Chapter 3: No memories, no divorce!

204 7 2
                                    

Chapter 3: No memories, no divorce!

(His POV)

"Welcome back to Silver Mansion, Master Lawrence." -pagsalubong sa akin ni Mr. Wid ng makapasok ako sa malapalasyong bahay daw namin.

Napanganga na lamang ako sa sobrang pagkamangha ng makapasok sa Mansion. Nakakabighani na nga ang magandang tanawin sa labas, mas lalo na dito sa loob. Pakiramdam ko ngayon lang ako nakapasok dito, hindi ito pamilyar sa akin.

"Sigurado ka bang bahay namin ito ni Wifey? Hindi kay Bill Gates o Mark Zuckerbird?" paninigurado ko.

Tumikhim siya, "Correction po, Mark Zuckerberg. Opo, bahay niyo po itong mag-asawa. Ito po ang Main house niyo."

"Main house? So may mga branch ang bahay namin?" kuryuso kong tanong  habang naglalakad kami para libutin ang buong Mansion. Kukulangin ata ng isang araw bago namin malibot ito lahat.

"Madami po kayong Mansion, Master lawrence. Hindi lang dito sa loob ng bansa kundi pati na rin sa ibang bansa. Japan, South korea, China, Italy, Germany, Canada, Norway, Switzerland, Argentina, Alaska, Mexico, Venezuela at iba pa. May Mansion din po kayo sa Bermuda Triangle..Biro lamang po.."

Napangiwi ako sa biro niya. Seryoso kasi siya masyado magsalita tapos magbibiro ng ganun.

Habang naglalakad kami napapansin kong umiiwas ng tingin sa akin ang mga katulong. Lahat sila ay busy sa mga kanya-kanyang paglilinis.

Nag request ako na unahin ang Kusina. Syempre, di pwedeng magutom. Mayaman kami kaya for sure madaming pagkain!

Naglaway agad ako ng makita ang napakalawak na kusina. May mga cakes at chocolates sa parihabang lamesa sa gitna. Agad ko namang nilamutak ang mga chocolates don.

"This is heaven!"

"Master Lawrence, you hate sweets." banggit pa ni Mr. Wid na pinipigilan akong kumain.

"Wala akong maalala na i hate sweets. Ramdam kong favorite ko to now so i will eat these as long as i can~" masayang sabi ko habang tinitikman lahat ng iba't-ibang klase ng chocolates.

"Pero Master pag nakita kayo ni Madame Zanaya na kinakain yang mga paborito niya, lagot ka talaga. Pati po ako madadamay. Ayoko pa pong mamatay." nababahala niyang sabi.

"Talaga? Mahilig siya sa sweets? Eh bakit ang bitter niya? Hehe.." sabay peace sign ko. Hininto ko na lang ang kumain. Baka malagutan na talaga ako ng hininga pag nakita niya ako.

Pagkatapos sa Kusina ay huminto kami sa tapat ng may malaking silver na pinto at nung binuksan iyon ni Mr. Wid ay bumungad sa akin ang napakalawak na Living room area. Pwede na ata ito gawing concert hall sa sobrang laki.

"Ito po ang living room area, dito minsan tumatambay si Madame Zanaya. Nanonood o nagbabasa ng mga libro."

"So dito kami nagrerelax? Having coffee while chitchatting?" excited na tanong ko.

"Si Madame lang po.."

"Eh bakit siya lang? How about me?" pagtataka ko.

"Hindi po kayo madalas umuwi dito. Minsan lang o pag may okasyon ang Pamilya niyo. Kung nandito man kayo, doon lang kayo sa opisina dumideretso." nakatungo niyang sagot.

Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. How come na mag-asawa kami pero stranger kami sa isa't-isa?

"So never pa kaming naglalabing-labing?"

Napangiwi siya, "Si Madame Zanaya lang po ang makakasagot niyan, Master."

Napa-upo ako sa malambot na sofa sa sobrang pagkadismaya. Gusto kong tanungin sa kanya kung ano ba talaga ang nangyari sa amin noon pero parang pinagbabawalan siya ni Wifey magkwento.

"You are not allowed to sit there."

Napatayo naman ako agad ng marinig ang boses ni Wifey. Nasa may pinto siya nakasandal habang nakahalukipkip.

"S-sorry.." napatungo kong sabi.

Wait? Bakit ako magsosorry? Eh bahay naman namin to! Pwede kong gawin lahat ng gusto ko dito no!

"Tss.." ismid niya. Ang cold talaga! Pero kahit cold siya, ang hot niya sa suot niyang Night gown na silk na kulay violet! Halatang bagong ligo lang siiya. Tapos yung mahalimuyak niyang amoy parang kumakalat sa buong paligid.

Agad kong tinakpan ang ilong ni Mr. Wid. Hindi niya pwedeng maamoy ang wifey ko!

"M-master L-lawrence..h-hindi po ako makahinga.."

"Bawal mong maamoy si Wifey, ok?" bulong ko.

"M-masusunod po.."

"Why are you still here? Di ba dapat nandoon ka na sa kwarto't nagpapahinga?" naglakad siya papunta sa isang sofa at umupo ng naka cross legs.

Napangiti ako sa sinabi niya. Sus! Gusto lang naman pala niya akong makatabi sa pagtulog eh.

"Wifey naman medyo masakit pa ang sugat ko. Mahihirapan akong kumant--"

"Lumayas ka sa harap ko. Ayaw kong makita yang pagmumukha mo. Kung pwede wag kang pagala-gala habang nandito ako." mataray na utos niya. Pero syempre hindi ako patitinag.

"Wifey, pwede bang mag-usap muna tayo? Bilang mag-asawa? Kasi kung ano man ang hidwaan natin sa isa't-isa noon, pwede naman sigurong pag usapan natin ngayon ng matiwasay at walang gulo.." kalmang suhestyon ko.

Napangisi siya, "So you want to talk about the Divorce paper again?" tumayo siya at lumapit sa akin.

"Siguro nga tama ka, we really need to divorce. Para magkaroon na tayo ng kapayapaan. Ayokong mag-alaga sa isang tulad mong walang maalalang ginawang kasakiman sa akin. Maghiwalay tayo ng tahimik nang walang sinuman ang nakakaalam. Sa sitwasyon natin noon pa man, parang hindi din naman tayo mag-asawa, di ba?"

"No!" agad akong umalma na ikinagulat niya. "No memories, no divorce! Hangga't hindi pa bumabalik ang ala-ala ko, hindi tayo maghihiwalay! O kahit nga siguro bumalik na ang ala-ala ko, hindi pa rin tayo maghihiwalay!" sigaw ko.

Nanlalaki ang mata niya at hindi makapaniwala sa akin.

"Paniguradong pagsisisihan mo kung ano man yang sinasabi mo ngayon pag bumalik na yang ala-ala mo."

"At bakit naman ako magsisisi??" inis ko.

"You were so desperate back then to leave! You even forced me to sign the divorce paper! And now, you changed just because you lost your memory? How dare you bastard! " sigaw niya. Sasabog na naman ang bulkan sa galit niya. Napansin kong lumabas si Mr. Wid at sinara ang pinto ng living room.

"Eh bakit ko ba kasi gustong hiwalayan ka??"

"You never love me, Lawrence!"

Natahimik ako sa sagot niyang iyon. Kita ko sa pagbabago ng ekspresyon niya na nasasaktan siya.

"B-but how about you? Did you love me?" nasasaktan ako para sa kanya. Ano bang kagaguhan ang ginawa ko sa kanya. Bakit siya nagkakaganito?

Emotionless na naman siyang napatitig sa akin.

"You know how much I love you from the start."

Napakagat ako sa labi ng marinig iyon.

"But that was before, hatred is what i feel right now. And it will never change again." tumalikod na siya at aalis na sana.

"It can be change again.." tutol ko na ikinalingon niya.

"Kung ano man ang nararamdaman ko sayo noon, pwede pang mabago ngayon. You know, a change of heart changes everything. I may not be able to remember my past, but i can make a new memories in the present and in the future....with you, Wifey."

Her Husband's ImpostorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon