Azalea POV
Napailing na lang ako sa kanila. Gusto ko mang itangi ngunit halatang ako talaga pinaparinggan nya. Naka-ilang kanta pa sila ng kanta ni Maki. Halos maubos na namin yung mga inorder namin. Bago magbreak ay nagpaalam akong mag-ccr lang para makaiwas sa awkward.
Pipigilan pa sana ako nila Eloisa pero nakatayo na ako papuntang cr pero ang totoo sa labas ako pupunta. At nang makalabas ako ng bar, lumaki ang mga mata ko sa nakita ko. I saw Sabrina making out with another guy sa loob ng kotseng nakaparada sa harap.
"Az" mahinahon na tawag sa akin ni Zyx para kausapin ako na mukhang sinundan ako
I froze. Agad kong hinila si Zyx patalikod sa kotse.
"don't look behind" babala ko
If he sees them, he'll definitely get hurt. And I don't want that to happen. Pero ang gago, lumingon pa. I can see he was shocked to see them. His tears are slowly falling. Kumuyom ang mga kamao niya. Halata sa mukha niya ang galit sa nakikita nya. He got his phone from his pocket at tinawagan si Sabrina.
Napatigil naman si Sabrina sa paghalik sa lalaki nang marinig ang ringtone nya na may tumatawag and she declined it. And she continued to kiss the guy. Mas lalong nagalit si Zyx. Limang beses na paulit ulit na tinawagan ni Zyx si Sabrina nung sumagot ito. Bago sagutin ay kinausap niya ang lalaki niya na parang binabalaan na wag mag-ingay. Tumango naman ang lalaki.
"Where are you Sab? ” malamig na sabi ni Zyx na nanggagalaiti sa galit
[Nasa bahay babe. Nagrereview]
"At kailan pang naging bahay mo ang kotse mong nasa harap ng Verde?" Sarcastic na sabi ni Zyx
"Let's break up. We're over" dagdag ni ZyxKitang kita ko ang paglaki ng mata ni Sabrina. Maglalandi pa ng iba ehh. Hindi naman tinted yung kotse. She immediately looked around na hinahanap si Zyx. At kinakabahan habang sinusuot ng maayos ang damit niyang suot. Hanggang sa tumama ang mga mata niya sa pwesto namin.
Bago pa man makalabas si Sabrina, ay galit na hinila ako ni Zyx papasok ng Verde. Pagkapasok ulit sa Verde ay agad na dumiretso sa table namin kung saan doon nagkakasiyahan ang mga kaibigan namin. Takang taka naman ang mga kaibigan namin sa nakikita nila at nahalata nilang galit na galit ang mukha ni Zyx
"oyy Anong nangyare? Ginalit mo si kambs?" Tanong sa akin ni Zyler
Umiling ako sa kanya.
"What happened bro?" Tanong ni Zain kay Zyx
"We're going home. Bilisan niyo" galit na sabi ni Zyx at hindi pinansin ang tanong ni Zain.
Sa takot na mabuntongan ng galit, ay agad nilang kinuha ang mga bags nila. Kinuha naman ni Zyx ang bag ko at siya na ang nagdala ng bag ko. Zyx paid for the foods and drinks na inorder namin.
Nagmadali kaming pumunta ng parking lot sa kabilang side kami dumaan para iwasan si Sab na habulin kami. Buti na lang yung kotseng dala namin nila Eloise ay magkatabi lang pala ng kung saan pinark nila Zyx ang mga kotse at motor nila. Pinasakay ako ni Zyx sa kotse niya.
Agad na pinaharurot ni Zyx ang kotse ng walang paalam sa mga kaibigan namin. Mabilis niya pinatakbo ang kotse. Kitang kita ko sa mirror ang pagsunod ng kotse namin na si Hiroshi na ang nagdrive. Si Zyler at Zain naman ay nakasakay sa kanya kanyang motor.
We reached our villa in no time. Pagdating doon ay agad kaming bumababa ng kotse. Nag-aalala ako sa kanya. He grabbed my wrist at hinila sa loob ng villa. Walang salitang binuksan ko ang pinto ng bahay namin. Nagsi-sunod naman ang mga kaibigan namin.
Pagkapasok namin sa bahay ay agad na kumuha ng alak na nakastock sa ref si Zyx at inubos niya iyon sa isang lagok directly from the bottle. At saka akong niyakap ni Zyx at umiiyak. Nagbreakdown sya habang kayakap ako. Napaupo kami sa sofa.
Nalilitong nanonood sa amin sila Hiroshi. Wala na siyang paki kung pinakita niya ang weakside nya sa harap ng mga kaibigan ko. Hindi na nya siguro kinaya yung sakit sa nasaksihan niya. Mahigit kalahating oras kaming tahimik na hinayaang magbreakdown si Zyx.
"What happened Az?" Hindi napigilan na tanong ni Zyler
Napatinggin ako kay Zyx na nakasubsob ang mukha sa leeg ko sa kalasingan. Nakita ko ang pagtanggo nito na parang sinasabihan akong sabihin sa kanila ang nangyare. Then I told them what happened. Makikita sa mukha ng 4Z ang galit sa nalaman. Maya-maya nakareceive na message from Sabrina. Agad na nagsipuntahan sa likod ko para mabasa ang message
Sabby baby ❤️
Yes I'm cheating on you. Matagal na. Almost 1 year na. I was waiting for you to tell those words to me. Matagal ko nang gustong makipag-hiwalay sayo. Sawang sawa na ako sayo. Nasasakal na ako. Hindi ko maiwasang mahulog kay Hans. Mahal ko na siya. Mahal na Mahal. I'm sorry. Bye.
Sent 9:45pm"Ang gago. Tanginang babaeng yan. Nagpaubaya ang kaibigan ko dahil siya ang mahal niya tapos sasaktan niya lang tangina nya. Hindi nagpaubaya ang kaibigan ko para lang saktan niya. Wag siyang magkakamaling magpakita kahit sino sa atin. At makakalbo ko ang gagang yan" galit na galit na sabi ni Eloise.
Zyx grabbed his phone. Pinipigilan ko pa sana kaso nakuha niya na. Muli siyang nagbreakdown. Hinayaan na lang namin ilabas ang sakit.
"Can we stay here for the night? Masyado nang malalim ang gabi. We are all tipsy na din at pagod na din." Zyler said na bagay na ikinagulat ko.
Tumango na lang kami. Nakatulog si Zyx. Ang bigat ng lalaking to.
"pabuhat si Zyx sa guestroom doon na muna kayo. May 2 bed din doon. Doon muna kayo magstay." Sabi ko
Agad na pinagtulungang buhatin nila Zyler at Hiroshi si Zyx
Puro naman galit ang mga sinasabi nila Zara kay Sabrina. Napailing na lang si Zain sa mga naririnig.
"noon pa man ayaw talaga namin sa babaeng iyan. Halatang mas better si Az kesa kay Sabrina. Unang kita ko pa lang sa babaeng iyan alam ko na. Na possible na maghanap ng iba ito. Ewan ko ba dyan sa childhood best friend mo Az. Ang minahal yung halatang red flag." Sabi ni Zain
"Ikaw naman kasi alam mo na. Hindi mo pa binalaan. Hindi mo pa inilayo" sabi ni Zara
At ayun nagbanggayan na naman ang dalawa
" Tama na kayo. Gabi na. Magpahinga na tayo" Saway ni Ha-Eun.
YOU ARE READING
Chasing Myself Back
Teen FictionAzalea Colette Sy, one of the campus crushes in CBMA department of Harrison University, who have long time first love for Cole Zyx Stanford. He was her childhood best friend. But unfortunately it was never unreciprocated by Zyx. When she confessed...