Take my hand with my heart - Part 7

878 17 0
                                    

alas kwatro na ng umaga ng maka uwi si julie sa kanilang bahay galing sa trabaho. halata sa mukha nito ang pagod

" anak, andyan ka na pala"

"mano po"

"kaawaan ka ng dyos"

"musta naman ang trabaho?"

" ayos lang nay" ngumiti sya ng malungkot

" nahihirapan ka na noh?"

"hindi naman nay"

"kaya mo yan. gamitin mo ang talino mo"

"syempre nay! mana ata ako sa 'yo"  at sabay silang tumawa

"hay nako anak. kumain ka na nga, gutom lang yan. may kanin tutong pa dyan at asin"

" wow nay! paborito ko yan ah?" excited na sinandok ni julie ang kanin tutong, kahit matigas na at saka inispread ang asin sa ibabaw ng kanin

"hayaan mo anak. pag tayo yumaman, makakakain ka na rin ng tocino" sabi ng ina ni julie with matching taas pa ng dalawang kilay

"tocino? ano yun nay?"

"pagkain ng mayaman"

" 'di naman siguro nay. baka sadyang di lang natin kayang bilhin" at natawa ulit silang dalawa

"ikaw talaga juleng "

" haha! "

" anong oras ka babalik sa trabaho?"

"nay, umuwi lang ako para kumain"

"ganuon ba? mag iingat ka pabalik ah"

"naman nay"

pagka tapos kumain ni julie, hinugasan na nya ang pinagkainan nya. hinanap nya ang kanyang ina pero tulog na pala ito kaya umalis na sya.

habang naglalakad sya, nakatingin sya sa magagarang bahay na nadadaanan nya, pati narin ang mga magagarang sasakyan na naka garahe sa loob ng bahay

magkakaroon din kami nyan. mas malaki pa dyan 

Take My Hand With My Heart (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon