Year, 2019'Ka-el do you remember when we went on a hiking and decided that the next day we should both confess to the woman that we like? Para kasi tayong tanga! Ayaw nating sabihin sa isa't-isa kung sino ang babaeng nagugustuhan natin! Walang magpatalo at magpaisa! Walang gustong umamin! Kaya 'yan tuloy, nagcompromise tayo na sabay tayong aamin sa taong gusto natin. It was a nerve wracking moment cause I was not really ready to confess and I was scared of what might be the outcome! But thinking that you'd feel the same-- ahh, it made me calm! Haha!'
Napatutop ako sa aking bibig nang magkaharap na kami ni Gab. Nakaupo na siya sa isa sa mga table na nasa may gilid ng pinto ng cafeteria. May hawak hawak siyang tatlong red roses. "Wow! May pabulaklak si Mayora!" Kantyaw ko sa kanya. Kakatapos lang ng subject ko at nagderecho na nga ako dito sa cafeteria. Dito raw kami dapat 'magconfess' sa taong gusto namin para maraming maging saksi.
She snorted. "Look who's talking!" Nakangisi siya ng nakakaloko saka tumingin sa hawak ko na isang piraso ng white tulips.
Umupo ako saka ipinatong sa mesa ang dala kong bag at libro. Pati na ang bulaklak na bitbit ko. I'm not really into this idea! Pero dahil talagang mapilit si Gab, at dahil masyado akong childish para patulan ang panghahamon nya, napapayag nya ako. Ngayon nga parang sinisilihan na tuloy ang pwet ko. "Can you go grab some drinks?!?!" Napataas ang boses na utos ko sa kanya.
She raised her brow and chuckled. "Hindi naman tayo masyadong ninenerbyos nyan, Ka-el?" Nakakaloko niyang tanong.
Hinding hindi ko ipapakita sa kanya na kinakabahan ako! Not at this moment! "Sorry? Hindi ba pwedeng nauuhaw lang ako?"
Tumatango tango siya at halata namang hindi kumbinsido. "Okay! Sabi mo! What do you want to drink?"
"Orange juice will be fine!" I said and pretended to busy myself in scrolling my cellphone. Damn it! I'm not same like Gab! When it comes to the one that I like, nanlalambot ang tuhod ko. Magtama pa nga lang ang mga mata namin, para na akong nalulunod sa kakaibang pakiramdam eh lalo na kapag umamin pa ako.
"Here.."
Napatingala ako kay Gab nang ipatong nya sa harapan ko ang orange juice saka naupo sa aking tapat. She's holding a pepsi on her hand. "Ang bilis mo naman?"
She shrugged. "Wala namang masyadong students." Tumingin pa siya sa suot nyang wrist watch. "So tell me, who's the bitch that you like?" Itinaas taas nya ang dalawa nyang kilay.
I smirked. "You'll never know!" I snorted. "And don't call her a bitch! She's far from that! Hindi siya gaya ng mga babaeng pinapatos mo!" I smiled as I remembered her face.
"Aha!" She pointed her index finger and put down the can of soda. "We already made a deal, Ka-el! Don't tell me you're backing down huh?" She mocked.
"You'll never know until she comes and give her my flower." I gave her a meaningful glance. Iyon ang naging usapan namin. We'll both buy flower and give it to the person that we like and we'll tell 'I really like you'. Kinda childish but its really eating me right now.
I mean? Damn, kung malalaman lang ni Gab kung sino ang taong gusto ko ewan ko na lang talaga. I don't even know kung she's into women also. But to be honest, since the first day na nameet ko siya, hindi na siya nawala sa sistema ko. Kahit pa nga makailang beses akong nirereto ni Gab sa kung sino-sinong babae hindi ko talaga ito pinapatulan. Dahil kahit anong subok ko, walang makakahigit sa kanya.
"Are you ready, Ka-el?"
Napatuwid ako ng upo at tumingin sa kanya. "Why? Yours is here already?"
Mabilis ang naging pag-iling niya. "Nah!" Tumingin siya sa kanyang relo. "But I do have this feeling na paparating na sya. What about yours?"
YOU ARE READING
A Letter from Gabrielle
SonstigesThere are so many definitions of the word 'friend'. But if I were to ask, I would definitely answer that a friend means YOU.