" juleeenngg! " masayang salubong ni marivic sa kanyang anak na galing lang sa pag titinda ng penoy
" nay! kagulat naman kayo " bahagya syang natawa " nay pasensya na po ha? hindi po naubos yung mga penoy. paano kasi, si mang berting laging umuutang "
" ay nako anak! may maganda akong balita para sa yo "
" talaga nay!? " bakas sa mukha ni julie ang kasayahan
" oo. halina't pumasok na tayo sa loob ng bahay para masabi ko na sa yo "
tinulungan ni julie mag buhat ng gamit ang kanyang ina
" julie, ang ate maqui mo? "
" bumili po ng kamatis para po pa'ng ulam natin "
" ah ganun ba? "
" sabi ko nga nay, may asin pa dyan eh " natawa ulit sya ng bahagya
" anak " hinawakan ni marivic ang magkabilang balikat ni julie
" pasensya ka na kung kailangan mo pa'ng mag trabaho. " nag taka naman si julie sa nais iparating ng kanyang ina
" wala ho yun nay. gusto ko lang po'ng makatiulong sa inyo "
" alam mo ba't may trabaho ,ka na? "
halos maibato na ni julie ang kanyang hawak na bote ng patis sa sobrang saya
" di nga nay? "
" oo nga. kay sir elmo pa mismo nanggaling yan ah. yiiieee " panunukso ng kanyang ina
" nay nemen eh " nahihiyang sambit ni julie
" eh ikaw na ang swerte, day! biruin mo yung prince charming ng panaginip mo eh boss mo pala "
"eh ano naman nay?"
" hindi ba't parang destiny yun? " panunukso parin ng ina nya
" nay! isa pa ha! " natatawang sambit ni julie dahil sa kilig
" oh sya, sya. bukas ka na pala magsisimula, sigurado ka ba'ng kaya mo na? "
" naman nay! macho ata to'ng anak mo "
napailing nalang si marivic sa pinag sasasabi ng kanyang anak