Take my hand with my heart - Part 28

876 20 1
                                    

" kaninong bata galing ito? " tanong ni pia sa anak

" kay ate steph po " arkin replied

" call me mommy pia " sambit ni pia kay misha

agad na tumango ang bata, medyo nalungkot sya ng marinig ang salitang 'mommy' at agad naman nilang napansin

" teka, ayaw mo bang tawagin akong mommy? " pia asked.

yumuko lang ang bata.

"oh. I get it, you want your mommy?"

mabilis na tumango ang bata

nagkatinginan lahat ng magalona

"ano ba ang pangngalan ng mommy mo?" maxx asked

" julie.... "

" julie?" pia paused "julie?" sambit ulit ni pia na parang may inaalala.

"teka, what's your mommy's full name?"

"I... I... I don't remember"

"ha? eh how about your daddy?" pia asked again

"daddy? uhm.. daddy el... " misha replied

"el? your daddy's name is el?" tanong ulit ni pia

tumango si misha

yuyuko sana si pia ng biglang mahulog ang wallet nya at nabuksan ito. pupulutin na sana ito ni misha ng biglang.....

"DADDY!" nagtatatalon pang sambit nya.

nagtaka naman ang lahat, tinignan ang picture, at napaisip

"ha? teka lang, he's not your daddy, kapatid namin sya" sambit ni saab.

umiling ang bata at tinuro ulit ang picture "DADDY ELMO!!!" at saka kumanta pa ng 'elmo's world' ng sesame street.

panandaliang nagtaka ang mga magalona.

"god!" napahawak si pia sa magkabilang sentido nya ng mabuo nya ang iniisip. julie + elmo, tapos naalala nya ang nangyari kila julie at elmo.

hinawakan ni pia ang magkabilang balikat ng bata.

"now tell me, do you want me to call your daddy elmo?" pia asked

walang alinlangan na tumango ang bata.

kinuha ni pia ang kanyang cellphone at dinaial na ang cellphone ni elmo

-

"daddyyyy! your phone is ringing!" sambit ni shirley habang kumakatok sa kwarto nila elmo.

wala nga pala ang phone ni elmo dahil kinuha ni shirley para maglaro ng temple run2

"baby your daddy is sleeping pa!" sambit ni rita sa anak.

"but his phone- "

"he'll answer it if he is awake" kinuha ni rita ang phone at inactivate ang silent mode

-

"walang sumasagot eh."

napasimangot ulit ang bata.

"hey, don't be sad" sambit ni frank at gumawa pa ng funny faces to cheer misha up.

pero nangingilid na ang luha nito. naabala naman si pia.

"hey.. shh.. no, no, don't cry. I know your a strong girl cause I can see it in your eyes." sambit ni pia kay misha.

pinunasan muli ni misha ang nangingilid nyang luha. magtapangtapangan man ay hindi parin nya ito nagawa ng makita ulit ang litrato ni elmo.

Take My Hand With My Heart (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon