi inaalam kung sino iyon.
Lalo akong nahilo sa ginawa kong pagtayo, kaya naman bigla na lang akong natumba sa harap ng tao na nasa labas ng unit ko.
.
.
.Louzia's pov
Inihatid ko lang sa mga sasakyan nila sina Norie bago ako bumalik sa unit ni Adrianne. Gusto ko din din kasing malaman kung ano iyong sinabi niya na kabastusan daw na nagawa namin. Naguguluhan ako. Isa pa ay kita ko din naman kasi na sobrang lasing na ito at nag aalala ako dahil wala naman itong kasama doon sa unit. Ang balak ko ay babanyusan ko lang iyon at patutulugin muna saka ako aalis pag ayos na siya. Pero nagulat ako ng mag past out ito matapos buksan ang pinto.
At kahit mas malaki ito sa akin ay sinalo ko ito para hindi tuluyang bumagsak sa sahig. Hirap na hirap akong ipasok ito at ihiga ng ayos sa sofa. Nang maiayos ko na ito ay naghanap na ako ng palanggana at towel na maipapampunas ko dito.
Nalamigan siguro ito ng idampi ko sa pisngi nito ang basang towel kaya ito ay mumulat at nagising. Hinawakan nito ang kamay ko na may hawak na towel na nakalapat pa din sa pisngi nito.
"Louzia?" Mahina at paos ang boses na tawag nito sa akin.
"Hmm?"
"Bakit hindi mo maramdaman na gustong-gusto kita?"
Hindi ko alam kung naiintindihan ba nito ang sinasabi sa akin pero kinausap ko pa din ito.
"Ano bang sinasabi mo?" Hihilahin ko na sana ang kamay ko na hawak pa din nito pero mas hinigpitan lang nito ang pagkakawak doon.
"Gusto kita, Louzia kaya lagi kung ipinagsisiksikan ang sarili ko sa iyo.... Pero bakit lagi mo lang akong binabalewala? Samantalang si Isaac na bago mo lang nakilala at nakasama ay iba ang turing mo sa kanya! Dahil ba sa lalaki siya at ako ay hindi? Ganun ba iyon?"
Ramdam ko ang hinanakit niya sa bawat salita na binibitawan niya kaya naman for the first time ay nagawa ko na magsorry sa kanya.
"Sorry? Para saan? Sorry dahil hindi mo masusuklian ang nararamdaman ko sa iyo? Friendship mo na nga lang ang hinihingi ko sa iyo, e dahil alam ko naman na malabo talaga na magustuhan mo ako! Pero kahit iyon ay ipinagdadamot mo pa din sa akin!... Pero hayaan mo! Mula ngayon ay hindi na kita kukulitin pa!"
Pagkasabi nito niyon ay bumangon na ito atsaka pasuray-suray na naglakad at pumasok sa pinto na kwarto nito siguro.
Niligpit ko na lang ang mga kalat sa sala at pagkatapos ay umalis na din ako.
.
.
.Lunes. Ilang minuto na lang bago magstart ang klase namin ng dumating si Adrianne at sa tabi ito ni Astrid naupo. Ni hindi ito tumitingin sa gawi ko. At sa lahat ng subjects na kaklase ko ito na dati ay sa tabi ko or sa malapit ito sa akin naupo ay naiba na ngayon. Sa malalayo na sa pwesto ko ngayon ito umuupo.
Noong lunch time naman ay hindi ko ito nakita sa canteen. Nang oras naman ng uwian ay nauna na itong lumabas ng classroom. Balak ko pa sana na tawagin ito at kausapin kaso hinarang ako ni Isaac na nagtatanong kung pwede daw niya akong ihatid. Tumanggi ako dahil ramdam ko na hindi na lang pakikipagkaibigan ang pakay sa akin ni Isaac. Pinarangka ko na din siya na kung balak niya akong ligawan ay wala siyang maaasahan sa akin. Naintindihan naman daw niya pero sana daw ay maging magkaibigan pa rin daw kami na sinang-ayunan ko naman.
Nang makauwi na ako sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto ko. Napansin ko na bukas ang bintana sa kwarto ni Adrianne pero tagapaglinis lang na nagtatanggal ng kobre kama at mga punda ang nakita ko na nandoon.
Di yata at wala na ngang balak bumalik sa kapitbahay namin si Adrianne. Nakaramdam ako ng lungkot dahil doon.
YOU ARE READING
Gaga-gayuma
FanfictionAko si Louzia. Bruha, Aswang, Mangkukulam, Mambabarang. Ilan lang iyan sa tawag sa akin ng mga kaklase at schoolmates ko. Aware naman ako doon at pabor pa nga iyon sa akin dahil walang nagtatangka na gumagambala sa pananahimik ko. Lahat sila ay tako...