Chapter 1

5 1 0
                                    

Azalea POV

"Ang tagal naman ng prof" sabi sa akin ni Zara nang makaupo siya sa tabi ko.

Zara Alora Levine, one of my best friends. Pareho kaming tinatake na course which is Financial Management. Habang sila Eloise Brynn Hans ay tourism at si Kim Ha-Eun ay HRM ang kinuha. Kim Ha-Eun is a pure Korean but born and grew up here in the Philippines. Madalas tahimik at nagbabasa. Nagbabake naman minsan.

Si Zyx ang kinuha niya naman ay marketing kasama ni Zain. Hiroshi took HRM too and tourism din ang kinuha ni Alexei.

Sasagot pa lang ako pero dumating na ang professor namin. He went to the center and clapped his hands to call our attentions. I can hear some murmurs from the outside of the room.

"Good morning class. May block na idadagdag sa inyo kasi medyo kaunti sila so me and the dean decided na isama sa block niyo. Alam kong naging kaklase niyo ang ilang sa kanila nung 1st to 3rd year." Sabi ni Sir Drake, our CBMEC2 professor

"4MM3 please come in" Sir Drake said.

MM? Marketing yun di ba? I hope Zyx will be our classmate in this class.

Isa isang pumasok ang mga 4MM3 students. I saw Zain entered the room. At huling pumasok si Zyx. I can't look at him. Nakita naman ako ni Zain kaya ngumiti siya sa akin at nung bumaling ang tingin niya sa tabi ko. Zain tongued out to Zara

"P****gis. Kaklase na naman natin yang unggoy na iyan?" Reklamo na bulong ni Zara.

Palaging nagbabanggayan, nagaaway sila Zara at Zain.

"Magsihanap na kayo ng uupuan niyo. Para makapagsimula na tayo ng lesson" sabi ni Sir Drake.

Zain and Zyx sat behind us. Tinapik ako ni Zain to fist bump. Kaya I faced him. I can see Zyx is staring at me in my peripheral vision. Naki-fist bump ako Kay Zain. Tapos ginulo ni Zain ang buhok ni Zara to tease her.

"Ano ba?? Maayos kung sinusuklay buhok ko. Tapos guguluhin mo lang. Kainis ka" Zara said.

Nagsimula nang maglesson si Sir. Throughout the class, ramdam ko ang titig ni Zyx sa akin.

" Zyx baka matunaw. Aminin mo na kasi namimiss mo na siyang kasama at kausapin. Magfirst move ka na since ikaw naman ang dahilan kung bakit di na kayo nagpapansinan ni Az. Kitang kita ko kagabi na nasasaktan na naman siya" bulong ni Zain kay Zyx

" Shut up" bulong sa kanya ni Zyx

After 1 hour and 20 minutes

"That's it for today. Class dismissed" Sir Drake said

Tumayo naman sila Zain para pumunta na sa next class nila.

"Az, may next class pa kayo?” Tanong sa akin ni Zain

"Yeah sa Public Finance. Dito din room namin. Kayo?" I answered

"Mamayang hapon pa. Ang sabi sa amin ililipat din kami sa sub na Global Finance at International Business sa block niyo" sabi ni Zain

I was surprised with the news. Kaya siguro hindi ako maka-move on dahil laging nakakasalamuha ko. 14 years ko na siyang minamahal sa malayo. Ever since I confessed, we have no contacts na.

"ano ba naman yan? Magiging kaklase pa din kitang unggoy ka. Sawang sawa na ako sa pagmumukha mo" reklamo ni Zara

"Ang saya ko nga ehh kasi tong mukhang ito makikita mo palagi. HAHAHAHAHA pero the feeling is mutual. Sawa na din ako sa mukha mong parang baboy sa taba blehhh" pang-aasar ni Zain kay Zara.

Chasing Myself BackWhere stories live. Discover now