Year, 2024 (Present time)
"Ate Mika, are you going back to Manila?"
Napahinto ako sa pag aayos ng aking mga damit saka nilingon si Mike na nasa may pintuan at nakasilip. Nasa mukha nya ang pag-aalinlangan kung papasok ba siya sa loob o hindi. Palibhasa nag-away kami kanina habang pinapakain ko siya ng lunch. (I know, I'm too old para patulan ang six years old kong kapatid with his attitude and tantrums sometimes! Nevertheless, I still love him with all of my heart!) "Come here!" Tinapik tapik ko ang tabi ng aking kama.
Agad naman siyang tumalima at mabilis na umupo sa aking tabi. Pinisil ko ang kanyang ilong at ninakawan siya ng halik sa labi.
"Iiiiiwwwwwww! You're so gross!!!" Nakangiwi niyang sabi saka pinunasan ng marahas ang kanyang labi.
Natawa naman ako at niyakap siya ng mahigpit kahit pa nga nag-uumpisa na siyang kumawala. "Its your punishment for disrespecting me during lunch time!"
"But you were so annoying!" Maktol niya.
Pinupog ko siya ng halik dahilan para lalo siyang pumiglas. Pero dahil gusto ko pa siyang asarin mas lalo ko lang hinigpitan ang yakap ko sa kanya.
"Stop it, Ate Mika! Its so gross!!!"
"I'm going back to Manila! Hindi mo ba ako mamimiss ha?" I teased him more while I keep on kissing him.
"Mom!!!" Sigaw tawag niya kay Mama. "Ate Mika's killing me!!!"
"Hahaha! I'm killing you with too much love, Kuya Mike!" Pang-iinis ko pa habang hindi siya pinapakawalan.
"Mommyyyyyy!!!!"
"Ka-el, ano ba yan?! Inaasar mo na naman iyang kapatid mo!" Biglang sumilip si Mama sa pinto ng aking kwarto habang nakapamewang.
Agad namang nakawala si Mike sa yakap ko saka nagtatakbo kay Mama. "She kissed me on the lips Mom!" Maktol niya na nakangiwi habang pinupunasan pa rin ng kanyang braso ang kanyang labi.
Lalo lang akong napahagalpak ng tawa. "Atleast, I'm your first kiss, Mikeee Mouse!" Dagdag pang aasar ko pa.
"See that Mom?! She's so annoying!" Sumbong nya pa kay Mama saka yumakap rito.
Iiling iling naman si Mama saka lumapit sa aking kama. "Pupuntahan mo ba si Gab?" Binuhat nya si Mike na mabilis na bumelat sa akin.
Tumango ako saka ipinagpatuloy ang aking ginagawa. "Susunduin ko muna sila Morrie at Mia. Then derecho na kami sa resort!"
"I see. When are you going to bring them here again?" Tukoy nya sa magkapatid.
"I can't say 'Ma. I have to ask Tita Delia first. Maybe on summer vacation. But we'll see." Nagkibit balikat ako saka isinara ang duffel bag ko.
"What about Reina?"
Tinitigan ko ang aking ina saka napabuntong hininga. "I don't know 'Ma. Alam mo naman na she's always out of the country for her own segment. I think she's still enjoying travelling the world while working."
Its been a year since tinanggap ni Reina ang offer sa kanya ng T.V. station na pinagtatrabahuhan nya. Its a segment where she will travel different parts of the world and discovered its hidden beauty.
Ibinaba ni Mama si Mike saka lumapit sa akin. Hinawakan nya ako sa aking braso saka hinila paupo sa kama.
"Its been two years, Mikaelle. Don't you want to do something?" Punong puno ng concerned ang mukha ni Mama.
Tipid lang akong ngumiti saka sinundan ng tingin si Mike na nagtatakbo na palabas ng kwarto. Napailing-iling na lang ako dahil kinuha nya ang isang chocolate bar na nasa ibabaw ng side table ko at muli akong binelatan bago tuluyang lumabas.

YOU ARE READING
A Letter from Gabrielle
AcakThere are so many definitions of the word 'friend'. But if I were to ask, I would definitely answer that a friend means YOU.