Chapter 15

1K 22 0
                                    

Adelle

Muli ko pinasadahan ng tingin ang Pregnancy test kit at akala ko positive pero mali na naman ako ng akala dahil negative ang lumabas. Isang guhit na pula. Nakakapanlumo makita ang ganito!

Kalahating taon na kami magkarelasyon ni Rayver pero hindi parin kami nakakabuo ng baby. Alam ko may miracle ang Diyos at ibibigay niya ang kahilingan namin ng Boyfriend ko. Pinapasadahan ko ng tingin si Rayver habang nakahiga sa kama. Tulog na tulog siya dahil napuyat kagabe.

Nag-inuman silang magkakaibigan, hanggat hindi nalalasing ay walang tigil sa inom kaya bumagsak ang katawan niya at lasing na lasing.

Sana mabigay ko na kay Rayver ang matagal na niya pangarap ang magkaroon ng baby. Pumasok ako sa banyo para maligo at pagkatapos ay nagbihis ako dahil pupunta ako sa Doctor para magpa-check up kung bakit hanggang ngayon hindi ako mabuntis-buntis.

Sinuklay ko ang buhok ko bago ko hinalikan sa pisngi si Rayver.

"Aalis muna ako" Inayos ko ang unan sa ulunan niya at bago ko siya kinumutan.

Pagdating sa OB GYNE sinalang agad ako sa check up. Tumingin sakin ang Doctor na Tumingin sakin.

"M-Miss Domingo may bad news ako sa'yo, Mahirap ka mabuntis dahil hindi masyado nag daloy ang cells mo sa matres mo, siguro kailangan mo lang mag exercise at iwas-iwasan mo ang magbuhat ng mabibigat na bagay, hindi ko sa sinabi na hindi ka mabubuntis pero baka matagal na makabuo kayo ng asawa mo." Saad niya.

Bagsak ang dalawang balikat ko habang sinasabi sakin ang resulta.

Kinagat ko ang labi ko.

"Salamat Doc" Tanging nasambit ko sa kaniya habang tumatayo sa upuan.

"Alam ko may miracle si God miss Domingo at makakabuo din kayo ng asawa mo, kahit matagal basta maghintay-hintay lang, anong malay mo baka next year buntis kana diba" sabi niya.

"Gustong-gusto na kasi ng Boyfriend ko magkaroon kami ng Baby kaso mukha mahihirapan dahil may problema ako" sabi ko.

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Pray, For with God nothing shall be impossible Miss Domingo." Saad niya.

"Maraming salamat sa maganda payo Doc" sabi ko.

"Exercise at palagi healthy ang katawan miss Domingo at iwas-iwasan ang masyado stress at puyat" payo niya.

"Lahat ng sinabi mo gagawin ko 'yan Doc" sabi ko.

"Okay miss Domingo" Aniya.

Nanlumo ako habang palabas sa Ospital na pinuntahan ko. Dumaan ako muna ako Palengke saglit bago umuwi sa Condo. Pag-uwi ko naabutan ko si Rayver na naliligo sa banyo. Sa kusina muna ang tuka ko dahil magluluto ako ng kakainin namin mamaya tanghali. Nagsaing ako sa rice cooker bago hiniwa ang sari-saring gulay para sa lulutuin ko pinakbet.

Paborito ko kasi ulam ang pinakbet lalo na kapag ginisa sa karne ng baboy na may bagoong, ang sarap!

B-Bigla ako nalaway! Masarap naman kase.

"Hi love kanina Pagkagising ko wala ka sa tabi ko at saan kaba pumunta" Hinalikan niya ako sa pisngi.

Hinugasan ko ang kamay ko bago ko pinunasan.

"Pumunta kasi ako sa Doctor janina, alam ko may hang over kapa kaya Hindi  nalang kita ginising para makatulog ka ng maayos" sabi ko.

Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa'kin.

"Doctor? Bakit may sakit ka Adelle?tell me the truth because I just want to know?" Kitang-kita ko sa mata niya ang labis na pag-alala kung bakit ako pumunta kanina sa Doctor.

Makasalanang Gabi ni Sister ✔️(Complete)Where stories live. Discover now