Aeleia
Nakita kong gumalaw ang lalamunan nito bago tuluyang nagsalita sa paos na boses. "Tubig."
Oo nga pala. Lihim kong pinagalitan ang sarili at kinuha ito ng maiinom sa kusina. Dinala ko na rin ang pitsel kung sakaling kulangin pa iyon sa kaniya. Tinulungan ko muna siyang makaupo sa sofa para maayos siyang makainom ng tubig. Tama nga ako at nakatatlong inom ito bago huminga ng malalim at nagsalita.
"Napag-trip-an lang sa labas. Don't worry, hindi malalim ang sugat na natamo ko." Matiim pa rin itong nakatingin sa 'kin, tila inaabangan ang aking magiging reaksyon sa nalaman.
Hindi ko naman maiwasan ang pag-aalala. Mag-aala sais palang ng hapon ay may ganoon ng nangyari. Akala ko pa man din ay safe rito sa lugar namin. Siguro ay mga dayo? Dapat na malaman ito ng pulisya. Tinanong ko pa siya kung saan nangyari ang krimen para malaman kung may CCTV sa area. Hindi na niya ito sinagot. Naintindihan ko naman ito kaya hindi na ako nagtanong pa at iniba ang usapan.
"Gusto mo dalhin kita sa hospital? First aid lang ang nabigay ko sa 'yo," suhestiyon ko sa kaniya.
Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang pero napansin kong umangat ang gilid ng labi nito. Mabilis lang iyon kaya hindi ako sigurado sa nakita. Tumanggi siya at sinabing ayos lang siya. Hindi naman ako naniwala pero hindi ko na ito kinulit pa.
Ilang minuto ng katahimikan ang lumipas. Nagpapakiramdaman. Diretsong nakatingin sa 'kin ang mga mata nito habang ako ay nasa ibang direksyon nakatingin. Hindi ko kayang salubungin ang mabigat na titig nito. Dahil doon ay may naisip akong biro.
"Mister, pansin kong kanina ka pa nakatingin sa 'kin, crush mo 'ko 'no?" Sinalubong ko ang berdeng mata nito. Sinabayan ko pa ito ng nanunuyong ngisi. Tinatago ang ilang na nararamdaman.
He smirked at my silly joke but didn’t bother to play along. Instead, he picked up his phone from his pocket and called someone. Bumalik sa pagiging seryoso ang mukha nito at nagsalita sa baritonong boses.
Pinakatitigan ko ang mukha niya katulad ng pagtitig ko dati sa pininta kong larawan. Hindi ako nagkakamali, siya 'yon. Ang luntian niyang mga mata lang ang napansin ko kanina sa kaniya dahil nakapokus ang aking isipan na tulungan siya.
Kaya ngayong may pagkakataon akong pagmasdan siya nang matagal ay nilubos ko iyon. May kahabaan ang medyo wavy nitong itim na buhok na bagay sa hubog ng mukha niya. Hanggang balikat. Kung titingnan ay mukhang malambot iyon kapag hinawakan.
Hindi rin biro ang bawat hugis sa mukha niya. Parang pinag-isipang maigi dahil napakaperpekto. Mula sa mata niyang pailalim kung tumingin at palaging seryoso o blangko ang mababakas na ekspresyon, sa makapal nitong kilay, sa matangos nitong ilong, at sa labi nitong mamasa-masa at mamula-mula.
I also noticed that he has a faint scar on his lips. Sa kanang bahagi iyon ng labi niya. May katamtaman ang haba ng hiwa paibaba, ang haba ng scar niya ay nagsisimula sa bandang gitna ng pisngi niya, dumaan ang hiwa sa labi niya at hindi naman lalagpas sa kaniyang baba. Pero hindi mababakasan ng hiwa ang mismong labi niya. Saan niya kaya nakuha iyon? Aaminin ko na nakadagdag iyon sa intimidating aura na mayroon siya.
Bumaba ang tingin ko sa katawan nitong nakita ko na kanina. Kahit ang paghinga niya ay kaaya-ayang tignan. Lalo pang bumaba ang aking paningin sa pantalon nito at napansin ang umbok sa pagitan ng kaniyang hita. Iniwas ko ang tingin dito at bumalik sa mukha niya.
May naglalarong kislap sa mata nito. "Enjoying the view?" pang-aasar nito sa 'kin. Naramdaman kong uminit ang aking pisngi dahil doon. Masisisi niyo ba ako, ang ganda ng katawan niya e. Pwedeng i-drawing. Aasarin pa sana ako nito ng may bumusina sa labas. Siguro iyong tinawagan niya kanina.
"Don't report this to the police," paalala nito sa 'kin. Naguluhan naman ako. Bakit naman hindi? Dahil madali akong kausap ay tumango nalang ako sa kaniya.
Inalalayan ko itong tumayo at akayin palabas sa gate. Mukhang nakabawi na ito ng lakas dahil hindi na ako nahirapan na akayin siya. Nandoon ang isang magarang kotse na kulay itim. Siguro ay paboritong kulay ng lalaking ito ay itim. Kahit cellphone niya ay itim. Malalaman mo na mayaman ang lalaki dahil dito.
Bumukas ang pinto sa driver seat at lumabas doon ang isang lalaking nakasuot ng black suit. Matangkad ito at maputi. Lumipat iyon sa tapat ng pinto ng back seat at binuksan iyon para papasukin ang akay-akay ko na lalaki.
Naglakad kami papunta roon. Marahang pinisil ng lalaki ang balikat ko para kunin ang aking atensyon. Iniangat ko naman ang tingin at nagtatanong na tumingin dito. Pinagmasdan ako nito habang may namumuong munting ngiti sa labi at binuka ang labi ngunit walang tunog na nagsalita. Nagpasalamat ito sa 'kin at sinuklian ko iyon ng ngiti.
Inalis na nito sa akin ang nakapatong na isang braso at tuluyan na itong pumasok sa loob ng kotse. Umatras na ako at pumwesto malapit sa gate. Sinira ito ng lalaking naka-suit at pormal na yumuko sa aking harapan at nagpasalamat. Pormal din ang tono ng boses nito.
Bumalik na ito sa driver seat at pinagana ang makina ng sasakyan. Sinulyapan ko naman ang tinulungan kong lalaki na nahuli kong nakatingin na sa 'kin. Nang magsimula nang umandar ang sasakyan ay tumango ito sa 'kin. Pinagmasdan ko ang papalayong sasakyan hanggang sa hindi ko na ito makita.
Pumasok na ako sa loob at hindi namalayan na may ngiti sa labi. Binura ko iyon at nakita ang kalat sa sala. Hala siya! Yung mga damit ng lalaki ay nandito pa! Hindi ko napansin na nakahubad itong pang-itaas kanina nang ihatid ko sa labas. Hindi ko iyon napansin dahil wala rin itong nabanggit.
Sabagay sino ba naman ang gustong magsuot ng damit na may mantsa ng dugo? Wala. Lalabhan ko nalang iyon at itatago sa cabinet. Kung sakaling bumalik iyon dito para kunin ang kaniyang mga damit.
Kinuha ko ang mga damit para ibabad. Sinunod kong kunin ang plangganita at bimpo at binanlawan iyon at sinama sa mga ibababad. Para mawala ang mantsa ng dugo at madaling labhan.
Ang daming pumapasok sa isipan ko na mga tanong na gusto kong itanong sa lalaking iyon pero hindi ko nagawa. Ano ang pangalan niya? Ang tagal niyang namalagi rito pero hindi iyon sumagi sa isipan ko. Ang tanga lang. Paano siya nakapasok sa gate? Nakalimutan ko ba iyon i-lock? Imposibleng tumalon siya dahil namimilipit pa nga ito sa sakit ng sugat na natamo niya nang nakita ko. Saan siya nagtatago kanina n'ong unang silip ko sa bintana? Bakit kasi hindi ako nag-install ng CCTV sa labas ng bakuran? Edi sana makikita ko ang nangyari sa application.
"Argh! Nagawa mong makipagbiruan pero yung mga importateng bagay hindi mo natanong, Aeleia? Ang galing!" Inis na saad sa sarili at bumalik nalang sa sala para ituloy ang sinusulat na istorya.

YOU ARE READING
Eternal Devotion
Romanceeternal series #1 His love and devotion for her seem endless, a constant flame that never fades. But underneath this deep affection lies a hint of obsession, a powerful and almost unsettling fixation. Languages used: TagLish. Mixed of Tagalog and En...