Chapter 8

0 0 0
                                        

Aeleia

Walang kakaibang nangyari sa lumipas na araw. Thursday ngayon at nandito ako sa Cafe, nag-aasikaso ng mga customer. Maraming tao ngayon ang nasa loob. Alas tres palang ng hapon ay pagod na ako. Naramdaman kong nag-vibrate ang phone sa bulsa at kinuha ito para tignan kung sino ang nag-text.

Nakita ko ang pangalan ni Zy, nag-aaya na mag-bar mamaya. Pumayag naman ako dahil sakto na kailangan ko ng pahinga pagkatapos dito.

Malapit na mag-ala sais pero panay pa rin ang dagsa ng customer, kaya wala akong nagawa at nag-overtime pa kami ng isang oras sa Cafe.

Uwian na at para akong zombie na naglalakad sa daan. May ganitong pagkakataon talaga na bigla nalang dumarami ang customer sa Cafe pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay.

Nakarating naman ako ng matiwasay sa bahay. Pagkatapos maglinis ng katawan at makapagbihis ng pambahay ay sakto na may tumawag sa 'kin sa labas.

Hindi na ako nagulat dito, kada uuwi ako galing sa Cafe ay may delivery rider na tatawag sa 'kin. I know that it's from my stalker. Hindi naman ako um-order sa online ng pagkain. Nasanay nalang ako rito. At least, libre.

Kinuha ko ang pagkain at nagpasalamat sa rider. Pinasalamatan ko rin ang stalker sa isip dahil wala akong lakas na gumawa pa ng dinner ngayong gabi. Ngayon lang naman, bukas matatakot na uli ako sa kaniya.

Mabilis ko naubos ang pagkain dahil sa gutom at pagod. I'm going to take a nap in the bedroom, and I set the alarm for ten o'clock.

Hindi sapat ang ilang oras na tulog pero nakapagpahinga na ang aking katawan. Tumambay pa ako ng ilang minuto sa kama bago tuluyang tumayo at nag-inat ng katawan. Nag-ayos na ako para sa girls' night namin ni Zy.

Naghilamos lang ako ng mukha at nag-toothbrush, pagkatapos n'on ay pumunta ako sa closet para maghanap ng susuotin. Ilang damit pa ang nilabas ko sa cabinet bago nakapili ng damit na susuotin.

I’m wearing a mini black dress that’s tight and hugs my curves. It has a hole design with mini hanging chains on both sides of my waist, revealing my naturally fair skin. The dress reaches up to my thighs, and the strap is a silver chain connecting to the black fabric that hugs my neck. I wore stilettos to complete the look and added light makeup and perfume.

Trenta minutos pa ang lumipas at may na-received uli akong text galing kay Zy. Nasa labas na raw siya. Tinignan ko pa uli ang sarili sa salamin. Hinayaan ko naman na nakalugay lang ang wavy na buhok na umaabot hanggang sa sikmura ang haba.

Sinigurado kong naka-lock ang lahat ng pwedeng i-lock sa bahay, kinandado ko rin ang gate paglabas. Nandoon ang nakaparadang Honda Civic ng kaibigan. Pumasok ako sa kotse ni Zy na nakaparada sa tapat ng gate. Naamoy ko ang mabangong pabango ng kaibigan sa paligid. Ngumiti ito sa 'kin at nagsalita.

"I missed you, Leia!" Masayang wika niya.

"Ang sexy mo, babe! Rawr!" Dagdag niya. Tinawanan ko ang sinabi niya. Pinuri ko rin ang suot niya na talagang bagay sa kaniya. She wore a satin silver dress and silver cross-strap square heels. Czyla looks so alluring in her outfit. Many guys will drool over her later; I’m sure of that.

Nakarating kami sa Secret Heaven, bar na around Makati lang din, at ang paborito naming puntahan ni Zy kapag nag-aaya ang babae. Pumasok na kami at nakitang maraming tao sa loob ang nagsasaya at umiinom ng mag-isa. Malilikot at nakakahilo na iba't-ibang kulay ng ilaw ang maaaninag sa buong paligid.

Naghanap muna kami ni Zy ng table. Sa bandang gilid namin naisipan umupo, medyo malayo sa mga tao. Um-order siya ng Tequila at Vodka para sa amin. Hard drinks. Mukhang gusto ng gaga na malasing agad.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 30, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Eternal Devotion Where stories live. Discover now