Chapter 3

163 28 2
                                    

I feel terrible.

Horrible.

— Paano ako makakauwi ngayon sa Pilipinas if i didn't have my passport?

Sa tagal ko ng nagbabyahe sa iba't ibang bansa ay ngayon pa talaga ako tinamaan ng kamalasan.

At mas kumukulo ang dugo ko kapag naalala ko yong babae na yon — like agh. But i also know that we can't force someone to help us.

Help is voluntary, help is willingness and most importantly it's a choice. Sadly, wala sa tatlong choices ang babae na yon.

"What the hell?" Jessica even look problematic than me habang kinukwento ko ang mga nangyari from start to finish. "Grabe ang babae na yon, kapwa pinoy pa naman natin."

Ako na napainom bigla ng alak sa stress. "Hayaan na." Kasi may mas malaki pa akong problema. "Mas iniisip ko yong passport ko eh."

Umupo si Jessica sa tabi ko dito sa sofa. "Punta nalang tayo sa Embassy bukas para humingi ng assistance kung paano ang gagawin."

"Ganon na nga." Nanlulumo parin ako.

At hinawakan nya ang kamay ko. "Don't worry, I'll help you."

I smile at her. "Thanks Jess." Huminga ako ng malalim. "Kamusta pala ang lakad mo?"

"It was fun." Ngimiti si Jessica. "Nabusog kakakain —— ay wait. Kumain ka na ba?"

Even I'm hungry ay hindi ata ako makakakain sa problema ko.

"Busog pa." Sagot ko.

"Are you sure Charlie?"

Ngumiti ako sabay inom ng wine. "Yes girl."

Jessica is my best friend, we've been together for years  and she knows every bit of me — the good and bad sides.

And she know I'm also lying.

Kaya tumayo sya para mag-order ng pagkain.

Samantalang nilipat ko ang pera ko from different bank account bago pa nila maaccess ang cellphone na nanikaw nila sakin. Good thing my phone is heavily encrypted —— Also I changed all my social media password accounts and unsync them from my phone.

Nag video call din ako kay Ate Dianna to deliver my kamalasan.

"Anong gamit mong phone ngayon?" Tanong nya. 

She's working right now — in Law Firm. She is a Lawyer. 

"My laptop." Sagot ko. 

"Do you need money?" 

Umiling ako. "No..." Sobrang bigat ng nararamdaman ko.   "I just need my passport."

"May kakilal ako na pwede mag-aassist sayo sa Philippine Embassy Madrid." 

"Any help ate." I'm thankful. 

Ngumiti sya. "Wag ka masyadong mag-isip, magiging okay din ang lahat Charlie."

"3 days nalang at uuwi na kami." Or else maiiwanan ako dito sa Spain. 

Sumandal si Ate sa upuan nya. "I will call my contact there para bukas maasikaso na yang passport mo."

I'm so grateful na may kapatid ako na maraming connection —— perks ng pagiging formidable lawyer. 

And as expected, hindi ako nakatulog buong gabi. Ang sakit na ng ulo ko sa puyat at kakaisip. 

Halos nakaidlip lang ako then umaga na. 

After maligo at breakfast ay umalis na kami ni Jessica para mag file ng report sa Madrid Police Station. Kailangan ko yan para sa gagawing investigation ng Embassy. 

The Diplomat Where stories live. Discover now