Azalea POV
It's been 2 weeks since the incident happened in the Verde. Nasa utak ko pa din yung mga sinabing masasakit na salita na sinabi sa akin ni Sabrina. Pero si Zyx ganun pa din pero mas okay na siya ngayon. Hindi na nakikipag-away. Madalas pa din uminom lagi pa ding umiiyak. Hindi pa din pumapasok sa school.
"Class. Sino pwedeng cumontact o puntahan si Cole Zyx Stanford? He needs to attend his classes pati sa ibang subjects niya or else dropped out na siya." Tanong ni Sir Kian, professor namin sa Global Finance.
"Si Azalea sir!!" Sabi ni Zain
Magproprotesta na sana ako kaso tumango na si Sir Kian
"Azalea. Please contact him and talk to him. His professors said this is the last chance they will give to him, considering he's the dean lister" sabi ni Sir Kian
"okay po sir" sabi ko rito.
Hours later, I decided to go to Zyler's and Zyx's condo after buying foods for Zyler and Zyx. I ring the doorbell. Zyler opened the door. I went inside and placed the foods in their kitchen. Malawak ang condo unit ng dalawa. Mixed Black, white and gray ang theme ng condo nila. May living room, kitchen, comfort room at 3 bedroom na may bathroom sa loob at walk-in closet.
"Ohh Az. Buti na lang nandito ka. Sawayin mo nga tong si Zyx. Sayo lang naman nakikinig ito. Stressed na ako magsaway na wag nang uminom. Pati sila Mom and Dad, walang magawa sa pagpapatigil dito" sabi ni Zyler
"Sige ako na dito. Wala ka bang klase??" Tanong ko rito
"Wala naman" sabi ni Zyler
"Kamusta siya?" Tanong ko
"He's still not okay. Palagi pa ding umiinom at palaging galit pa din. Pero mas okay na kesa nung dati na palaging nakikipag-away at palaging nagwawala. Umiinom na lang" Zyler said
"He needs to go to school na. Or else mapipilitan na I drop out siya ng mga prof. Almost one month na siya nagaabsent. Dapat nga drop out na siya kaso considering he's a top 1 dean's lister, his profs still give him one last chance. Pag di pa pumasok bukas, wala na. Drop out na" sabi ko rito
The doorbell ring again. Zyler opened the door, revealing their parents.
"Good afternoon po Tita Zanaya and Tito Cale" Bati ko rito at nakipag-beso as a greeting
"Hello dear. How's Zyx? I heard what happened. I knew it. I knew that Sabrina the bitch will hurt my son." Galit na sabi ni Tita Zanaya.
"Mahal calm down. Nangyare na. All we have to do is to make Zyx stand up." sabi ni Tito Cale.
"Good afternoon Azalea. How are you? Kay tagal na kitang hindi nakikita" Sabi ni Tito Cale
"Si Zyx po ganun pa din po. Laging nainom at nagmumukmok pero sabi ni Zyler ehh Hindi na nagwawala at nakikipag-away. Andito nga po ako para kausapin si Zyx n pumasok na po kasi idro-idrop out na po siya bukas kung hindi pa papasok. Andami na niya din pong missed activities and quizzes din po Tita" sabi ko kay Tita.
"Okay naman po ako Tito. Kaso nag-aalala lang po ako sa kalagayan ni Zyx. Ehh nung nakaraang dalawang linggo po ehhh sinugod yung lalaki ni Sabrina. Muntik ko na nga pong hindi maawat po." Dagdag ko pa
"Ay Nako Dad, ang magaling kong kakambal tinulak ba naman si Az nung inaawat siya" pagsusumbong ni Zyler
"Asan ang kapatid mo?! Nang tumino na ulit" Galit na sabi ni Tita Zanaya
Tinuro ni Zyler ang kwarto ni Zyx. Agad namang sumugod si Tita Zanaya at pabalag na binuksan ang pinto ni Zyx. Nagsi-tinginan kami nila Tito Cale at Zyler bago sumunod kay Tita.
"COLE ZYX STANDFORD?!" Malakas na sigaw ni Tita Zanaya
Walang pakialam si Zyx kahit na halatang galit na si Tita at patuloy iniinom ang black label mula sa bottle mismo. Inulit ni Tita Zanaya ang pagtawag sa anak at inagaw ang bottle na hawak hawak ni Zyx. Medyo makalat ang kwarto dahil sa mga bottles na wala nang laman. May 4 na bote pang alak na hindi pa niya naiinom. Kung bibilangin ang mga bottles, mahigit nasa 20 bote. Lasing na lasing si Zyx. Amoy alak na Ang buong kwarto.
"HINDI KA TITIGIL KAKAINOM ZYX?! CALE. ITAPON YUNG MGA ALAK NA YAN AT SIGURADUHING WALANG ALAK DIN SA REF!! ZYLER, CLEAN HIS ROOM AT WAG MONG HAHAYAANG BUMILI NG ALAK ANG KAKAMBAL MO. WAG MO NANG PAINUMIN TO!" Galit na sigaw ni Tita Zanaya.
Agad naman sumunod sila Tito at Zyler."ZYX PAKI-USAP NAMAN. WAG KANG MAGPARIWARA DAHIL LANG SA MALING BABAE" hagulhol na sigaw ni Tita na umiiyak sa nakikita niya
Zyx were too drunk to listen.
"Zyx.. Isipin mo naman kaming nag-aalala sayo.. sinabihan na kitang wag ang babaeng iyon.. kung hindi si Azalea, wag ang babaeng iyon.. kasi I know from the start na lolokohin ka lang non.. babae ako and I can sense na hindi na lolokohin ka lang non.." iyak ni Tita na
"Ang sakit na makitang nagkakaganyan ka anak. I gave birth to you. Hindi dahil lang saktan at lokohin ka lang ng iba anak. Hindi ako boto sa babaeng iyon pero tinanggap ko pa din at hinayaan kong magpatuloy ang relasyon niyong dalawa kasi mahal mo siya. At ayokong lumayo loob mo sa akin anak. Pero Hindi nga ako nagkamali anak. Sinaktan lang ang anak ko" sabi ni Tita.
Napaupo si Tita na pinapanood si Zyx na umiiyak. Tapos na sila Tito at Zyler sa utos ni Tita. At pinanood na lang si Tita at si Zyx. Lumipas ang dalawang minuto, walang sino man ang gumalaw o nag-inggay bago niyakap ni Zyx ang kanyang Ina.
"I'm sorry mom... Aza.. Zyler.. Dad" sabi ni Zyx at humagulhol.
Paulit ulit ang paghingi ng tawad ni Zyx sa amin. Agad namang niyakap nila Tito at Zyler sila Tita and Zyx. I wiped my tears nung nakita ko silang nagyayakapan. How I wish I had a family like that.
"Ano bang ginagawa mo dyan Azalea. Halika rito. Family ka din namin ano ka ba??" Tita Zanaya said
Tumawa naman sila Tito Cale at Zyler bago ako lumapit at naki-yakap din sa kanila. That's why I love Zyx's family. They treat me like their family as well. Well, Tita Zanaya is my mom's best friend and same goes with my dad and Tito Cale. Sila din ang kumopkop sa akin nung mawala ang mga magulang ko since hindi ako kinupkop ng mga grandparents ko both sides dahil ayaw nila sa akin. Kaya Zyler and Zyx treats me like their sister too. Kahit ayokong ituring ako ni Zyx na biglang kapatid. Ever since nagcollege na ako, I decided to live with my best friends.
YOU ARE READING
Chasing Myself Back
Teen FictionAzalea Colette Sy, one of the campus crushes in CBMA department of Harrison University, who have long time first love for Cole Zyx Stanford. He was her childhood best friend. But unfortunately it was never unreciprocated by Zyx. When she confessed...