Lazarus
Few moments ago...
Nasa isang VIP room ako. I'm in a meeting regarding some illegal business. Mr. Choi, a member of a Chinese syndicate, wants me to do something outside our contract. Naturally, I refuse, and he gets furious. He throws a tantrum like a child who didn't get the toy he wanted. It's almost comical, especially with his accent, but I manage to keep a straight face.
In that simple response, he's implying that he wants me dead. Shallow, right? But I'll let it slide, considering he has connections all over the world, and I can't afford to lose them.
Tahimik akong nakikinig sa panunumbat niya. As if he could guilt-trip me. It's entertaining to watch his angry-red face get even angrier while I keep my mouth shut the whole time he's talking nonsense.
He's unlucky and lucky enough. Unlucky because even if he has tons of henchmen, and I'm outnumbered since I'm the only one in that room and I don't want a bodyguard or henchmen either, I still managed to defeat all of them but one of them found a way to stab me. Mr. Choi is lucky enough that I didn't completely kill his hencemen.
Hindi naman malalim ang sugat at daplis lang. Pero masakit pa rin. Pinatulog ko lang sila at hindi tuluyang kinitilan ng buhay kasi mabait ako. I looked at Mr. Choi to remind him that he shouldn't be going against one of his allies. Iniwan ko siyang tulala at mag-isang may malay sa VIP room.
"Ah, I missed my girl." Mahinang sambit ko sa sarili habang papunta sa elevator.
Sa basement ang punta ko dahil nand'on ang BMW i8 kong kotse na naka-park. Walang pakialam sa paligid at tao na panay ang dalawang lingon dahil sa itsura ko. Puro talsik ng dugo ang mukha at braso at may isang daplis ng saksak sa tagiliran.
Malapit lang ang hotel sa bahay ni Leia kaya saglit lang ay nakarating agad ako. As usual, pinarada ko ang kotse sa may kalayuan. Bago bumaba ay may kinuha ako sa likuran ng kotse na sapatos. Pinalit ko iyon sa suot kong may bakas ng dugo.
Pinuntahan ko ang gate ng bahay nito at napansing nakasiwang ng kaunti ang gate. Tsk. Paano pala kung hindi ako pumunta ngayon? Paano kung may ibang taong nakapasok? Paano kung mapahamak siya? Makakapatay talaga ako.
Pumasok ako sa loob at agad na nakita ang malinis na bakuran ng dalaga. This is what I like about my little flower, she always keeps everything spotless. Nice and clean.
Puro halaman lang ang makikita sa dalawang gilid ng bakuran ni Leia at isang mahabang upuan na nakapwesto sa tapat ng bahay nito. Hindi ko napansing naiwan kong nakabukas ang gate kaya sumarado ito ng malakas. Dali-dali ko itong ni-locked at nagtago sa munting espasyo sa gilid ng bahay.
Nakasilip lang ako mula roon at nakita kong hinawi ng dalaga ang kurtina ng bintana nito. Sinilip niya kung ano yung gumawa ng ingay. Nang walang makita ay hinawi niya ito pabalik.
Lumabas ako sa pagkakatago at pupunta sana sa pintuan nang matisod ako sa biyak na lupa na hindi ko napansin na nandoon pala. Tangina. Tumama tuloy ako sa pinto. Naiharang ko naman nang mabilis ang mga kamay pero hindi iyon nakatulong at gumawa lang ng malakas na ingay. Napapikit ako sa katangahan.
Mabilis akong nakaisip ng paraan at agad na umupo malapit sa pintuan. Narinig ko ang mga papalapit na yabag ni Leia, na siguradong nababahala na ngayon. Pinisil ko ang sugat sa tagiliran para muling dumugo at pumikit. Umarte akong nasasaktan na totoo naman.
Narinig kong unti-unting bumukas ang pinto at naramdaman ang mahinang tapik nito sa 'kin. Minulat ko ang paningin at napansing natigilan ang dalaga ng makita ang aking mata. Ngayon lang ba siya nakakita ng kulay berde na mata sa personal? Siguro. Na-starstruck? Hindi naman ako artista. Baka naman nagwapuhan siya at na-inlove na siya sa 'kin dahil d'on? Edi masaya.

YOU ARE READING
Eternal Devotion
Romanceeternal series #1 His love and devotion for her seem endless, a constant flame that never fades. But underneath this deep affection lies a hint of obsession, a powerful and almost unsettling fixation. Languages used: TagLish. Mixed of Tagalog and En...