Azalea POV
It's already 6:30 pm at saka kami pumuntang Verde. Sa labas pa lang rinig ko na ang ingay ng mga tao. I can see the different colors of lights from the disco ball dahil sa nakabukas ang pintuan kung saan nakabantay ang 2 bouncer ba malalaki ang katawan. Parang katawan ni Dwayne Johnson yung bida sa Jumanji.
I wore a red shiny v-neck croptop triangle backless, white skirt and criss cross sandals. Eloise wore white corset top, black skirt and heels. Zara wore navy blue silk dress and white stilletos. Ha-Eun wore black shiny sleeveless na medyo turtleneck croptop at sa waist nya may cross na Tali na nakaconnect sa top nya, a black pencil skirt and crisscross sandals too.
After the bouncers check our bags ay pinapasok na kami sa Verde. I can smell some vape when we got inside. Karamihan ay mga babae ang naririto tapos mga lalaking naghahanap ng mga magiging babae nila. I looked at the stage wala pa yung 4Z. Or probably nasa VIP room. We looked for available na table at tamang tama nasa unahan right side na lang ang natitira. sa gitna ang dance floor at bandang unahan ng dancefloor ang stage. Sa taas naman nito ay ang dj stage. We sit on the couch at may lumapit na ng waiter sa amin. I looked around. Everyone is eating and drinking. Marahil mamaya pa magsisayawan ang mga ito since ang sayawan yung may dj ay mamayang 10 pm pa. From 6:00 pm to 9:59 pm ay puro inuman with a band playing tapos after non is dj na from 10pm to 1am.
"good evening ma'ams. May I take your order?" Tanong ni Kuyang waiter. He gave us the menu. He's handsome pero mas gwapo pa dyan si Zyx.
"Ikaw kuya ang order ko" panlalandi ni Zara na pabiro
"Ay ma'am free charge po ako.joke lang" pagsasakay ni Kuyang Waiter sa biro ni Zara. Nagtawanan naman kami
"Landi mo Zara. 1 Margherita pizza, 1 Tequila Sunrise, 1 Retro Margarita, 1 Cosmopolitan, 1 Mojito, 4 San Mig Apple, 4 Heineken, Fried chicken, potato wedges, nachos at saka Fries." Sabi ni Eloise
"parang ang dami nun. May pasok pa tayo gaga. Hindi tayo pumunta para magpakalasing ng sobra." Sabi ni Ha-Eun
" oo nga kung lahat tayo lasing walang maguuwi sa atin gaga" sabi ko
"Edi sige alisin na lang kuya yung Heineken." Sabi ni Eloise
" got it ma'am."sabi ni Kuyang waiter habang sinusulat yung orders namin
"ahh ma'am kelan ko iseserve sarili ko?" Birong tanong ni Kuya Waiter kay Zara
"pag tipsy na ako kuya HAHAHAHAHA" pagsakay ni Zara sa biro.
Nagtawanan kami ng lumabas sa VIP room ang 4Z. Zyx wore black leather jacket, white sando, black rip jeans and highcut sneakers na black and white from nike. Zyler wore white shirt, black shorts and same shoes with Zyx. Zyx and Zyler are identical twins. Malalaman mo kung sino sa kanila si Zyx. Zyx is a cold one at laging hindi nakangiti. Zyler is jolly person, always nakangiti at nakatawa, playboy din ito. Kaya we can still distinguish them. Beside it nasa kaliwa ang dimples niya pag nakasmirk o nakangiti tapos si Zyler sa kanan naman. Hiroshi wore black casual polo, white shorts and white sneakers. Zain wore maroon plain shirt rip jeans and white sneakers na iba ang design kay Hiroshi.
Napatinggin naman sila sa pwesto namin. Agad na lumapit sila sa amin at ang waiter ay umalis na para ibigay ang order namin sa bartender at sa kusina ng bar.
"Yowww andito pala kayo." Sabi ni Zyler
"wala kami rito, hologram lang kami" pambabara ni Eloise
"ikaw na naman. Maghapon na kitang nakikita pati ba naman sa gabi" reklamo pa ni Eloise.
" Edi lipat ka ng bar. Sino ba naman nagsabing dito ka uminom? Di pa aminin na gusto mo ako na makita" pangaasar ni Zyler
" asa! assuming ka" pikon na sabi ni Eloise.
YOU ARE READING
Chasing Myself Back
Teen FictionAzalea Colette Sy, one of the campus crushes in CBMA department of Harrison University, who have long time first love for Cole Zyx Stanford. He was her childhood best friend. But unfortunately it was never unreciprocated by Zyx. When she confessed...