Chapter 17

1K 20 3
                                    

Adelle

Handang-handa na talaga ako magtrabaho sa kumpanya ni Rayver Sebastian. Napaawang ang bibig ko habang nililibot ko ang paningin ko sa loob ng kumpanya niya. Grabe halos lahat Glass window at Glass wall. Ang kintab-kintab ng tiles at nakakahiya naman itapak ang mumurahin ko Tsinelas sa tiles na ito.

Wow! Amazing ganito pala kayaman si Rayver Sebastian grabe talaga. Ang dami-dami empleyado at lahat sila masyado busy sa kanilang ginagawa. Maraming security guard ang nakabantay at may naglalakad na Officer in charge para sa Security.

Gustong-gusto ko makita ang kabuuan ng kumpanya ni Rayver kaya gumala muna ako. May nakita ako mga babae sa Hallway. Narinig ko si Rayver ang pinag-uusapan nila.

Tumago ako sa gilid habang nakikinig sa pinag-uusapan nila.

"Hoy Rena bakit sad ka d'yan may problema kaba?"tanong ng babae nasa harapan niya.

"Kasi ang CEO ng kumpanya ito may girlfriend na pala at alam niyo ba nakita ko sila kanina ang sweet" sabi niya.

"Malamang Rena girlfriend yun ni Sir Rayver kaya sweet sila sa isat-isa, pwede ba huwag ka nga tanga diyan, kahit kailan hinding-hindi tayo papansinin ng isang Rayver Sebastian dahil empleyado lang tayo dito sa kumpanya niya. Kumakayod tayo para magkapera" sabi ng isang babae.

"Tama si Vanessa Rena, pwede ba tigil-tigilan mo yan Pagiging delulu mo sa boss natin at kahit kailan hindi ka papatulan nun dahil may standard siya pagdating sa babae mamahalin niya. Kitang-kita naman natin na may girlfriend na 'yun" sabi ng isa.

"Oo nga, gwapo kasi si Sir Rayver kaya maraming babae talaga ang magkakagusto sa kaniya at maghahabol, Kahit nga ako humahanga sa kagwapuhan ni Sir Rayver" Saad ng isa pa.

"Tama ka diyan Sarah, kahit sino talaga babae magkakagusto sa isang Rayver Sebastian. Crush na crush nga siya dito sa sarili kumpanya niya at lahat ng mga empleyado may paghanga sa kaniya." Segunda sabi ng isang babae.

"Tama" sabi naman ng isa.

Gusto ko talaga libutin ito kumpanya niya kaya naglakad-lakad muna ako.

"Aray ang sakit" hinimas ko ang ulo ko habang nakatingala dahil may nakabunggo ako isang lalake matangkad.

"Adelle" sabi niya.

"Harris" sabi ko.

"Oh ikaw nga ang girlfriend ni Kuya Rayver, anong ginagawa mo dito?"Tanong niya.

"Dito na kasi ako magtrabaho Harris" sagot ko.

"Really! Wow mabuti naman kung ganun,by the way mauna muna ako sayo kasi may date kami ng girlfriend ko bye Adelle" kumaway pa siya bago umalis.

"Bye Harris" sabi ko.

"Yan ba ang gawain ng isang empleyado pagala-gala sa oras ng trabaho?" Nagulat ako dahil nagsalita siya sa likuran ko.

Ngumiti ako sa kaniya. Ang gwapo naman ng CEO.

"Ah good morning po Sir Rayver" sabi ko sabay kamot sa ulo ko.

Naningkit ang mata niya habang nakatingin sakin.

"Back to your work Adelle" Seryoso sabi niya sabay Kumunot ang noo niya.

"Sige po Sir Rayver babalik na po ako sa work ko" sabi ko sa kaniya. Umupo ako sa harapan ng Computer at nag encode ako para matapos ito files.

"Mali ang pag-encode mo Adelle dapat medyo malaki ang letra ng title. Gawin mo twenty four ang size" sabi niya.

"Sorry po Sir mali-mali na po ako" sabi ko sa kaniya.

"Mag focus ka sa ginagawa mo Adelle at huwag panay ang Pasulyap-sulyap sakin, nahuhuli kita" sabi niya.

Makasalanang Gabi ni Sister ✔️(Complete)Where stories live. Discover now