Chapter 9

1.3K 28 0
                                    

Adelle

Hawak-hawak ko ang aking Rosary. Ang dami ko na talaga kasalanan sa Diyos at halos hindi ko na mabilang sa daliri ko. Siguro ito na ang tamang oras at panahon na iwanan ko ang pagiging Madre ko. Patawarin mo ako Panginoon kung ayaw ko na maging Madre. Maram ako mamimiss dito sa Kumbento dahil limang taon din na naging Madre ako. Naglingkod ako sa Diyos.

May mga bagay na dapat talaga bitiwan at iwanan. Malungkot man isipin pero si Rayver ang pipiliin ko dahil mahal na mahal ko siya. Akala ko hanggang pagmamadre lang ang gagawin ko habang buhay pero ng Makilala ko siya nagbago lahat at pati ang buhay at ikot ng mundo ay nagbago...

Iisa lang si Rayver sa mundo kaya ayaw ko siya pakawalan at iwanan baka hindi ko kayanin.

Malungkot ang mga kaibigan ko Madre na magpapaalam ako sa kanila na aalis na ako sa Kumbento. Naging biglaan ang desisyon ko pero kailangan ko ituloy ito.

"Sigurado kaba sa Desisyon mo Adelle na aalis kana talaga sa pagiging Madre mo?" Tanong sa'kin ni Sister Nimfa.

Tumango ako sa kaniya.

"Akala ko nasa finish line na ako ng buhay ko Sister Nimfa pero hindi pala dahil mali ako ng akala." Sabi ko.

"T-Totoo ba ang sinabi mo Adelle na ang naging dahilan ng iyong pag-alis ay dahil sa lalaki?" Tanong ni Sister Anna.

"Oo nakilala ko siya sa Bus Station,Mabait siya at maalaga sa'kin. Gusto ko man siya iwasan kaso siya ang lapit ng lapit sa'kin Sister Anna,Sister Nimfa. Ayaw ko man saktan ang damdamin niya dahil napakabuti niya tao at hindi niya ako binibigyan ng problema kaya Unti-unti ako napapamahal sa kaniya. Nahulog na talaga ako sa lalaki yun at nagkasala ako sa Diyos dahil may nangyare na sa amin sa kama Sister Nimfa, Anna" Sabi ko.

Napaawang ang bibig ni Sister Anna habang nakatingin sakin.

"Oh talaga Adelle, kaya gusto mo na talaga iwanan at talikuran ang pagiging Madre para sa lalaki na yun?" Tanong ni Sister Anna.

"Oo dahil mahal na mahal ko siya." Sambit ko.

"Alam ko tao kalang Sister Adelle, Nagmamahal kaya kung saan ka masaya ay susuportahan ka namin dito sa kumbento. Kung may time ka palagi mo kami papasyalan ah, Bukas ang pintuan para sayo at welcome na welcome ka dito" sabi ni Sister Emilia.

"Maraming salamat po Sister Emilia sa pang-unawa sakin at sa sitwasyon ko ngayon" sabi ko.

Nagsenyas siya.

"A-Ano kaba okay lang samin yun Sister Adelle basta mag-iingat ka palagi at masaya kami sa buhay na pinili mo kasama ang lalaki minamahal mo" sabi ni Sister Emilia.

"Group hug naman tayo oh! Aalis na si Sister Adelle" Naluluha sambit ni Anna. Nag group hug kami apat.

Ito na ang huling araw na pamamalagi ko dito sa Kumbento. Masaya ako sa Journey ko na naging Madre ako sa loob ng limang taon. Marami ako nakilala mga individual na tao, May mahirap, mayaman at meron mga pulubi sa tabi ng daan. Hindi lahat ng mamayan ay pantay-pantay ang pamumuhay dahil meron mayaman at mahirap.

"Mamimiss ka namin Sister Adelle" Saad ni Sister Nimfa.

"Mamimiss din kita Sister Nimfa at ito Kumbento" sabi ko sa kanilang apat.

Kahit masakit at mabigat sa loob ko umalis sa Kumbento ay kinaya ko para sa totoong kaligayahan ko. Hila-hila ko ang aking maleta palabas ng Kumbento. Ngayon ang nararamdaman ko ay masaya ako dahil makakasama ko na si Rayver.

Sinabi ko kay Rayver na uuwi ako ulit sa Batangas at sinabi ko umalis na ako sa Kumbento dahil hindi na ako Madre.

Masayang-masaya siya ng malaman niya hindi na ako maninirahan sa Kumbento at mas lalong hindi na ako Madre ngayon.

Makasalanang Gabi ni Sister ✔️(Complete)Where stories live. Discover now