CHAPTER 6- Bukas Palad

1.5K 39 12
                                    

ELIO

Isang oras nakong nagkukulong sa kwarto, pero hanggang ngayon ay hindi ko parin maproseso ang mga nangyari. Para bang sobrang bilis ng pangyayari na kahit ako ay hindi nakapaghanda.

Sobrang overwhelming ng mga salitang binitawan ni Kuya Carlos, ngunit hindi ko naman siya masisisi lalo na't concern lang naman siya sakin.

Naiintindihan ko yon, lalo na't may kasalanan rin naman ako.

Pero ano pa bang magagawa ko? Inilahad ko na ang katotohanan sa kanya at wala nakong tinatago pa na kahit isang duling na sekreto sa'kanya. Alam niya na ang lahat lahat, at nakadepende nalang sa'kanya kung anong magiging reaksyon niya sa pinagtapat ko.

Alam kong may posibilidad na hahayaan nalang niya ang sinabi ko at umaktong parang wala lang, o ang posibilidad na palayasin niya ako sa bahay lalo na't hindi niya tanggap na ang itinuturing niyang Bunso ay palihim palang pinagpapantasyahan siya.

Dahil sa sobrang pagkahiyang nararamdaman ko ay umabot pa ng ilang oras akong nagkulong sa kwarto, kahit na umaaray ang tiyan ko sa gutom ay tinutulog ko nalang lalo na't ayokong lumabas ng kwarto dahil wala akong mukhang mahaharap kay Kuya Carlos.

Sa sobrang pagkabagot ko ay hindi ko namalayang dahan dahan na palang bumibigat ang aking mga talukap, hanggang sa tuluyan nang kainin ng kadiliman ang aking paningin.
__

KINAGABIHAN

Ganon nalang ang gulat ko ng pagbukas ko ng aking cellphone ay alas Siete na pala ng gabi. At hanggang ngayon ay hindi pako nananghalian.

Magkaganon paman ay tinatagan ko ang aking sarili lalo na't ayaw kong makadapuang palad si Kuya Carlos.

Akmang babalik ulit sana ako sa pagkakatulog ng marinig ko ang mahihinang katok ni Kuya Carlos sa entrada ng kwarto ko.

"B-bunsooooyyy bukshaan mooooohh" ang lasing na sambit nito sa labas ng kwarto ko habang marahang kinakatok ang pinto.

Bahagya pakong nagulat lalo na't hindi ko inaasahang si Kuya pa ang kakausap sakin, ngunit sa estado nito ngayon na nakainom ay mukhang hindi magiging maganda ang pag uusap naming dalawa.

Magkaganon paman ay tumayo ako para pagbuksan siya.

Pagkabukas na pagkabukas ko naman ay dali dali siyang pumasok habang pasuray suray pa ang katawan na animo'y langong lango sa alak.

"Uusshaapp ta-tayo" ang lasing nitong sambit na halos mamilipit na ang dila sa sobrang kalasingan.

Imbes na makipag harapan sa'kanya ay mabilis naman akong sumampa sa kama, habang nanatili naman siyang nakatayo sa pintuan ko na ngayon ay nakasara na.

"A-ahkooo kashiii, alamh mhong ayohokooo sa mga ganhyannn diba. Ang problemaahh ko lang kashiii ayyy baka magaya ka sa mga bading diyan sa kantoh na nagbabayad pa para makantot dahil hindi na nila mapigilan ang libog. Ayaw ko nonnn na mangyari sayoo" ang mahaba ngunit kalmado nitong paliwanag habang pinipilit ang sariling maging matuwid ang mga salitang nais niyang sabihin.

Imbes na magsalita ay nakatingin lang ako sa'kanya habang dahan dahang inaanalisa ang mga salitang binibitawan niya. Bagama't may Punto siyang ipinapakita, ngunit alam ko sa sarili kong hindi naman ako aabot sa ganong lebel na kahit na sino nalang at walang pag iingat.

"Kaya namhan gagahwin ko ang lahat para alagaan ka, ayohokong matulad ka doon dahil sa nararamdaman mhong kakaiba ngayon. Oo gets ko yan dahil pinagdaanan ko yan, pero anong magagawa ko dahil magkaiba tayo ng karanasan. Kaya nahihirapan din ako dahil iba ang ginagawa mo ngayon sa ginagawa ko noon" ang lasing ngunit may sense niyang sambit na ikinatango ko lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CARLOS: Ang Pinagpalang BarakoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon