XANDER'S POV
Naka usap na namin yung lalaki na naka aksidente. Sabi nya para may hinahabol daw ang anak ko kaya nagkabungguan sila at yun na nga yung nangyari. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko. Kung di sana narinig ni Xenon yung pagtatalo naming mag-asawa edi sana di sya umalis ng bahay. Kasalukuyan naming hinihintay ang pag gising ni Xenon, dalawa araw na syang di gumigising pero ang sabi ng doktor hindi naman sya na coma kaya wala dapat ipag-alala, nagpapahinga lang siguro sya. Gagawin ko ang lahat para lang maging masaya ang pamilya ko at masigurado kong ligtas sila lagi.
"Xenon ko...gising ka na nag aalala na si Mommy. Diba sabi mo ayaw mong nakikitang nag aalala ako at umiiyak ng dahil sayo, so gumising ka na" paki usap ni Hannah sa anak namin.
"Hannah..." napatingin sya sakin.
"Mawala na ang lahat sakin Xander walang ang anak ko, wag lang sya. Hindi ko na kakayanin kung mawawala sya." alam ko kahit ako ayoko may mawala sa pamilya ko, tama na yung hindi ko maranasang may nanay na nag aaruga sakin habang lumalaki ako. Alam ko na mas nasasaktan ngayon si Hannah kaysa sakin dahil sa sinapit ng anak namin. Kung tutuusin mas may karapatan si Hannah kay Xenon kaysa sakin. Si Hannah na ang nandyan sa simula pa lang pero ako ano nag uumpisa pa lang ang pamilya ko pero ano nang ginagawa ko? Sinisira ko eh, nasira ko na naman yung chance at tiwala na binigay sakin ni Hannah. I don't deserve anything. I don't deserve Hannah and Xenon. Mali ako para sa kanila dahil sa tuwing maayos na ang lahat, nagugulo ko.
"Hindi ko hahayaang mawala si Xenon, Hannah" sabi ko
"hmmm..."napatingin kaming pareho sa anak namin
"Xenon!" tumayo ako at tinawag ang doktor. Pagpasok namin nagwawala si Xenon. Anong nangyari!?
"Aaah mommy!? Where are you!? Mommy don't leave me! I'm scared!" nakamulat pero kapa sya ng kapa. O_O anong nangyari sa anak ko!? Inasikaso na nung doktor si Xenon.
"Dok anong nangyari sa anak ko"
"Mommy! Nasaan ka ba!?" umiiyak na sigaw ni Xenon
"I'm so sorry Sir pero nadamay po ang mata ng anak nyo nung nabuhusan po sya ng kemikal" sabi nung doktor.
"Sabihin nyo sakin! Makakakita pa sya diba!? Ilang araw lang babalik din yung paningin ng anak ko diba!?"
"Hannah huminahon ka" sabi ni Mama. Nandito si Mama ni Hannah para alala kami.
"We can't repair his eyes dahil totally damage na but pwede pa din syang makakita through eyes transplant pero mahihirapan tayong makakita ng eye donor na ka match nya" sabi ng doktor. Umalis na yung doktor
"Xenon..." umiiyak na nilapitan ni Hannah ang anak namin.
"Mommy? Bakit wala akong makita? Ang dilim dilim Mommy, natatakot ako" umiiyak na niyakap ni Xenon si Hannah. Lumabas ako ng kwarto. Paglabas ko ng kwarto dun ko na nilabas yung mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Bakit kailangan sa anak ko pa kailangan mangyari 'to!? Pumunta ako ng parking area at sumakay ng kotse ko. Nagdrive ako papunta sa bahay. Pagpasok ko ng bahay
"Aaaaah! Wala talaga akong kwentang tao!" pinagtatapon ko lahat ng makita ko. Wala na akong nagawang matino para sa mga taong mahal ko! Akala ko magiging the best daddy para kay Xenon pero ngayon ano!? Wala akong magawa ngayong kailangan ako ng anak ko! Napaka worst kong tao!
Siguro kung mawawala ako sa buhay ng mga taong pinahahalagahan ko hindi na magiging magulo ang buhay nila. Siguro pag nawala ako sa kanila magiging tahimik na ang buhay nila at wala ng kung anong masama pang mangyayari sa kanila. Siguro nga tama lang na mawala ako na parang ……bula.
BINABASA MO ANG
MARRYING THIS ANNOYING GIRL(Complete)
Teen FictionShe's Annoying, Cheerful, Talkative and He is Arrogant, he doesn't like people who talks a lot, he hates Annoying people. But what if they're about having a fix marriage? Are they compatible for each other? Makakasundo kaya sila? Mananatili bang mat...