IV

28 2 0
                                        


Year, 2020

'I knew you were just pretending to be hard to get. But you can't say 'No' to the great Gabrielle Romualdez and Reina David! Ha! You wouldn't want me to be in trouble right? Honestly, that time I was so excited that we'd form a band! And you being the vocalist... I'm a one hell of an excited girl! Doing favors and giving supports, Ka-el! Damn, how lucky can I get? Thank you!'

"'Ma, nandito na ako sa bahay. Huwag ka ng masyadong mag-alala. Sanay naman na akong mag-isa!" Napabuntong hininga na lang ako habang ipit ko sa aking tenga ang cellphone. Hinahanap ko sa aking bag ang susi ng apartment.

After a few months ng pag-amin ni Mama sa akin tungkol sa pagbubuntis nya, sunod naman nyang ipinakilala sa akin si Diego. Ang lalaking muling nagpatibok ng puso nya. I had nothing to complain about the guy-- he's educated, kind, came from a rich family, open minded and most importantly, I saw how much he loves my mother. He accepted everything about my mother's life. Guess that's what they called 'magic of love' (I almost rolled my eyes at this!).

They held a civil wedding since medyo halata na ang pagbubuntis ni Mama at dahil iyon lang din naman ang gusto nya. Pagkatapos nun, umuwi na sila sa probinsya ni Diego kung saan may farm ang pamilya ng naturang lalaki. Sabi naman ni Mama, may sapat na rin siyang ipon para suportahan pa rin ang pag-aaral ko dahil ayaw din niya itong iasa sa asawa nya. One thing na ipinagpapasalamat ko.

"Ka-el are you sure kumakain ka ng mabuti dyan?! Gusto mo bang i-consider iyong pagkuha ng kasam--"

"'Ma, 'Ma..." Agad kong pinutol ang kung ano pa mang sasabihin niya. "You were leaving me alone since I was fourteen and I managed. Ngayon ka pa ba nagkakaganyan when you are just two hour drive away from here?!" Gusto ko ng mainis dahil medyo nakukulitan na rin ako sa kanya at sa paulit ulit nyang sinasabi.

"Pero Ka-el iniisip ko kasi na ba--"

"Tigilan mo na ang pag-iisip 'Ma! I'm already nineteen and I'm about to graduate soon. Stop worrying yourself. I told you I'm fine. Besides, alam mong hindi ako naglilihim sa'yo 'di ba?" Muli akong napabuntong hininga nang finally mahanap ko na ang susi na nasa pinakailalim ng aking bag.

Narinig ko pa ang pagsinghot nya sa kabilang linya. "I just miss you, Anak."

Napangiti naman ako. "I miss you too, 'Ma. Don't worry kapag medyo maluwag 'yung schedule ko, promise I'll visit you! Namimiss ko na rin si Mike!" Tukoy ko sa kapatid kong lalaki na dalawang taon mahigit na rin.

"Okay. Promise 'yan ha?" Parang bata niya pang sabi.

"Oo nga!" Natatawa kong sabi. "Sige na. Magluluto pa ako." Paalam ko sa kanya.

"Love you, Ate Ka-el!"

I smiled at my new pet name. "Love you too 'Ma! Kiss Mike for me ha? And tell Diego I said 'hi'!"

"Alright! Bye, take care Anak."

"Okay bye 'Ma!" Paalam ko saka mabilis na pinutol ang linya. Baka may ibilin na naman siya at muli na namang humaba ang aming usapan.

Ibinulsa ko ang aking cellphone saka ipinasok ang susi sa keyhole ng pinto. Nagulat pa ako nang bumungad agad sa akin sina Gab at Reina na nasa may kusina.

"I'm sorry, did I just enter the wrong house?!?" Pinagsalitan ko silang tiningnan. Prenteng nakaupo si Gab sa silya ng dining area while across her standing, is her girlfriend Reina who seems to be pissed off right now. Iyon naman ay kung ang pagbabasehan ko ay ang nakasimangot nyang mukha, salubong na kilay at nakahalukipkip na braso.

Gusto ko sanang matawa sa reaksyon ng mukha ni Gab ngayon, dahil hindi nya masalubong ang tingin ni Reina. But it will be wrong move for me, dahil baka pati ako madamay. I know Reina since first year college palang kami. We are classmates in some of our minor subjects during first and second year at kahit hindi kami masyadong close noon, unti-unti ko siyang nakilala.

A Letter from Gabrielle Where stories live. Discover now