/15/ Unknowingly Captivated

730 46 11
                                    


Hezekiah's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hezekiah's POV

SUMANDAL ako sa kinauupuan ko para mag-unat at tumigil saglit sa pagtse-check ng mga papel. Awtomatikong lumipad ang isip ko nang maalala ang nagdaang tagpo sa ospital nang papuntahin ako ni Father Jeremiah, ang head chaplain ng St. Lazarus Hospital, sa kanyang opisina.

"You should be more careful next time, Kai," he told me with concern but there's also stern in his voice. "Sa oras na malaman ng bishop ng diocese ng Maynila ang ginawa mong ilegal na exorcism ay hindi ko alam ang magiging parusa nito sa'yo."

"Pasensiya na kung pinag-aalala kita, Father," sagot ko noon. "Pero hindi kaya ng kunsensiya ko na patagalin pa ang deliverance ng batang 'yon."

Father Jeremiah or Father Jerry as they fondly called him took a deep sigh and said, "Naiintindihan ko ang hinanaing mo, hijo. Pero hindi mo na ministeryo ang exorcism, mag-focus ka sa pagtuturo at sa paghalili sa'kin dito sa ospital bilang assistant chaplain. You have your students and patients to take care of."

Naiintidihan ko rin naman ang pag-aalala niya sa'kin. At nagpapasalamat na rin ako na hindi kumalat ang balita tungkol sa nangyari. Hanggang sa biglang lumitaw ang mukha niya sa isip ko at naalala ang tinanong niya noong gabing 'yon.

Ako? May gusto sa kanya?

Kusa akong napailing subalit aaminin kong nilamon din ako ng kuryosidad kung sino ang nagpapadala ng mga bulaklak sa kanya. Kung ganoon ay may nobyo na siya.

"Uyy... Malayo ang tingin at ngumingiti, sino kaya ang iniisip ni Father Kai." Bigla akong nagbalik sa kasalukuyan at nakita ko si Jestoni at ang mapanukso niyang ngiti.

"May naalala lang akong joke," sagot ko naman.

"Talaga ba, Father? Mukha kasing kinikilig ka."

Kumunot ako at umiling ulit. Kahit kailan talaga 'tong tao na 'to, palaging nakalilimutan na pari ako. Tumikhim ako at sumeryoso na siya.

"Kay lalaki mong tao, Jestoni, tsismoso ka pala," hirit ko sa kanya at tinawanan lang niya ako.

Pagtingin ko sa bintana ay gusto ko sanang kusutin ang mga mata ko nang makita ko si Jael na naglalakad. She's not wearing her coat and she must be here for a reason. May narinig ako kahapon na mayroong komosyon na nangyari sa gymnasium. Hindi kaya...

"What is she doing here?" hindi ko namalayang sambit ko.

"Huh? Kilala n'yo 'yung chix na 'yun, Father?"

Hindi ko pinansin si Jestoni at tumayo ako para sana sundan si Jael pero paglabas ko ng faculty room ay nakumpirma ang hinala ko nang makita ko siyang pumasok sa loob ng guidance office habang si Maviel ay kakalabas lang mula roon.

"Anong nangyari kahapon sa gym?" tanong ko kay Jestoni nang makita ko siya sa gilid ko.

"Ah, ang narinig ko sa mga teachers may nanakit daw na estudyante sa kaklase niya."

A Numinous Affair (Salvation Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon