CHAPTER 1- Pagkapukaw

2.5K 53 2
                                    

ELIO

Dahan dahan kong binabagtas ang mainit na kabukiran habang nagsisilbing pananggalang ang dala kong payong sa nakakapasong sikat ng araw. Daladala ko ngayon ang pananghalian ni Kuya Carlos, lalo na't malakas ang kutob kong gutom na gutom na ito.

Kaninang alas kwatro palang kasi ng umaga ay pumunta na ito sa bukid para magtrabaho.

Kaya naman upang suklian ang paghihirap at sakripisyo niya ay ako na ang gumagawa ng mga gawaing bahay, para naman maibsan ng kaunti ang hirap na pasan pasan niya.

"Kuyaaaaaaa" ang matinis kong sigaw habang kumakaway kaway pa upang kunin ang kanyang atensyon.

Habang kumakaway ay hindi ko naman mapigilang mapansin ang bato bato niyang katawan na punong puno na ng buhangin at dumi na galing sa putik kung saan siya nagtatanim ng palay.

"Kuya tama nayan, kanina ka pa diyan. Kumain ka muna" ang paanyaya ko sabay taas ng basket na gawa sa rattan na may lamang pagkain.

Kahit malayo ay kitang kita ko naman ang malawak nitong ngiti, na labis labis ang sayang hatid sakin lalo na't alam kong mapaparami ang kain niya lalo na't paborito niya ang linuto kong ulam.

"Uyyyy amoy ko na agad kung ano yan" ang malawak nitong ngiti na ikinangiti ko rin lalo na't malayo palang ay amoy niya na kung ano ang linuto ko.

"Maghugas ka muna ng kamay kuya, puro putik yang buong katawan mo" ang nakangiti kong sambit sabay lapag ng basket sa kubong ginawa mismo ni Kuya Carlos.

Ito kasi ang kainan, tulugan at pahingahan namin sa tuwing pumupunta kami sa bukid. Kompleto rin ang mga kagamitan dito kaya naman hindi na kami umuuwi sa tanghali at dito nalang namamalagi hanggang matapos si Kuya sa pagtatanim.

"Nako, saktong sakto at gutom na gutom ako" ang masayang sambit ni Kuya Carlos ng maihain ko ang sisig sa hapag.

"Kaya nga mahal kita, alam mo talaga kung saan ako sasaya" ang pagpupuri naman nito na ikinatawa niya lang ng mahina.

"Ang daldal mo kuya, oh ayan kumain kana" ang natatawa kong sambit sabay kuha ng sisig at sinubo sa bibig niya na ikinagulat naman nito.

"Hmmmm sarap mo talagang magluto, dabest" ang natatawa pa nitong sambit sabay nguya ng ulam na sinubo ko sa'kanyang bibig.

"Binobola mo lang ako eh, gusto mo lang yata magpamasahe mamayang gabi" ang natatawa ko namang sambit na ikinatawa naman nito.

"Nako, ang hirap na neto. Basang basa mo na ang mga galawan ko. Ang hirap mo nang utuin" ang segunda naman nito na ikinatingin ko sa'kanya ng matalim.

"Ahhhh ganon, inuuto mo lang pala ako" ang kunwari kong nagtatampong sambit na ikinatawa lang naman nito.

"Aguyy nagtatampururot na naman ang baby, halika at ihehele ka ni Kuya" ang pang aasar pa nito na ikinatawa ko lang naman.

Ngunit agad namang naputol ang tawanan namin ng marinig namin ang isang pamilyar na boses na papalapit saming Kubo.

"Aba, mukhang nagkakasiyahan kayo ha" ang sambit ni Arman, isa sa matalik na barkada ni Kuya Carlos na nagtatrabaho rin sa sarili nilang sakahan. May kalayuan ang sakahan nila, kaya naman pihadong sinadya nitong pumunta.

"Uyyy pare, saktong sakto at kumakain kami. Saluhan mo kami" ang paanyaya ni Kuya sa kaibigan niya kaya naman mabilis kong kinuha ang plato para sandukan siya ng kanin.

"Hindi ko yan tatanggihan, saktong sakto at hindi pa ako kumakain" ang natatawa nitong sambit sabay pasok sa loob.

Pagkapasok na pagkapasok niya ay agad namang nagtagpo ang aming mga mata, tumagal iyon ng ilang segundo bago ko napagpasiyahang ibalik ang tingin ko kay Kuya Carlos.

CARLOS: Ang Pinagpalang BarakoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon