Prologue

331 11 0
                                    

Prologue

"I am leaving you, Zanayah! Sign that divorce paper now and let me have my freedom! I don't want you anymore! No, I never want you. I don't even love you from the start! Why can't you understand??"

Determinado na talagang makipaghiwalay si Lawrence sa kanyang asawa. Matagal na panahon niya na itong pinag-isipan. Limang Taon na silang kasal at kahit kailan ay hindi siya nakaramdam ng pagmamahal sa kanyang Asawa. Sa halip: pagkamuhi, poot, galit ang nararamdaman n'ya rito.

Ano nga ba ang sanhi ng galit niya sa asawa't sobra na lamang ang pagkamuhi niya?

"Go leave, and don't you ever comeback. But I cannot sign that divorce paper. I won't let you have your status to become single while I'm here suffering for getting a nonstop interview by my family and journalists. Asking why the richest business couple got divorced."

Sa paraan nang kanyang pananalita, nananalatay ang mala-otoridad na tono ng kanyang boses. Walang kinakakatakutan, hindi nagpapatinag. Walang emosyon lamang s'yang nakikipagtitigan sa asawa na desperado ng iwanan siya.

Sa limang taon ng pagsasama nila, hindi man lang dumantay sa balat niya ang kamay nito na para bang pinandidirihan s'ya at kinasusuklaman. Nasa kanya naman na ang lahat. Kayamanan, katalinuhan, at kagandahan puwera na lamang sa Ugali.

"Oh come on! You're getting crazy! Are you really that obsessed with me? Why can't you leave me the fck alone!"

Malakas na ibinagsak ni Lawrence ang kanyang mga palad sa mesa kung saan prente lamang na nakaupo ang asawa sa swivel chair nito.

Inirolyo na lamang ni Zanayah ang kanyang mata sa pagkairita.

"This is why your father never trusts you to run your family business. You have no brain, honey. I already told you to leave and never come back. Do what you want but don't let them see you making scandals. Don't worry, I won't tell anyone that you are going to have a vacation in Paris with your Mistress, which is my cousin."  nakangising sabi niya habang nakapangalumbaba na sa harap ng Asawa.

Nanlamig si Lawrence sa kanyang narinig. Hindi niya akalain na malalaman ng Asawa ang pagkakaroon niya ng ugnayan sa Pinsan. Lubos ang kaniyang pag-iingat na hindi nito malalaman. Nawalan siya ng kakayahang magsalita. Naikuyom na lamang niya ang kamao habang nakatitig sa asawa na ngayo'y malaki na ang ngisi sa mga labi.

"Do you think I wouldn't know about your affair with my cousin? That bitch gave you a hard head, and you fell for it? How stupid. I can do better than her, but you wouldn't let me touch you. For five years, I never felt like being married to you. Shame on you." ang mga ngisi sa labi niya ay napalitan agad ng madilim na titig.

"Now go away. I don't want to see you anymore. Don't you ever step inside my house again, or else I will kill you." may halong pagbabanta ang nasa tono ng kanyang pananalita na ikinaiktad ng Asawa.

"No! I will come back here and destroy you! Wait for me, Jezanayah. I'm gonna divorce you soon, and i will show you what hell looks like!"

Dinampot ni Lawrence ang maliit na plorera sa mesa at itinapon ito ng malakas sa malaking larawan nilang mag-asawa na nakasabit sa pader. At malalaking hakbang na umalis ng silid.

Mariin na lamang na napapapikit si Zanayah ng makita ang basag na kuwadro ng kasal nilang mag asawa. Unti-unting nanumbalik sa kanyang alaala ang una nilang pagkikita, mga panahong minahal niya ang asawa, panandaliang kaligayahan, hanggang sa naging dahilan kung bakit siya nito kinamuhian.

Hindi niya namalayan ang pagpatak ng kanyang mga luha sa sakit na nararamdaman.

"I don't deserve this sht."

Tatlong buwan ang nakalipas ng iwanan ng Asawa. Nakatanggap na lamang siya ng tawag mula sa kilalang Ospital na ang kanyang Asawa ay naaksidente at isang buwan nang walang malay na nakaratay sa loob ng silid pagamutan.

Her Husband's ImpostorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon