CHAPTER 2- Kyuryosidad

1K 24 6
                                    

ELIO

Alas dose na nang madaling araw ngunit hanggang ngayon ay hindi parin ako dinadalaw ng antok. Lalo na't parang multong dumadalaw ang pangyayaring nasaksihan mismo ng aking dalawang mga mata kanina.

Hanggang ngayon kasi ay hindi parin rumirehistro ang pangyayaring iyon saking isipan.

Pilit ko kasing binabalewala ang nasaksihan ko lalo na't mag isa lang naman si Kuya Carlos at walang kapareha, kaya marahil ginagawa niya iyon lalo na't lalake lang siya at normal lang iyon.

Ngunit ang bumabagabag saking isipan ay kung bakit ganon kalaki ang kanyang ari, na animo'y isa siyang banyaga sa laki.

Kung aking susumahin ay kasing taba ng angel evaporada at kasinghaba naman ng isang ruler. Pakiwari ko ay nasa dose pulgadas ang haba nito na animo'y isang ari ng kabayo.

Pilit ko mang hindi magpaapekto saking nasaksihan ay naapektuhan ako, lalo na't ito ang unang beses kong makakita ng ari ng ibang lalake bukod sakin.

"Arghhh" ang naiinis kong usal lalo na't pilit na bumabalik saking isipan ang malaswang imahe ng aking kuya.

Pilitin ko mang hindi magpaapekto, ngunit sa nasaksihan ko ay may kung ano akong nararamdaman na ayokong maramdaman sa sarili ko dahil alam kong mali.

Akmang tatayo na sana ako ng biglang may kung sinong kumatok sa kwarto ko, kaya naman mabilis kong inayos ang aking sarili.

"Bunso, pwede bakong pumasok?" Ang mahinang sambit ni Kuya Carlos mula sa pintuan na bahagya ko namang ikinakaba sa di maipaliwanag na dahilan.

"S-sige po" ang nauutal kong tugon.

Mga ilang segundo pa ay dahan dahang bumukas ang pintuan, at inuluwa doon ang nakatayong si Kuya Carlos.

"Ahhhh pasensya ka na sa nasaksihan mo. Wag mo nalang sana isipin yon at wala lang naman sakin yon. Sana hindi ka ma-ilang dahil don" ang seryoso nitong sambit habang nakatingin sakin ng deretso.

Imbes na magsalita ay dahan dahan lang akong tumango.

"A-ah kuya pasensya na din. Akala ko kasi may nangyayaring masama sayo dahil naririnig kita na parang nahihirapan. Pasensya na kung hindi ako nakakatok dahil kinakabahan ako dahil akala ko kung ano nang nangyayari sayo" ang sensiro kong sambit na ikinangiti lang nito.

"Nako, kapag naririnig mo akong ganon ay alam mo na. Ganyan talaga kapag walang girlfriend" ang hirit nito na ikinatawa ko lang ng mapakla.

"Bakit hindi ka po mag girlfriend kuya? Para naman may tutugon sa pangangailangan mo" ang sambit ko na bahagya kong ikinagulat lalo na't hindi ko lubos akalain na masasabi ko ang mga katagang yon.

"Nako, mahirap ang mag girlfriend. Masyadong magastos, saka na pag nakaluwag luwag na sa buhay" ang sambit nito na ikinatawa ko nalang.

"Oh siya, babalik nako sa kwarto. Wag ka na magpuyat dahil papanget ka" ang natatawa nitong segunda sabay iwan ng ngiti at sara ng pintuan.

Dahil sa paguusap namin ay bahagya namang tumahimik ang gulong gulo kong utak, hanggang sa hindi ko na napansin na nakatulog na pala ako.
__

KINABUKASAN

"Arrgghhh"

Ang pasigaw kong bulalas ng magising ako sa isang masamang panaginip. Dali dali kong kinuha ang kumot at pinahid doon ang butil butil kong mga pawis dahil sa init ng pangyayari saking panaginip.

Agad naman akong napahilamos lalo na't maging sa panaginip ko ay dinadalaw parin ako ng masamang pangyayaring yon.

Ngunit ang mas malala ay may ginagawa daw akong malaswa sa Kuya, na ayoko nang banggitin pa lalo na't maging ako ay hindi alam kong bakit pati iyon ay napapaniginipan ko.

CARLOS: Ang Pinagpalang BarakoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon