CHAPTER 42
XANDER’S POV
Katatapos lang naming manood ni Vanessa at 9:37 pm na din. Maghapon kong kasama si Vanessa sa pamamasyal sa mall. Ngayon nandito kami sa isang playground
“Cloud, natatandaan mo pa ba nung bata tayo. Sa playground malapit sa dating tinitirahan natin”sabi nya at umupo sya sa may swing at umupo na rin ako sa tabi nya
“Oo naman lagi tayong nandun buong araw halos hindi na tayo kumain basta makapaglaro tayo”sabi ko
“oo nga nakakamiss yung mga time na yun”sabi nya habang nakatingin sa langit. Tiningnan ko sya at ang saya sayanyang tingnan
“pero alam mo isang pangyayari lang yung hinding hindi ko makakalimutan sa playground na yun”sabi nya
“Yun yung araw na nangyari yung unang halik natin”sabi nya at biglang may nag flashback sa utak ko
Flashback
(Third person po ang pagflashback ko nito at pag nag End of flashback na balik na ulit kay Xander ang POV okay po)
7 years old palang sina Vanessa at Xander, makikita mo sa kanila na makalapit talaga sila. Halos hindi na nga sila mapaghiwalay dahil mas gugustuhin nilang maging marusing at magutom basta magkasama silang maglaro.
“Ate!! Labas muna ako laro lang kami ni Chingket”sabi ni Xander sa kanyang ate Kate
“Sige basta mag-ingat ka lang ha”sabi ng kanyang ate. Lumabas na sya sa bahay nila at agad naman sya tumakbo papuntang playground kung saan sila laging naglalaro
“Chingket!!”tawag ni Xander ng makita nyang nasa may swing si Vanessa
“Ulap”sabi naman ni Vanessa. Umupo sa isa pang swing si Xander sa katabi ni Vanessa
“wow chingket!! Bakit naka suot ka ng ganyan?”tanong ni Xander dahil nagtataka sya kung bakit naka dress si Vanessa eh dati halos magmukha na syang lalaki dahil sa damit na sinusuot nya.
“ah bakit pangit ba?”tanong ni Vanessa
“hmmm hindi naman ang ganda nga eh”sabi ni Xander
“hahaha tumayo ka na nga dyang Ulap at iduyan mo ko”sabi ni Vanessa
“eh ayoko nga ikaw na lang magduyan sakin”sabi ni Xander
“eh ikaw na tapos idu-duyan din kita”
“sige na nga”Sabi ni Xander at tumayo na sya at inumpisahan nya ng itulak yung duyan
“Sige lakasan mo pa ahahaha”masayang sabi ni Vanessa
Ilang minuto lang si Vanessa naman ang tumutulak sa duyan ni Xander
BINABASA MO ANG
MARRYING THIS ANNOYING GIRL(Complete)
Teen FictionShe's Annoying, Cheerful, Talkative and He is Arrogant, he doesn't like people who talks a lot, he hates Annoying people. But what if they're about having a fix marriage? Are they compatible for each other? Makakasundo kaya sila? Mananatili bang mat...