Chapter 4

0 1 0
                                    

Aeleia

A few days have passed, and I keep receiving food, gifts, and other items from an anonymous person. For example, this morning, I received a package of books that I wanted to buy. I now realize I have a goddamn stalker, and I feel both scared and pleased just thinking about it. I know it’s weird to feel pleased, but let me explain why.

I’m scared because this person knows my address and my full name. I wouldn’t be surprised if they also know the address of my Cafe.

I’m pleased because they’re giving me gifts, and everything they’ve sent is my favorite. It’s as if I’ve suddenly got an instant sugar daddy.

Nandito ako ngayon sa sala. Nagpapahinga at komportableng nakaupo sa sahig. Nagsusulat ako ngayon ng susunod kong eksena para sa ginagawa kong istorya pero nalipad naman ang aking isipan. Ito lang ang pinagkakaabalahan ko ngayong linggo ng hapon. Maaga kong natapos ang mga dapat kong gawin para sa araw na ito.

Sa paglilibot ng paningin ay huminto iyon sa kahon na nasa ibabang gilid ng TV. Tumayo ako at kinuha iyon. May katamtaman ang laki at medyo magaan. Inalog ko muna ito bago binuksan. Sa loob ay may nakalagay na isang plushie. Kuromi plushie to be exact. My favorite!

May collection ako niyon na nasa sa isang silid dito sa bahay. Doon dati ang kwarto ng mga magulang ko. Inayos ko ang kwartong iyon at muling binigyan ng buhay. Itinago ko ang mga damit at gamit ng aking mga magulang sa bodega. Ayokong magluksa araw-araw sa kanilang pagpanaw sa tuwing nakikita ko ang gamit o damit na may koneksiyon sa kanila. Kaya tamang ang mga larawan lamang nila ang naka-display sa sala ang aking itinira.

Masaya kong pinakatitigan ang cute na cute na plushie at niyakap iyon ng mahigpit. Tila nakalimutan ang takot sa stalker. Hindi ko ito mabili-bili dahil laging nauubusan ng stocks ang store na pinagbibilhan ko. Naghanap din ako sa online at kahit doon ay palaging out of stock. Idi-display ko iyon mamaya sa collection room pero ngayon ay dito na muna ito sa sala.

Sumagi na rin sa isip ko na mag-report sa police station pero hindi ko magawa dahil wala pa naman itong ginagawang masama ang stalker sa akin. Hindi sa naghihintay akong gawan niya ng masama pero may kakilala kasi akong nag-report ng ganoong klaseng case pero hindi naman sineryoso ng pulis.

Kahit yata pumunta ako roon at ipakita sa mga pulis ang mga nakukuha kong regalo bilang ebidensiya ay hindi nila ako papaniwalaan. Dahil sa nakapangalan ang lahat niyon sa 'kin at ang karamihan doon ay libro. Baka pagtawanan pa ako ng mga pulis doon.

Itinabi ko sa aking gilid ang plushie at bumalik na ulit sa pagsusulat. I think the plushie motivates me. My fingers work on autopilot, casually typing every scene that comes to mind. I’m busy writing on my laptop when I suddenly hear a loud thud coming from outside.

May nalaglag bang gamit? Pero ano naman? Isang mahabang upuan lang ang nasa bakuran. Hindi iyon matutumba dahil nakasandal iyon sa pader ng bahay. Para hindi na mag-isip ng kung ano-ano ay tumayo ako at tinignan ang bakuran sa bintana. Maayos pa rin naman ang labas. Walang kung anong bagay ang nandoon na pwedeng lumikha ng malakas na tunog.

Pumunta ako sa kusina para uminom ng isang basong tubig. Hindi ko namalayan na tuyo na pala ang aking lalamunan, at muling bumalik ng upo sa sala. Hindi pa man din ako nakakaupo nang maayos ay may kumalabog uli sa labas. Sa pintuan na nanggaling ang tunog.

I started to feel my heartbeat racing faster than usual and my mind becoming alert. What if it’s my stalker? Is he going to hurt me? Is he going to kill me? Or is it a thief? With trembling hands that I couldn't control, I searched for a sharp object inside the house.

As I readied myself to confront whoever was on the other side of the door, I slowly opened it and was greeted by a bleeding man. I hadn't seen him outside when I peeked through the window earlier. Where was he hiding before?

I approached the man sitting on the ground. He was leaning against the wall, using one hand to cover the blood pouring from a wound on the side of his stomach.

Inilagay ko sa mahabang upuan na nandoon ang hawak na kutsilyo at tinulungan agad ang lalaki. Nakapikit ang kaniyang mga mata at nakabukas ng kaunti ang kaniyang labi. Tila hinihingal. Nang maramdaman nito ang aking kamay na tumapik ng mahina sa kaniyang braso ay saka lang nagmulat ng mata.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita. Luntiang mga mata. Hindi naman ito panaginip 'di ba? Pasimple kong kinurot ang sarili at naramdaman ang sakit na dulot niyon. Bahagya akong natulala sa harapan niya. Bumalik lang ang aking wisyo nang marinig ko itong umungol sa sakit. Isinantabi ko muna ang naisip at tinanong ang lalaki kung kaya nitong tumayo at tumango lang ito sa 'kin. Inalalayan ko siya at medyo nahirapan akayin papasok sa loob dahil sa bigat niya. Nasa akin lahat ng timbang niya.

Iniupo ko siya sa sofa. Mabuti nalang walang nakalagay sa ibabaw n'on. Ang laptop ko ay nakalagay sa maliit na lamesa at ang plushie ay nasa ibaba ng sofa. Nagpaalam ako na kukuha ng panglinis sa kaniyang dugo at sugat.

Nakasandal ang kaniyang ulo sa armrest ng sofa at nakahilata ang katawan nang aking madatnan noong binalikan ko siya. Nakapikit uli ang kaniyang mata na tila kumukuha ng sapat na pahinga.

Tumikhim ako para ipaalam sa kaniya ang aking presensya. Idinilat niya ang mga mata. Walang emosyon ang makikita sa berdeng kulay nito. Blangko nitong sinalubong ang aking tingin. Lumapit na ako sa kaniya at nagtanong kung maaari ko ng linisin ang mga dugo sa kaniyang katawan. Hindi ito umimik at muling tango ang sinagot sa 'kin.

Umupo ako sa sahig, malapit sa sofa kung saan siya nakahiga at sinimulan kong linisin ang marka ng pulang likido sa kaniyang mga braso. Tumingin ako sa kaniya para ipaalam na aalisin ang suot niyang leather jacket. Mabuti nalang ay nakapatong lang iyon sa likod niya at madali ko itong naalis. Sinunod ko ang suot niyang t-shirt. Dahan-dahan ang pag-angat sa damit para hindi matamaan ang sugat niya, sinenyasan kong itong itaas ang dalawang braso para sa mabilis na pagtanggal ng t-shirt.

Hindi ko maiwasan na hindi dapuan ng tingin ang katawan nito. Malaki at malapad. Makikita ang anim na umbok sa tiyan nito. Malalaman mong naggi-gym ito dahil dito. Pinunasan ko ng basang bimpo ang iba pang natuyot na dugo at sinunod na gamutin ang sugat niya. Hindi ko na inabala na tanggalin ang suot nitong sapatos. Magwawalis nalang ako mamaya.

Tahimik lang itong nagmamasid sa 'kin. Hindi ko ito pinansin at nagpokus sa paglalagay ng bandage. Nang matapos ay isinantabi ko ang plangganita at bimpo sa lamesita. Ako na ang nagpasyang basagin ang katahimikan dahil mukhang walang balak itong magsalita kapag hindi ko kinausap. Nagtanong ako sa estrangherong ito kung saan at paano niya nakuha ang sugat.

Nakita kong lumunok ito bago tuluyang nagsalita sa paos na boses. "Tubig."

Eternal Devotion Where stories live. Discover now