VI

25 1 0
                                        


Year, 2021

'Words that I don't want to hear but what I needed the most...You just don't know how your words soothe me. Kapag ikaw na ang kausap ko, nawawala na ang pag-aalala ko. Para bang magic. Kung minsan napapaisip ako kung paano mo nagagawa iyon? Ka-el, paano mo nagagawang pagaanin ang loob ko? Bukod tanging ikaw lang talaga!'

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa bewang ni Gab pati na sa kamay nyang nakasabit sa aking balikat nang makarating kami sa tapat ng apartment ng girlfriend nya. "Since when did you become this much heavy, Gab!" Inis kong turan saka pilit na ipinasok ang spare key sa pinto.

Hindi ko pa man tuluyang napipihit ang seradura ng pinto pero kusa na itong nagbukas. Napangiwi ako nang bumungad sa akin ang mukha ni Reina na nakasimangot. "She did insist to take her here."  Nauna ko ng sabi.

She crossed her arms and arched her brow. Binuksan nya ang pinto at gumilid upang makapasok kami. "You know for a fact how easily she gets drunk, Mikaelle! I still don't get it why you can't stop her to her limit! At saka alam mong hindi safe magdrive ng lasing pero bakit palagi kang nagdadrive ng may alcohol sa katawan!" 

First of all, why do you keep on calling me 'Mikaelle' when everyone used to call me Ka-el! For pity's sake five years na tayong magkakilala, but you still stick to call me on my real full name. Hindi uso ang nickname?! Secondly, I don't usually drink nor hindi ako nagpapakalasing lalo na kung alam kong magdadrive ako! Amoy alak lang ako dahil sa bar ko sinundo ang girlfriend mo! Lastly, its not the proper way to welcome a guest like me, lalo pa nga at nagmagandang loob lang naman akong ihatid dito ang kaibigan ko.  "I'm sorry." Tipid ko na lang sabi saka inakay papasok sa loob si Gab.

"What's the celebration at uminom na naman kayo?" Narinig ko pang tanong ni Reina habang pilit kong ipinapasok si Gab sa loob ng kwarto nila. Ramdam ko rin ang pagsunod nya sa aking likuran.

Ang ganda sana kaso nuknukan ng sungit! "There's no celebration. Guess Gab's just in the mood to drink." Pinunasan ko ang aking noo dahil sa pawis matapos ko siyang maihiga sa kama. Napatingin ako kay Gab na mukhang himbing na sa pagtulog. "Ikaw ng bahalang magbihis sa kanya."

"Don't tell me uuwi ka pa nyan?" Salubong ang kilay nyang tanong nang harapin ko siya.

"Dapat nasa office na ako before eight." Saglit ko lang siyang sinulyapan saka naglakad upang lampasan siya.

"So I don't really see the point kung bakit nagpakapuyat kayo at nagpakalasing eh alam mo naman palang maaga ka bukas!" Kababakasan na ng pagka iritable ang tono ng boses ni Reina.

Just so you know, si Gab lang, iyong girlfriend mo ang lasing. Hindi ako. Besides, for sure you know her when she gets drunk. Hindi mo mapilit umuwi hanggang ayaw nya. "Sorry ulit." Tipid kong sabi. I know I have too many rants on my mind, but I really can't say it loudly-- especially kung si Reina ang kausap ko. Napangiwi na lang ako sa aking naisip.

"I'll get spare of pillows and blankets. Gusto mo bang magpalit ng damit?" Tila ba wala siyang narinig na kahit ano sa mga sinabi ko.

Napabuntong hininga na lang ako. "Magbrush lang ako at maghilamos. Hindi na ako magpapalit." Sumusuko kong sabi. Its useless arguing especially if I'm talking to Reina.

"Just give me a minute. I'll get you pajama and shirt."

Salubong na ang kilay ko nang tiningnan ko siya. "Nagtanong ka pa?!" Hindi ko na itinago ang sarkasmo sa aking tinig.

"Pumunta ka na sa banyo at isusunod ko na lang sa'yo ang towel at damit." Balewala nyang sabi saka ako tinalikuran.

Napapoker face na lang ako saka naglakad papuntang banyo. "Right!"

A Letter from Gabrielle Where stories live. Discover now