MTAG- CHAPTER 5

51.7K 1.1K 5
                                    

CHAPTER 5

XANDER’S POV

 

Pag akyat ko sa itaas pumasok ako sa isang kwarto

Ang laki ng kwarto siguro kasing laki ng sala at kusina ko 'to sa condo

Pang master’s bed room siguro 'to

Oh well dapat lang naman na malaki ang kwarto ko.

Inayos ko yung damit ko sa closet at yung mga headset ko na collection ko ayun nilagay ko sa isang lugar na alam kong safe

Kumuha ako ng towel at dumaresto na sa banyo at naligo. Pagtapos kong maligo syempre ano pa ba edi nag bihis. Humiga ako sa kama ko at saka ako nag cellphone. Tambak na naman ng mga messages. Tsk! Alam ko naman kung kanino 'tong mga messages na 'to. Sigurado akong sa mga babaeng nakasama ko sa mga bar na pinuntahan ko this past days. Haaaay nakakabored! Wala akong magawa!! Maka labas na nga.

Pagbukas ko ng pinto, ang nakita ko agad ay si Hannah

Nagkatinginan kami sa mata. Naka pout pa man din s'ya. Eh feeling cute. Pero... hays nevermind. Ilang segundo din kaming ganun.

"Ano tutunganga ka na lang dyan? Dadaan ako kaya kung pwede shuu!" Sabi ko pero di n'ya ako pinansin at tinitigan n'ya ako kaya naman napatitig ulit ako sa kanya. Sa itsura n'yang ito parabg may gusto s'ya sabihin sa akin.

“hmmm”sabay naming sabi

“ikaw na muna”sabi ko

“sorry”sabi nya at yumuko sya
(_ _)

“sorry kasi sobra na ata yung nagawa ko sayo at siguro nga hindi tayo magiging mag close pero sana naman kahit friend lang. Saka first day na first day natin na magkakilala magkaaway na nga tayo siguro nga hindi tayo magiging close friend pero sana try lang natin kahit FRIEND LANG “sabi nya at mukhang sincere naman s'ya.

“ah sorry rin kasi nasigawan kita kanina. Ok let see kung magiging Friends tayo”sabi ko at bigla sya napatingin sakin

“edi ibig sabihin susubukan natin maging Friend?”tanong nya

“oo pe—“hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko bigla nya akong niyakap

“thanks for giving me a chance to be your friend, Monkey “sabi nya

Okay na sana kaso may Monkey pa

“will you please stop calling me Monkey! My name Xander, as in X-A-N-D-E-R not MONKEY! Okay!?”sabi ko

Bigla syang kumalas sa yakap.

"Yan ka na naman sabi mo friend na tayo bakit mo ko sinisigawan?" Maktul n'ya na parabg isang bata.

Hay nako may magagawa pa ba ako ??

“Sir Xander at Hannah, kain na po" sabi ni manang Alicia at bumaba na sya ulit

“tara kain na “sabi ni Hannah

“pwede ba tayong mag usap mamaya “sabi ko

“oh sige, kain muna tayo”sabi nya

Bumababa na kami at pumunta sa kusina

“manang sabay na po kayo samin" sabi ni Hannah

“ah hindi iha sige kayo na lang salamat”sabi ni manang Alicia at umalis

Andaming nakahain sa lamesa. Mukha namang masarap. Kumuha ako ng kanin at ulam at nilagay sa plato ko. Susubo pa lang sana ako ng biglang

“hmmm kanyaman (ang sarap)” ano daw

“may sinasabi ka?”tanong ko at natawa sya

“hahahaha oo nga pala nandito ako sa manila hahahaha yung sinabi kong ‘kanyaman’ ibig sabihin nun ay 'ang sarap'”sabi nya

Ah ginamitan nya ako ng alien language nya

“alien language mo dapat hindi ginagamit yan kasi walang makakaintindi sayo”sabi ko

“excuse me po hindi po alien language achuchu yun kapampangan po yun noh saka wala naman masama kung masalita ako gamit yun. Ang saya kayang magsalita ng ibang lengwahe habang yung iba hindi nila intindihan hahaha”paliwanag nya sakin

“tsk”tinuloy ko na yung pagkain ko

Pagkatapos naming kumain, nilapitan ko si Hannah at saka ko hinawakan ko yung wrist nya at hinila s'ya patayo.

“Bakit?” tanong nya

“Diba sabi ko mag uusap tayo”sabi ko

“Oo nga, dito na lang sa sala “sabi nya

"No, we need to talk in private" sabi ko at hindi ko na sya hinayaan mag salita dahil hinala ko na s'ya paakyat ng hagdan at saka ko binuksan ang pinto ng kwarto n'ya para makapasok kami.

“oh bakit dito?”tanong nya

“hay andami mong tanong. Pahingin ako ng ballpen at papel”sabi ko

Nagtataka yung reaction ni Hannah

“eto oh”sabay abot sakin

“ano bang gagawin mo dyan?”tanong nya

“contract and rules” sabi ko at nagsimula na akong magsulat.

MARRYING THIS ANNOYING GIRL(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon