Chapter 6

169 27 3
                                    


At sa pagmamadali ko ay hindi na ako nakapagpalit ng damit o nakaligo because i only have 20 minutes left before 3. 

Gosh. 

That b*tch make sure na mahihirapan ako, na magmamadali ——bigyan ka ba naman ng ultimatum, eh umuulan nga — walang konsensya, walang konsiderasyon. 

Pareho naman kaming Pilipino.

Palibhasa sya ang Ambassador dito eh. Everything for her is easy and comfortable. 

Agh. 

I hate her. 

Napakalakas ng ulan but still i can't back out , i need my IDs. Mabuti at mabait parin si Lord dahil may dumaang taxi agad at nakasakay ako. 

Ayon nga lang, para akong basang sisiw. 

Grabe ang lakas ng ulan. Pero ang smooth parin ng byahe, walang baha — Kailan kaya magiging ganito sa Pilipinas? 

And after almost 15 minutes ay nakarating na ako sa Embassy. Paglabas ko ng taxi ay sinalubong ako ng lalaki na may dala na payong. 

Pinayungan nya ako. 

Nahiya naman ako. "Thank you."

But the man did not say anything. Naglakad kami papasok sa entrance ng Embassy. 

Pagdating sa entrance ay sinalubong ako ng isang babae na halos same age ko lang at sigurado ako na Pinay sya. 

"Hi." Pagbati nya sakin. 

I stop in front of her. "Hello, i come here for..." 

"Your IDs." Sya na ang nagdugtong. 

Ngumiti ako sa kanya. "Ah yes."

"Come with me please." Sabi ng babae sakin sabay talikod. 

Ako na medyo basa ay lalong nilamig pagkapasok sa loob ng Embassy dahil ang lakas ng aircon. 

"Can i ask a question?" Tanong ko sa babae. 

She look at me over her shoulder. "Sure." 

"Paano napunta dito sa Embassy ang IDs ko?" I'm curious. 

"Oh. According sa report ay may nagdala dito na isang concern citizen na nakapulot ng mga ID mo." Sagot ng babae sakin. "By the way I'm Erika." 

"I'm Charlie." Pakilala ko din. 

"Oh that's your nickname." 

Tumango ako. "Ah yes." With a smile on my face. "My father really wanted a son but too bad he got two girls." 

Natawa si Erika. "Charlie is unisex though."

"D*mn right." Sagot ko. "Si Mama naman ay sinunod ang mga pangalan namin after Princesses — like Princess Diana kay Ate, Kay Princess Charlotte of Wales ang sakin at same birthday pa kami." 

"At kelan ang birthday mo?" 

Natawa ako kasi ang dami ko agad na kwento kay Erika. "January 7."

"Oh ka birthday mo din si Saint Bernadette Soubirous from Lourdes France." Namangha si Erika.

And i know it. Napanuod ko ang documentary about her — isa din ang France sa gusto kong mapuntahan para makita ko ang uncorrupted na katawan ni Saint Bernadette. 

Binuksan ni Erika ang pintuan. "Wait here for a moment."

I smile at her and get inside though, hindi na ako nagtanong —— pero napahinto ako when i realize where am i. It's a dinning room. "Wait —" Pero wala na si Erika. "Teka bakit dito ako dinala?" 

The Diplomat Where stories live. Discover now