Chapter 8

1.6K 31 1
                                    

Adelle

Ang ganda-ganda ng panaginip ko, nasa loob ako ng simbahan at nakasuot ako ng maganda at elegante wedding gown, Nakatayo ang groom ko sa harapan ng Altar kaso hindi ko makita ang mukha niya ang labo-labo. Sino ang lalaki nakatayo sa harap ng Altar habang nakatingin sakin ng diretso. Hindi ko talaga makita ang pagmumukha niya.

"A-ARAY ANG SAKIT!" Bigla ako bumagsak sa sahig galing sa ibabaw ng kama.

"Hoy sino ka babae ka at paano ka nakapasok sa loob ng Unit k--------Natigilan siya ng makita niya ako habang kinakamot ko ang noo dahil tumama ba naman sa sahig. Aray ang sakit!

"A-Ako ito si Adelle Rayver" sabi ko sa kaniya. Natigilan siya bigla ng makita niya ako nakatayo sa harapan niya.

Bigla siya bumangon sa kama at kinusot niya ang kaniyang mata habang nakatingin sakin.

"Adelle ko ikaw ba talaga 'yan? Wait paano?" Bigla niya ako niyakap ng mahigpit halos hindi ako makahinga.

Hinalikan niya ang labi ko.

"Mabuti nalang Nakagising ako ng marinig ko ang fire alarm sa loob ng Hotel, Nagmamadali ako lumabas sa kwarto at mabuti nalang nakalabas ako sa Hotel bago nasunog ang loob. Akala ko nga hindi ako kamuntikan na ako matrap sa loob ng Hotel. By the Grace of God nakaligtas ako" sabi ko.

"Akala ko na trap ka sa loob, maraming sunog na katawan ang na recover Adelle. Akala ko kasama ka doon kaya ganun nalang ang panghihinayang ko at syempre masakit sakin ang mawala ka" sabi niya.

"Kaya uminom ka sa Bar? Pumunta ako kagabe sa bar at nakita kita nagpapakalunod ka sa alak at umiiyak ka, para ka bata umiyak Rayver" sabi ko.

"Paano hindi ako iiyak kasi akala patay kana, akala ko nasunog ang katawan mo. Ang dami pumapasok sa isip ko what if kasama ang katawan mo nakuha. What if kung patay kana talaga kaya hindi ko matanggap. Sa tingin mo ba Adelle madali sakin ang lahat ng ito? Hindi dahil mahirap na mawala sa sakin dahil hindi ko kakayanin" Saad niya.

Bigla niya ako kinarga at pinaikot-ikot niya ako.

"Rayver ibaba mo nga ako! Mabigat kaya ako at hindi kaba nabibigatan sa'kin?" Tanong ko sa kaniya.

Kumunot ang noo niya.

"A-Actually ang gaan-gaan mo nga! Ilan ba ang weight mo love ko?" Tanong niya.

"Forty-five lang ang kilo ko Rayver" sagot ko sa kaniya habang napako ang mata niya sa'kin.

"Kaya pala magaan ka, Honestly hindi ka naman mabigat" Nakangising sabi niya.

"Ibaba mo nga ako Rayver!" Sabi ko.

"Ayaw ko nga! Alam mo ba Masayang-masaya ako dahil alam ko alive ka! Alam ko babalikan mo ako, babalik ka" Saad niya.

"Babalikan naman talaga kita Rayver dahil mahal na kita" Seryoso sabi ko.

"A-Anong sabi mo hindi ko marinig eh, pakiulit nga Adelle?" He's smirked.

"Wala ang sabi ko gwapo ka!" Sabi ko.

"Oh hindi yan ang sinabi mo, iba ang sinabi mo sa'kin Adelle pakiulit nga masarap pakinggan sa tenga" Saad niya.

"Hindi ko na p'wede ulitin kasi hindi ako unlimited paulit-ulit ng sasabihin ko" Pabiro sabi ko sa kaniya.

"K-Kagatin kita d'yan e, sabihin muna kasi Adelle ko sige na please" Nag puppy eyes siya sa harapan ko kaya natatawa nalang ako sa mukha niya.

"Te 'amo! Mahal na kita Rayver" Malambing na sabi ko sa kaniya. Ang ngiti niya abot hanggang langit sa tuwa.

"Oh Adelle ko, I love you too" Hinalikan niya ako sa labi..

***********************
Rayver

Dalawang araw kami hindi nagkita ni Adelle kaya mas lalo ako nasasabik na halikan ang labi niya. Ang puti-puti talaga ng balat ni Adelle at ang kinis-kinis pa. Mainit ang laway niya habang nilaplap ko ang labi niya. Ang sarap at ang bango-bango ng hininga niya na nagpapanabik sa akin.

Makasalanang Gabi ni Sister ✔️(Complete)Where stories live. Discover now