" julie kunin mo nga yon "
" julie gawin mo nga yon "
" julie bilisan mo naman "
" julie palpak naman 'to eh! "
"ayusin mo nga 'to or else i'll fire you "
paulit ulit nagre-replay sa utak nya ang nangyari sa first day of work nya kay elmo
" diyos koooo! pinsan ba sya ni hudas? " takang tanong nya sa sarili
" julie, ayos ka lang? " tanong ni maqui sa kapatid
" malamang ate. wala nga akong sira oh, buo pa nga katawan ko eh " pilosopong sambit nya
bahagyang natawa si maqui dito
" musta naman ang unang araw mo? "
" ayt te. parang pang 1000x na akong nagta-trabaho dun
" ok lang yan, julie. masaya ka naman na nasisilayan mo ang love of your life diba? "pangaasar nito
" hay nako, teh. " she flipped her hair
" taray neto. wag ka ngang choosy "
" ate? "
" hmmm?"
" maganda ba ako? " tanong ni julie
" alam mo, wala naman maganda at lalong walang panget sa mundo. lahat tayo ginawang pantay pantay. hindi na mahalaga yang mga retoke-retoke na yan. "
" salamat talaga ate ha? "
" wala yun ano ka ba "
" ate, tumigil ka na ba sa trabaho mo'ng yun? "
" julie... " 'di nya alam kung ano'ng isasagot nya sa kanyang kapatid
" hayaan mo na ate. itigil mo na yan. malaki ang sweldo ko "
" eto naman. nangonsensya pa " natawa tuloy si maqui sa kapatid
----
" julie, asan na yung kape ko!? "
" eto na ho sir " at inabot ni julie ang baso
tinikman ito ni elmo
" masyadong matamis. ilang kutsarang asukal ba ang nilagay mo?"
" tatlo ho sir "
" eh kaya naman pala. sa susunod isang kutsara lang. naiintindihan mo!? "
"oho sir. "
langya to'ng si elmo, puro pag hihirap nalang ang pinapadanas nya kay julie
bagay 'yan sa tulad nya. katulong sya diba?