Aeleia
"Good morning, Ma'am Hyacinth!" masiglang bati sa 'kin ni Jerome, naging katrabaho at kaibigan ko noong nag-part-time ako sa bar bilang waitress.
"Tsk. Ma'am Leia itawag mo riyan. Kapag ikaw tinanggal," panakot na sambit ni Summer, kaibigan at former classmate ko noong second year of college bago ako huminto.
"Good morning sa inyong dalawa, ikaw Jerome makinig ka riyan kay Summer, Ma'am Leia lang itatawag mo sa 'kin," sambit ko na may matamis na ngiti sa labi.
Mukhang natakot yata dahil bumalik na sa pagtatrabaho. Wala naman kaso sa akin na tawagin ako sa second name ko pero hindi kasi ako komportable na marinig ang pangalang iyon.
Alas nuebe ng umaga ako dumating sa Cafe pero nagbubukas iyon ng alas otso. Si Summer ang nagbubukas dahil siya ang maagang pumasok palagi sa kanila ni Jerome. May susi rin naman si Jerome para kahit absent ang isa ay mabubuksan pa rin niya ang Cafe.
Kaunti pa lang ang customer sa loob dahil umaga pa lang naman. Hinayaan ko na muna sila na magtrabaho at sinabihan ang dalawa na tawagin nila ako kung kailangan nila ng tulong bago pumasok sa maliit kong opisina.
Doon ay isang maliit na lamesa at upuan ang makikita. May nakalaan din na upuan sa kabilang side ng lamesa. Mayroon ding maliit na cabinet na gawa sa mahogany wood sa bandang kanan sa gilid. Sa maliit na silid ako nagsusulat ng mga istorya na talagang minamahal ng aking mga mambabasa.
Noong una ay dahil lang sa ka-boring-an sa buhay pero nag-iba iyon ng nakatanggap ako ng mga komento na "maganda ang plot", "mahusay ang pagpili ng mga salita", at "may kabuluhan ang akda". Hindi ko inakala na sa simpleng salita ay seseryosohin ko ang pagsusulat. Masarap pala sa pakiramdam na may ibang tao ang naglalaan ng oras para lang basahin ang akda na gawa ko.
Hindi ko inaasahang na sa maikling panahon ay makikilala ako ng mas marami pang mambabasa. Iyon ang naging dahilan para magkaroon ako ng unang libro na nailathala.
Sobra ang pasasalamat ko sa mga mambabasa ko na sinuportahan ako. Ngayon ay may sampung iba't-ibang libro na akong kopya. Masaya ako na kada book-signing event ay matiyaga silang pumipila para makita ako at mapapirmahan ang aking libro.
Nakakatuwa dahil talagang nag-abala sila para sa akin. Bawat isa sa kanila ay may regalong ibinibigay. Bawat isa ay may ngiti sa labi at ningning sa tuwa ang mga mata.
Dahil sa pagsusulat ay nagkakaroon ako ng extra income. Bukod pa ang nakukuha kong kita sa Cafe. Nakaabot na rin ang mga akda ko sa iba't-ibang sulok ng mundo. Hindi mapalagay ang saya sa puso ko noon na dala-dala ko pa rin hanggang ngayon.
Habang abala sa pagsusulat ay may narinig akong katok. Tila nagmamadali. Inihinto ko ang ginagawa at mabilis na binuksan ang pinto at nasilayan ang maputlang mukha ni Summer. Sinabi nito sa 'kin na hinahanap ng isang galit na customer ang "boss" daw nito. Pinakalma ko ang babae at pinuntahan na namin ang customer.
Namumula ang mukha nito sa galit. May ibang customer ang nakatingin dito na tila naistorbo dahil sa ginawang komosyon sa loob ng Cafe.
May edad ang lalaki at may makikita na basa sa lamesa nito at sa sahig na malapit dito. Tinawag ko si Jerome para pakiusapan na linisin ang natapong kape at agad na tumalima ang lalaki.
Malakas ang boses nitong nagreklamo sa akin dahil sa katangahan daw ng employee kong tinutukoy ay si Summer na nasa likuran ko. Tinuro pa niya ang babae. Mahinahon akong nagsalita at nagpasensya at sinabihan ito na papalitan ang natapon na kape at hindi na rin nito kailangan na magbayad uli.
Nang marinig ang sagot ko rito ay nagpuyos ito sa galit at dinuro ako. "Hindi ko kailangan ng libre mo! May pera ako! Ang sinasabi ko lang ay kung hindi ka marunong magturo ng tamang dapat gawin sa empleyado mo ay mabuti pang isara mo nalang ito! Tandaan mong customer is always right! Kayo ang may mali rito!" nanggigigil nitong saad.
"Sir, wala naman ho akong sinabi na mali ho kayo. Ako na nga ho ang nagpapakumbaba at papalitan ng bago ang kape ninyo pero ayaw niyo naman. Hindi naman ho pwedeng isara ko ang Cafe na ito dahil lang sinabi niyo. Kung gusto niyo ho ng refund ay ibabalik namin ang pera niyo," kalmadong pahayag ko sa matandang lalaki.
Kung gusto niya pala nang mabilisan ay dapat bumili nalang siya sa tindahan ng instant coffee at hindi na pumunta pa rito. Our coffee is made from scratch, so it's a long process to make one. I hope he knows that, but unfortunately, he doesn't.
Kahit naiinis sa rason at asta nito ay kalmado pa rin akong nakaharap dito. Hindi nito sinagot ang huli kong sinabi bagama't marami pa itong sinasabi na wala ng connect sa nangyayari.
Mukhang nakaramdam na ito ng hiya dahil nakatitig nalang ako sa kaniya habang siya ay panay pa rin ang salita. Nagpasiya na itong umalis ngunit nagsasalita pa rin ng kung ano-ano at tinadyakan pa ang flower pot na nakapwesto sa labas ng Cafe. Muli kong pinaasikaso iyon kay Jerome. Kanda-ugaga naman siyang sumunod.
Napabuga ako ng hangin at humingi ng pasensiya sa ibang customer na naistorbo at nasaksihan ang eskandalo. Mabuti ay kaunti pa rin ang tao sa Cafe.
Tinignan ko si Summer sa aking likuran, tahimik itong nakatungo at nanginginig ang mga kamay. Inalalayan ko ito papunta sa counter. Kumuha ako ng isang upuan na malapit sa amin at doon pinaupo si Summer. Muli kong pinakalma ito. Nang kumalma na siya ay nagtanong ako.
"May ginawa ba sa 'yo ang lalaking 'yon, Summer?"
"Wala naman, Ma'am. Pero salamat po sa ginawa niyo kanina."
"Don't mention it. Pero ano ba ang nangyari at nagalit iyong customer?" tanong ko sa kaniya.
"Okay pa naman iyong customer noong nag-order kanina, Ma'am. Nagkaproblema lang noong na-serve ko na ang order n'on sa table. Nirereklamo niyang mali raw ang kape niya tapos ang tagal pa raw at tinabig niya bigla yung lagayan kaya natapon. Sinabi ko naman na sa counter na maghihintay nang at least ten minutes para sa order niya at um-oo lang siya. Tapos doon na siya nag-demand at hinanap kung sino nga raw ang boss ko," mahabang pahayag nito.
So that's what happened.
"Tsk. Mukhang may tama ata iyon sa utak at napili ritong manggulo. Oh siya, magpahinga ka na muna at bumalik nalang uli after lunch. Ako na muna ang bahala rito," nagpasalamat uli si Summer sa akin at sinunod ang sinabi ko.
Hindi pa rin humuhupa ang inis ko sa customer kanina. I know the famous quote that says “The customer is always right,” but that statement is not always valid as an excuse for their bad behavior.
Dahil sa mga ganoong customer kaya may ibang empleyado na nadedehado at nasesermunan pa. Malas pa nila dahil pwede iyon iawas sa kanilang sweldo kahit na wala naman silang kasalanan. Imagine, araw-araw silang kumakayod at napapagod tapos may bawas pa yung minumum-wage nilang sahod.
Mga nasa limang customer ang naasikaso ko bago pumatak ang ala una ng tanghali. Nakita ko naman si Summer na masigla na ulit at bumalik na sa pagtatrabaho.
Dahil hindi pa ako kumakain ng lunch ay nagpaalam ako kina Jerome at Summer na lalabas saglit para kumain. Bumalik ako sa opisina at kinuha ang cellphone at wallet ko at lumabas na ng Cafe.
Pumunta ako sa malapit na restaurant at doon kumain. Pork sisig ang kinain ko roon. Pagkatapos kumain ay bumalik na uli ako sa Cafe at nakitang maayos naman ang loob. Dumiretso ako sa opisina at doon itinuloy ang natigil kong pagsusulat kanina.
Mukhang hindi na nasundan ang aberyang nangyari kanina dahil umabot ng alas sais ay wala na ulit kumatok sa pinto. Inayos ko na ang gamit ko at tumayo sa kinauupuan. Paglabas ko ay nakita kong nag-aayos na sila Summer at Jerome ng mga lamesa roon.
Tumulong na ako sa pag-aayos at sabay-sabay kaming lumabas ng Cafe. Maaanig sa kalangitan ang takip-silim. Ako ang nag-lock ng Cafe at nagpaalam na kaming tatlo sa isa't-isa at umuwi na.

YOU ARE READING
Eternal Devotion
Romanceeternal series #1 His love and devotion for her seem endless, a constant flame that never fades. But underneath this deep affection lies a hint of obsession, a powerful and almost unsettling fixation. Languages used: TagLish. Mixed of Tagalog and En...