Year, 2022 (Earlier months)'Thank you for giving me one for the books of memories. Its something I will always be grateful for. Thank you for saving me. Especially when I'm drowning with my anxiety and depression. It must be hard on your side to shoulder me Ka-el.
Thank you..
For being my strength when I was too weak to move.
For being my shelter when I felt like I lost my home.
For giving me light in the dark world.
For being my shield when I'm almost defeated by my own battle.Thank you Ka-el.
Thank you for just being YOU.'
"Ate Ka-el!!!!"
"Hi!!!" I bend my one knee and open my arms wide when I saw Morrie and Mia running towards me. Nauna ng yumakap si Mia.
"Ate Ka-el ganda!"
"Did you just get bigger, Mia?" Hinalik halikan ko siya sa magkabila niyang pisngi saka kiniliti.
"Ahihihi.. Palagi akong nainom ng gatas." Sabi nya habang humahagikhik.
Binuhat ko siya saka tumayo. "Ooohh oh! At bumibigat ka na rin!" Binalingan ko naman si Morrie. Niyakap ko rin siya na mabilis ding gumanti ng yakap.
"Namiss kita Ate Ka-el!"
Hinalikan ko siya sa kanyang ulo at ginulo gulo ang buhok niya. "Namiss din kita. Namiss ko kayong dalawa. Kulit!!!"
"Pasalubong?" Inilahad ni Mia ang kanyang dalawang kamay saka ngumiti ng ubod ng lapad.
"Mia!" Saway naman ni Morrie. "Palagi ka na lang ganyan kapag dumadalaw sila Ate Ka-el!"
"Its okay, Morrie. May pasalubong naman talaga ako sa isang bata! Iyon ay kung naging mabait ba siya!" I teased and pinched Mia's cheek.
"Mabait po ako!!!" Muli niya akong niyakap sa aking leeg saka pinupog ng halik ang aking pisngi.
"Okay okay! Naniniwala na ako. Enough!" Natatawa kong sabi habang hindi nya tinitigilan ang paghalik sa akin.
Napahagikhik naman si Morrie habang nakahawak siya sa aking braso.
"Oh masyado nyo naman atang pinapagod si Ate Ka-el nyo! Kakadating lang nya!"
Napatingin ako kay Tita Delia at tipid na ngumiti. She's a government employee na hindi na nakapag-asawa pa. Nameet namin siya ni Gab sa ampunan kung saan namin hinanapan ng pwedeng maging parents sina Mia at Morrie na maaaring umampon sa kanila. That time, pansamantalang tumira kay Gab ang magkapatid habang salitan kaming tatlo nina Reina sa pagtingin sa kanila. Dahil na rin sa connections at pera ng pamilya ni Gab, mabilis na naiproseso ang mga documents ng magkapatid kaya naman after almost three months, nasa poder na sila ni Tita Delia.
Ibinaba ko muna si Mia saka mabilis na kinuha sa aking sasakyan ang paper bag. "Did they behave well, Auntie Delia?" Nagbata-bataan kong sabi habang nakataas ang paper bag na hawak ko.
Tumango tango naman si Tita Delia habang napapailing dahil nagpacute pa sa kanya si Mia. "Well then! Someone deserves my pasalubong!" Masigla kong sabi saka muling hinalikan sa ulo si Mia at iniabot ang pasalubong. Agad nabaling ang atensyon nito sa laman ng paper bag. Samantalang iniabot ko naman kay Morrie ang isa pang paper bag. "Here's for you Ate! I hope it can be useful for your school."
"Wow!! Thank you po Ate Ka-el!" Napuno na rin ng excitement ang boses ni Morrie.
Ginulo gulo ko ang kanyang buhok saka tumingin kay Tita Delia. Muli kong binuhat si Mia saka inakay si Morrie papasok sa loob ng bahay.

YOU ARE READING
A Letter from Gabrielle
RandomThere are so many definitions of the word 'friend'. But if I were to ask, I would definitely answer that a friend means YOU.