Azalea POV
I get a towel and basin with water.
"Zain may dala ba kayo lagi ng extrang damit?” tanong ko kay Zain
"yeahh always in case na magsuka kami tuwing umiinom or sa labas nakakatulog" sabi ni Zain.
"can you get Zyx's?" Utos ko rito.
"okay sure" sabi ni Zain
"ayun pag kay Aza, sumusunod agad sa utos sa akin may reklamo pa bago sumunod. May special treatment. Favoritism?” komento ni Zara
"hindi naman kasi siya ikaw. Palaging mabait sa akin si Aza unlike you." Pang-aasar sa kanya ni Zain na palabas ng bahay to get the extra clothes ni Zyx sa kotse nito.
"Gago ka talaga Zain" sabi ni Zara na mukhang gusto pang sumigaw kaso baka sigawan kami ng mga kapitbahay na 'magpatulog kayo kung ayaw niyo pang matulog'
I went inside the guest room. Wala na doon yung dalawang nagbuhat kay Zyx. Marahil nagshower yung isa kasi may naririnig akong lagaslas ng tubig sa cr. Probably si Hiroshi. He can't sleep without taking a shower. Si Zyler naman ay siguro bumaba.
Agad ko namang pinunasan si Zyx. Sa kaniyang mukha, braso at pinasok ko na lang mga kamay ko sa loob ng t-shirt niya. Hindi ko kayang hubarin ang lalaking ito at baka kung ano pa makita ko. I can feel his breathing. Ramdam ko din ang abs niya.
'kung ako sana ang minahal mo, hindi ka magkakaganyan hayyyy' bulong ko na ako lang makakarinig.
"Sabrina.. Mahal na mahal kita pero bakit mo sa akin ginawa ito? Iniwasan ko pa si Aza para sayo dahil nagseselos ka sa kanya. Pinili kita over her. Tapos sasaktan mo lang ako..sana pala pinili ko na lang siya.." Zyx said in his sleep
Nagulat pa din ako sa sinabi nya kahit alam kong iyon ang rason kung bakit we lost communication. A tear fell from my eyes. He really loves Sabrina na kahit sa panaginip nadala niya. I heard the door opened from the bathroom. Alam kong naliligo si Hiroshi kaya I did not face him dahil possible na makikita ko syang topless. Agad kong pinunasan ang luhang kumawala sa mata ko.
"Uhhh, pinupunasan ko lang si Zyx. Paasikaso na lang sa thighs hanggang paa. Pinakuha ko na din kay Zain yung damit nya. Thanks" sabi ko rito bago pa siya makapagsalita.
Binitawan ko yung bimpo at basin sa side table at dali daling lumabas ng guest room. Nakasalubong ko pa si Zain na papasok pa lang ng guest room. Tinuro ko agad kay Hiroshi na sa kanya ibigay. Nagmadali akong pumunta ng kwarto ko. Agad akong humiga sa kama.
Makailang minuto ay hindi pa ako makatulog dahil sa nangyare kanina. I stared on my ceiling na may galaxy lights. I mean yung galing sa projector something. My room's theme is aesthetic pastel pink and white.
Makalipas ng dalawang linggong magmula ang nangyare, ay hindi pa nagiging okay si Zyx. Mabuti na lang kahit may pinagdadaanan ay pumapasok pa din siya kahit wala doon ang focus nya. Kapag may quiz ay tinutulungan na lang namin siyang pakopyahin ng patago. Madalas tumatambay si Zyx sa amin at uuwi ng 7pm after maghapunan. I think he really needs my presence.
Tapos kung dati ay cold siya, mas malamig siya. Before, nakikisama pa naman kahit papaano si Zyx. Nakakausap pa pero now ako lang kinakausap nya maliban sa kakambal nya. Tapos nababalitaan ko kay Zyler na madalas naglalasing si Zyx at nagwawala kapag nasa condo nila pag wala silang pasok at kami meron. Kaya napapasugod ako para mapakalma siya.
"Awang awa na ako kay Zyx. Wag magkakamaling magpakita talaga ang babaeng iyon?! Grrrr" sabi ni Zara.
"talaga ireresbak natin" sabi ko
"No. Masasaktan ka lang pag inaway ka nya. Hindi namin ikaw kayang makitang nasasaktan. Soft hearted ka alam ko iyon. Kaya no. We will protect you forever and Zyx for now dahil he's in his weak side" sabi ni Zara
"Awww pero sinaktan nya ang mahal ko. Pinaubaya ko sa kanya ang lalaking minahal ko. Pinili siya over me tapos magloloko lang siya. Tapos almost 1 year na yung pangloloko. Ang galing magtago ng affair niya Tarantada siya" galit na sabi ko
"Mag-iingat ka Sabrina. Never show up in front of her. Ginagalit mo ang babaeng ubod ng bait. Masama pa naman galitin ang mga mabait. You won't like it hahaha" napapailing na sabi ni Zara
"gigil nya ako ehhh" sabi ko rito.
I can feel the vibration from my phone. It's either I received a text or someone's calling. I checked my phone.
Zyler calling
I answered the call kasi baka emergency.
"Hello? May nangyare na naman ba??” tanong ko
[Yeahh hurry up. Nakikipagsuntukan si Zyx sa kabit. Hindi namin maawat. Ayaw magpadala kahit tulong tulong na kami nila Zain sa pagpipigil at paglayo. Hindi maikalma to. Bugbog sarado na nga yung kabit. Hindi rin namin mahagilap ang bruha. Nasa Verde kami ulit]
"Okay okay I'm on my way there" sabi ko at hinang up agad
"let's go. Zyx is making scene at Verde. Bugbog sarado yung kabit ni bruha" nagmamadali kong sabi habang kinukuha yung mga gamit ko.
Agad na sumunod si Zara. Zara immediately called the others.
"Ha-Eun and Hiroshi can't make it kasi may recitation daw sila sa sub nila at bawal makalabas agad" sabi ni Zara
Tumango lang ako at tumatakbo papuntang parking lot. Pagdating namin doon naghihintay na si Eloise. I went inside the driver seat at agad inistart ang kotse habang sumakay naman ang dalawa. Agad na sinabi ni Zara ang nangyare.
I drove fast to the Verde. Imbes na 30 minutes ang byahe ay naging 15 minutes. Kitang kita namin na marami nang nanonood sa loob sa kung anong nangyayare.
"EXCUSE ME! PADAAN!" Sigaw ni Zara na agad nagsitabihan ang mga nakaharang sa pintuan
Susuntukan na ulit ni Zyx ang lalaking kabit ni Sabrina ang sumalubong sa amin. Napatakbo ako kay Zyx at niyakap agad ito para kumalma. Puno na ng dugo ang lalaki at halos hindi na makilala pa.
"enough na Zyx." Saway ko rito
"NO. IT WILL NEVER BE ENOUGH. KULANG PA YAN YUNG SAKIT NA NARARAMDAMAN KO. INAGAW NYA SA AKIN SI SABRINA. INAGAW NYA SA AKIN SI SABRINA AZ. HINDI NIYO ALAM ANG PINAGDADAANAN KO." Galit na umiiyak sigaw sa akin ni Zyx at tinulak ako palayo sa kanya dahilan para matumba ako
My tears started to fall. This is the first time he pushed me and yelled at me. Gulat at napasinghap ang mga kaibigan namin sa nasaksihan.
Tumayo ako at sinampal si Zyx. Nagulat siya sa ginawa ko kahit ang mga kaibigan ko.
"ZYX. PINAGBIGYAN KA NAMING UMIYAK. MAGLASING. MAGWALA. DALAWANG LINGGONG KA NANG GANYAN. LAHAT KAMI NG MGA KAIBIGAN NATIN NAG-AALALA SAYO. SI SABRINA ANG NANAKIT SAYO. HINDI AKO. WAG MO AKONG IDADAMAY DAHIL KAHIT KAILAN HINDI KITA MAGAGAWANG SAKTAN. BUGBOG SARADO NA YUNG LALAKI. OO INAGAW NYA SAYO SI SABRINA. WALA KA NANG MAGAGAWA DOON. DESISYON YUN NI SABRINA. IT'S HER F***ING CHOICE TO CHEAT YOU. PERO BAKIT PATI AKO? NO ONE YELLED AT ME EVEN YOU, THE OLD YOU. KASI ALAM NIYONG MABILIS AKONG MASAKTAN UMIYAK. PERO KUNG SABAGAY MADALAS DIN NAMAN AKONG UMIIYAK DAHIL SA YO. PERO YUNG ITULAK AKO. THIS IS THE FIRST TIME. KUNG HINDI AKO DUMATING BAKA NABUGBOG MO NA DIN SILA ZAIN. TANGINA. ISIPIN MO DIN KAMING MGA KAIBIGAN MONG NAGAALALA SAYO NA NAGAALAGA SAYO. ANG SELFISH SELFISH MO. SARILI MO LANG INIISIP MO. OO NASASAKTAN KA DAHIL NILOKO KA AT PINAGPALIT NI SABRINA PERO IT DOESN'T GIVE YOU A VALIDATION TO HURT YOUR FRIENDS. PEOPLE AROUND YOU. EVEN HIM. HALOS MAPATAY MO NA YUNG TAO. PAANO KUNG NAMATAY YAN HA?! EDI MAKUKULONG KA?! ISIPIN MO NAMAN YUNG MARARAMDAMAN NAMIN. YUNG MARARAMDAMAN NG MAGULANG MO PAG NALAMAN ANG GINAWA MO?! YOU AREN'T LIKE THAT ZYX. IBALIK MO ANG ZYX NAMING MALAKAS. ANG SAKIT SAKIT KAYANG MAKITA YUNG TAONG MAHAL MO NASASAKTAN. ANONG SABI MONG HINDI NAMIN ALAM KUNG ANONG PINAGDADAANAN MO?? AKO ALAM NA ALAM KO. HINDI MAN PAREHONG SITWASYON PERO NASASAKTAN DIN AKO. NASASAKTAN AKONG MAKITANG GANYAN KA. MULA NOON NASASAKTAN MO NA AKO KAHIT HANGGANG TANAW LANG AKO. PINIPILIT KONG MAGING MASAYA PARA SA INYO NI SABRINA. PERO TANGINA ANG KAPAL NG MUKHA NG BABAENG IYON. PINAUBAYA KITA SA KANYA TAPOS SASAKTAN LANG NIYA. KUNG ALAM KO LANG SANA, EDI PINAGLABAN KO YUNG NARARAMDAMAN KO. PAGPAHINGAHIN MO NAMAN ANG ATAY MO, ANG SARILI MO" galit na galit kong sigaw sa kanya. Napatulala na lang si Zyx sa akin kahit ang mga kaibigan ko
YOU ARE READING
Chasing Myself Back
Teen FictionAzalea Colette Sy, one of the campus crushes in CBMA department of Harrison University, who have long time first love for Cole Zyx Stanford. He was her childhood best friend. But unfortunately it was never unreciprocated by Zyx. When she confessed...