Year, 2024 (Present time)
"Okay okay. Its about time to hit the bed!" Pumalakpak pa ako upang kuhanin ang atensyon nina Mia at Morrie na engross na engross sa panonood ng TV.
Dumerecho agad ako kina Tita Delia pagkagaling ko kina Mama upang sunduin ang magkapatid na Morrie at Mia. They knew already na pupunta kami ng resort since iyon din ang ipinangako ko sa kanila dahil hindi ko na nga sila naisama sa probinsya ni Mama.
"Patapos na po, Ate Ka-el.." Nakaingos na sabi ni Mia habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa screen.
"You know that you can continue watching it tomorrow. Maaga pa tayo bukas." Tinapik tapik ko si Morrie na napakamot sa kanyang ulo at napilitang tumayo.
"Mia, gusto mo bang magalit si Ate Gab sa'yo?" Banta naman ni Morrie sa kanyang kapatid.
Napangiti ako nang mabilis na tumayo si Mia. Nakanguso siya at napahalukipkip. "Palagi ka na lang ganyan, Ate Morrie!" Maktol niya saka lumapit sa akin at yumakap sa aking leeg.
Tumayo ako saka siya binuhat. "But your Ate Morrie is right. You don't want Ate Gab to get mad right?"
Umingos siya saka isinubsob ang kanyang mukha sa aking balikat. "Okay po. But can you read me stories first?"
Mabilis akong tumango. "Sure!" Sinenyasan ko si Morrie na umakyat na sa kanyang kwarto na agad ding tumalima. "I'll check on you later, Morrie. No more using gadgets at this time ha?" I warned her.
She just smiled cutely and raised her thumb finger. Sinundan ko na lang siya ng tingin papunta sa kwarto saka ko tinahak ang kwarto ni Mia.
Agad ko siyang inilapag sa kama at sinimulang kwentuhan. "And after few months they became a very very very good friend!"
"Like you and Ate Gab?" Mia yawned and smiled.
"Yep!"
"Ate Ka-el, are you going to meet Ate Gab after I sleep?"
I combed her hair. "Yeah! For sure. Why? Do you have something to say to her?"
Napapapikit na ang kanyang mga mata habang marahan na umiling. "I already told her." She pouted.
"Hmm, what did you say huh?" Pinupog ko siya ng halik dahilan para mapahagikhik siya.
"Secret! Hihihi!"
"Mmmmm, secret pala ha? Heto ka sa akin ngayon.." Sinundot sundot ko siya sa kanyang tagiliran kaya napapiksi siya.
"No no, Ate Ka-el. I will tell you naaaa!" Sabi niya habang panay ang paghagikhik.
"Then what is it??" I stopped and looked at her.
Yumakap siya sa akin saka isiniksik ang kanyang ulo sa aking dibdib. "I just said that I love her and I miss her so much!"
Napangiti ako saka hinaplos ang kanyang ulo. Masuyo ko siyang hinalikan. "She loves you too, you know. Just like I do."
Muli siyang naghikab saka tumingala sa akin at ngumiti. "I love you, Ate Ka-el."
"I love you too, Baby Mia Kulet!" Kinabig ko siya ulit palapit sa akin. "Now time to sleep. So I can talk to Ate Gab na."
"Okay po. Goodnight.." She said in a sleepy tone.
Ilang sandali pa ang hinintay ko at lumipas nang maramdaman ko na ang mabini niyang paghinga. Dahan-dahan ko siyang inilayo sa akin saka itinabi sa kanya ang paborito nyang teddy bear.
Sinilip ko lang saglit si Morrie sa kanyang kwarto at nang masigurado kong tulog na rin siya, tahimik na akong lumabas ng bahay at nagtungo sa tabing dagat.
YOU ARE READING
A Letter from Gabrielle
DiversosThere are so many definitions of the word 'friend'. But if I were to ask, I would definitely answer that a friend means YOU.