Year, 2024 (Present time)
"Hey, wake up.."
"Hmm.."
"Ka-el, gising na uy! Tatawag tawagin mo ako tapos tutulugan mo lang pala ako! Nakailang beer ka na ba?"
I slowly opened my eyes and was surprised to see Gab staring back at me. She had that contagious smile on her lips. "G-Gab..?"
"Kung tutulugan mo lang pala ako, bakit mo pa ako tinawag? Ang sarap sarap magtampisaw sa tabing dagat eh!" Nakaingos nyang maktol.
Napatuwid ako ng upo saka nilingon ang paligid. Mabini pa rin ang simoy ng hangin habang sinasabayan ito ng banayad na pag-alon ng tubig. Sinundan ko ng tingin si Gab na naupo sa katabing camping chair na inihanda ko.
"Aren't you tired, Ka-el?" Sinulyapan nya ako saka tinungga ang beer na binuksan niya at muling tumingin sa karagatan.
Napatikhim ako. "Tired of what?"
"Tired of holding on.."
"Gab.."
"Its been two years, Ka-el. I'm not asking you to forget me.." She looks at me and smiled sadly. "But atleast, give me the satisfaction of seeing you moving forward."
I clenched my fist and avoided her gaze. I stuck my hair on the side of my ear and looked at the bright lights in front of me that's coming from the ships in the ocean. "I miss you.. I-I m-miss y-you G-Gab.." Ikinurap kurap ko ang aking mga mata upang pigilan ang pagpatak ng luhang nag-uumpisa na namang mamuo sa aking mga mata.
Tumayo siya at lumuhod sa aking harapan. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at dinala ito sa kanyang pisngi. "I miss you too. I-I miss e-everyone.." Napapikit siya. "But don't make it hard for me, Ka-el. Just like you, I wanted to be free.." Makahulugan siyang tumingin sa aking mga mata.
"G-Gab.." Tuluyan nang pumatak ang aking mga luha. Inilapit ko ang aking noo sa kanyang noo at napapikit ng mariin. "W-Why? W-Why I-I d-didn't see it?" Tuluyan na akong napahagulhol. "I-I'm s-sorry, G-Gab! I-I f-failed y-you. I-I already s-saw a-all t-the s-signs. I s-saw t-that y-you w-were s-still struggling. I-I'm sorry.. I-I s-should ha-have s-stopped you.."
"Sssshhhh.. It's not your fault." Kinabig nya ako at niyakap nang mahigpit. "I-I'm s-so sorry. I'm sorry for my selfishness.." Lumayo siya sa akin at saka muling sinapo ang aking magkabilang pisngi. Pinunasan niya ang aking mga luha saka ngumiti sa kabila ng luha sa kanyang mga mata. "But for me, its the only way to make things easier. To make it all go away. I-I d-don't c-care about w-what other people will say or will t-think. W-What I o-only c-care is my bestfriend. I-I o-only c-care o-of what you will say, Mikaelle.."
"Gab..."
"Please tell me you understand me? Please, please please.." She sobbed like a child. "Please tell me that you know my reason.. P-Please s-stop blaming yourself..."
Siya naman ang kinabig ko at niyakap. Nakakaunawa akong tumango. "I always understand you, Gab. D-Deep inside I always know.." Tahimik lang din akong umiyak.
Ilang sandali pa ang lumipas at tanging mabining hangin at paghampas ng alon sa dalampasigan ang tanging maririnig sa paligid.
"Mahal kita, bestfriend.." Unti-unti na siyang dumistansya sa aking pagkakayakap at tumayo.
I started to panic. "G-Gab.." Umiling-iling ako. No.
Hinawakan nya ang aking kamay at marahan itong pinisil. "Good bye, Ka-el.."
YOU ARE READING
A Letter from Gabrielle
RandomThere are so many definitions of the word 'friend'. But if I were to ask, I would definitely answer that a friend means YOU.
