Chapter 7

0 0 0
                                    

Lazarus

"Bakit ka pumunta rito?" Iritang tanong ko rito pagkatapos buksan ng pinto. Magpapahinga na dapat ako habang pinapanood si Leia, panira naman.

"Kasi Hotel ko 'to? Hahaha!" Tangang sagot niya sa 'kin. Ipinagtulakan ko ito palabas pero hindi nagpatinag ang lalaki. Nagpumilit pumasok sa loob. Nakita tuloy nito kung ano ang nasa screen ng TV. Binalingan ako ng tingin ni Zeph at ngumiti ng nakakaloko.

"Kaya pala iritado na naistorbo ang gago! Ano yan, ilang buwan ka pa ba magiging ganiyan? Amin na kasi!" Panunukso nito.

Hindi ko ito pinansin at pinatay ang TV. Tsk. Alam nito ang tungkol kay Leia. Nalaman niya iyon ng pumunta siya sa condo unit ko at busy akong gumagawa ng gawaing bahay. Nakabukas ang TV at nandoon ang imahe ng isang babae. Si Leia.

"Bro, three months mo na itong ginagawa. Kailan ka pa lalapit sa kaniya para magpakilala? Kapag may boyfriend na siya? Tanginang torpeng 'to." Sermon niya bago pumunta sa kusina para maghanap ng makakain. Akala mo hindi pinapakain sa bahay nila kung umasta.

Well, he’s right. I’ve been stalking my girl for three months now. At first, I just found her interesting. Then I didn’t realize I was falling in love with her as I observed her every single day. She has a pure soul I want to taint. She’s the only person driving me crazy.

Bumalik si Zeph na puno ang bibig at may hawak na nakitang pagkain. Umupo ito sa single sofa at itinaas pa ang mga paa sa lamesa. Tinitigan ako nito na may pagtaas-taas ng kilay, naghihintay ng isasagot ko rito. Nagkibit-balikat lang ako sa kaniya. Walang balak sagutin ang tanong niya.

Wala na itong nagawa kundi ubusin ang pagkain niya at umalis na sa silid. Akala niya ata may maaasar siya ngayon. Pwes, nagkakamali ito. Good mood ako ngayon. Tumayo ako sa sofa para i-lock ang pinto dahil baka maisipan pang bumalik ng kaibigan ko.

Kumirot ng kaunti ang sugat ko sa tagiliran dahil sa liksi ng galaw. Hindi mababaw at hindi rin naman malalim. Sakto lang. Nakalimutan kong may daplis pala ako.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Madilim pa ang kalangitan sa labas. Naghanda akong umalis para masilayan ang babaeng mahal ko. Nagsuot lang ako ng itim na plain t-shirt at pants na pinaresan ko ng black sneakers. Simple lang dahil sa bahay lang naman ako ni Leia pupunta.

Bumaba ako at lumabas ng Z Hotel. Nandoon na nakaparada sa harap ang sasakyan. Katabi nito ang Valet attendant at binigay sa akin ang susi. Nagpasalamat ako rito at pumasok na sa loob.

Kinse minutos ang biyahe. Pinarada ko ang pangalawang kotse na gamit sa mas malayo at pumunta sa isang sasakyan na naroon. Nandoon ang mga gamit at kailangan ko. Binuksan ko ang tablet at pinindot ang isang application. Bumungad sa akin ang mahimbing na natutulog na dalaga.

Ang aliwalas niyang pagmasdan kahit tulog. Tulad nang lagi kong ginagawa ay lumabas uli ako sa kotse at pumasok sa bahay ni Leia. Hindi ako nakukuntento na hindi siya nakikita sa personal. Malapit man ito o malayo. Hindi ako dumiretso sa gate at naglakad papunta sa likod ng bahay nito. Umakyat ako sa bakod na walang hirap.

Sa pintuan ako ng kusina papasok. Pinihit ko iyon at nalamang naka-lock. Good girl. Madali lang sa 'kin na buksan ang lock ng hindi ito sinisira.

Maingat at walang tunog akong pumasok sa loob. Sa kwarto niya ako dumiretso. Ganoon pa rin ang pwesto ng dalaga, nakatihaya at ang isang kamay ay nakapatong sa kaniyang tiyan. Nakasuot lang siya ng violet oversized t-shirt. Her favorite color.

Nilapitan ko ang dalaga na mahimbing pa rin na tutulog. Ang ilang hibla ng mahaba nitong buhok ay nakatabing sa kaniya maliit na mukha. Marahan kong hinawi ang mga iyon. Pagkatapos ay tumungo ako para pagdikitin ang aming noo.

Ilang minuto na ganoon ang aming pwesto. Hindi pa rin nagigising  sa ginawa ko. Magkalapit na magkalapit ang mukha namin sa isa't-isa. Nang nakuntento ay binigyan ko siya ng magaan at mabilis na halik sa noo. Ganoon lang ay buo na agad ang araw ko.

Sinilip ko ang suot na relo at nakitang 3:30 palang ng umaga. Masyado pang maaga. Dito muna ako tatambay sa kwarto niya. Papanoorin ko lang siya. Iyon lang. Saka ko na gagawin sa kaniya ang mga gusto kong gawin kapag kami na at syempre may consent niya.

Nakatayo at nakasandal lang ako sa pader ng kwarto niya. Gumalaw siya. Tumagilid ng higa pakanan, paharap sa direksyon ko. Umangat tuloy ang suot niyang t-shirt at nakita ko ang underwear niya. Shit.

Ang hirap magpigil pero ginawa ko. Nanuyo ang lalamunan ko. Napalunok nalang ako. Nilapitan ko uli siya at kinuha ang kumot na nasa sahig saka tinabunan ng kumot ang katawan niya. 'Yan, okay na. Hindi na magigising si little friend.

Ilang oras pa ang lumipas. Pumatak ang alas sais ng umaga. Nagpasya na akong umalis. Walang ingay ang mga hakbang na ginawa ko at siniguradong walang iniwan na bakas na may pumasok na ibang tao sa bahay ng dalaga. Nilabas ko ang phone sa bulsa at binura ang kung anong nahagip ng surveillance camera.

Bumalik ako sa sasakyan. Pupunta ako sa Quezon City kung nasaan ang kumpanya na pagmamay-ari ng aking magulang. Pero si Mama nalang at ako ang namamahala niyon simula noong bawian ng buhay ang aking Papa dalawang taon na ang nakalilipas.

Habang nasa biyahe ay may tumawag sa phone. Si Mama. Sinagot ko ito at nilagay sa loud speaker.

"Good morning, honey! Kailan mo ako bibigyan ng apo?" Malungkot na saad nito. Hindi na ako nagulat sa tanong niyang palaging ginagawa.

"Ma, sabi ko naman sa 'yo na dapat sinundan mo ako. May nakakausap ka sana riyan," pang-aalaska ko rito.

"Aba, mahirap ang magdala ng bata at manganak! Kung tatay mo lang sana ang nabubuntis ay baka tatlo pa ang naging kapatid mo."

"'Yon naman pala, Ma. Sa 'yo na nanggaling na hindi basta-basta ang pagbubuntis, kaya huwag ka pong masyadong excited sa apo, hmm?" Sagot ko na ang paningin ay nasa daanan.

"Pero gusto ko ng baby dito!" ungot nito. Parang nanghihingi lang ng candy e. "Saka sa susunod na taon ay lagpas na ang edad mo sa kalendaryo, Ihjo."

"Dadalaw nalang po ako riyan mamaya ng tanghali, Ma," pag-iiba ko sa usapan. Mukhang hindi sapat ang mga tauhan namin sa bahay para malibang siya.

Masaya naman siya sa narinig, tila nakalimutan ang hinihingi nitong apo. Nag-usap pa kami ng ilang minuto bago ito tuluyang nagpaalam. Pinaalala pa nito sa 'kin na huwag kong kalimutan ang pangako na puntahan ito mamayang tanghali. Um-oo nalang ako.

Diretso ako sa parking lot ng kumpanya. Nang iparada ko ito ay tinignan ko muna ang tablet at nakita ang dalaga sa screen. Gising na at gumagawa na ng almusal. Parang gusto ko uling bumalik sa Makati para tumambay lang sa labas ng bahay nito.

Nasa panglimang palapag ang aking opisina. Napasok lang naman ako rito para makita ng personal kung ginagawa ng lahat ang tungkulin nila at para sa mga dokumentong naghihintay sa 'kin sa opisina para pirmahan.

Nakita ko sa labas ng opisina si Kaleb na mabilis tumayo sa lamesa niya ng nakita ako at magalang na bumati. Tumango ako rito at pumasok na sa opisina. Sumunod naman sa akin ang sekretarya at sinabi ang schedule ko para ngayong araw.

Napabuntong-hininga nalang ako. I guess, this is gonna be a long day. Sa naisip na iyon ay na-miss ko agad si Leia.

Eternal Devotion Where stories live. Discover now