CHAPTER 38
“ Unggoy”sabi ko nung nakita ko si Unggoy nasa may kusina.
Ang ganda ng unit ni Unggoy malinis di mo aakalain na lalaki.
“A-Ah P-pusa may hot chocolate dun oh”bakit nabubulol yun at bakit parang nagmamadali syang pumasok ng banyo?? Ah siguro nilalamig na rin yun. Maghihingi sana ako ng short or panjama. Eh basa na rin kaya yung short ko. Eh yung underwear ko nga blinow dry ko na lang pagkatapos kong labhan. Yung binigay na t-shirt ni Unggoy ang haba umabot hanggang tuhod ko kaya okay lang hindi nya makikita yung underwear ko. Pumunta ako sa may lamesa kung nasaan yung hot chocolate na sinasabi ni Unggoy.
“Hmmm ang sarap naman nito”sabi ko nung tinikman ko yung timpla nya. kung ako kuhang kuha ko yung timpla ng kape nya sya naman yung hot chocolate ang nakuha nya.
Habang humihigop ako ng mainit na tsokolate nilibot ko yung sarili ko yung sarili ko sa loob ng unit ni Unggoy
Okay na okay talaga tong unit na to kumpleto sa mga gamit. Di to siguro nakatira si Unggoy nung hindi pa kami kasal.
Napunta ako sa may sala, may flat screen tv,dvd player, play station, at kung ano ano pa pero isang bagay lang ang naka-agaw ng pansin ko.
Mga picture frame. Natawa ako dahil nakita ko yung picture ni Unggoy nung bata sya hahahaha semi-kalbo yung buhok nya hahaha kung ngayon siguro mag pa semi-kalbo sya di ko ma imagine hahaha baka mukha syang kwek kwek nun hahaha. Nakita ko din yung isang picture nila ni Daddy (dad of Xander), Ate Kate at si Unggoy isang family picture pero bakit ganoon bakit parang may ia, parang may kulang?? Kulang dahil wala yung mama ni Unggoy.
Bakit ngayon ko lang napansin na hindi ko pa pala nakikita o na meet man lang ang mama nya?
Hindi ko na masyadong inisip kung nasaan na nga ba si Mama (Mom of Xander) at baka sumakit pa ulo ko dahil hindi ko rin lang naman alam kung ano bang nangyari sa buhay ni Unggoy nung hindi ko pa sya kilala. Napansin ko na may isang bookshelf dun. Puro mga sikat na libro yung mga nakikita ko, hindi ko akalain na mahilig pala si Unggoy sa twilight, harry potter etc. wala sa itsura nya eh. At ang mas na kinagulat ko ay nung makita ko yung isa sa mga favorite book ko ang “The Purpose Driven Life” ni Rick Warren. Tong book na to eto yung dahilan kung bakit ko nalalagpasan yung mga problema ko at sa mas nakilala ko yung sarili ko dahil sa book na to. Di ko akalain na kahit masungit,mayabang at hambog tong Asawa ko eh malapit naman at may takot sya kay God. Napangiti ako sa nalaman ko.
Binuksan ko yung book at hindi sinasadya may nahulog ako kaya naman pinulot ko. Nung tingnan ko kung anong yung nahulog isang picture nilang ni Daddy,ate Kate at Unggoy pero ang nakakapagtaka bakit may punit dun sa tabi ni Daddy?
“Pusa”narinig kong tinatawag na ako ni Unggoy kaya naman nagmadali akong isauli ang libro sa lalagyan nito at isiningit ko na yung picture dun sa libro.
“Andito ako….”sabi ko para malaman nya na nasa sala lang ako.
Pumunta na rin ako kung saan ko na rinig yung boses ni Unggoy. Papunta ako sa may kwarto nya siguro naman tapos na syang magbihis dahil nakabukas na yung pinto ng kwarto nya kaya naman nagtuloy tuloy na ako.
BINABASA MO ANG
MARRYING THIS ANNOYING GIRL(Complete)
Teen FictionShe's Annoying, Cheerful, Talkative and He is Arrogant, he doesn't like people who talks a lot, he hates Annoying people. But what if they're about having a fix marriage? Are they compatible for each other? Makakasundo kaya sila? Mananatili bang mat...