Chapter 7: House husband

272 10 3
                                    

Chapter 7: House husband

(His POV)

"Women are really the sweetest creatures, but only if you love them right. But they are also the most endangered species when getting mad." -pagbabasa ko sa libro na may pamagat na 'How to make your wife happy' na bigay sa akin ni Mr. Wid.

"Kalokohan naman to' Mr. Wid. I love her right naman pero bakit di parin siya sweet saken? Atsaka lagi siyang galit saken kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanya." -pangunguso kong sabi.

"Master, mapagmahal po yan si Madame hindi lang halata. Kailangan mo lang talagang kunin ang loob niya. Panigurado pag nangyari iyon, hindi ka magsisisi na minahal mo ang isang malupit na babae." -payo pa niya habang nagsasalin ng ice cream sa baso ko. Nandito kami sa Dining area. Oras na ng tanghalian at hinihintay lang namin si Wifey para makakain na.

"Atsaka ni kahit kelan di ko pa siya nakitang nakangiti. Doon lang sa Album ng kasal namin siya ngumiti. Sobrang ganda pa naman sana niya.."

"Lumaki ho kasi si Madame na may obligasyon ng naka-abang sa kanya. Hindi siya nagkaroon ng masayang childhood memories. Kaya ganoon na lamang siya kaseryoso sa buhay."

"Ganun ba?" -nalungkot naman ako para kay Wifey.

"Wala ba siyang mga kapatid na tumutulong sa kanya?" -tanong ko.

"May kapatid siyang panganay at bunsong kapatid. Yun nga lang ho, siya lang ang pinagkakatiwalaan ng Ama niya sa lahat ng negosyo nila."

"Ahh..Pero kahit na! Bakit ba ganoon na lamang ang ugali niya? Hindi lang pala sa akin siya malupit pati na rin sa lahat ng nga employees sa kompanya. Pinaglihi siguro siya sa sama ng loob ng nanay niya noong nasa sinapupunan pa siya." -murmur ko habang isa-isang binubuklat ang libro.

"Sinong pinaglihi sa sama ng loob?"

"Si Wifey nga diba." sagot ko.

"Eheeem..Madame.."

Natigilan ako ng marinig si Mr. Wid. Akala ko siya ang nagtanong eh! Di ko man lang narinig ang yapak ng paa niya. Ano siya Assassin? Napapalunok na lamang ako habang dahan-dahan kong inikot ang ulo ko sa may likod ko.

In the name of the father..and of the son.. and of the holy spirit..

Kahit manalangin pa ako dito, si Wifey talaga ang nasa likod ko habang matalas ang tingin sa akin.

"W-wifey, nandito ka na pala.. hehe..gusto mo ice cream? Pampalamig ng ulo.." -pag-aalok ko sabay agad na tumayo at nagsandok ng ice cream sa kutsarita. "Say ahhhh.."

Susubuan ko na sana siya pero ang sersyoso pa rin ng tingin niya sa akin. Kaya si Mr. Wid na lang ang sinubuan ko ng Ice cream.

"M-masarap ba Mr. Wid? Heheh.." nararatel na tanong ko.

"Opo Master"

"Tss. Sana pala natuluyan ka na noong nadisgrasya ka 'no? Lumalala na yang sakit mo sa utak." -mataray na sabi niya at pinulot ang librong binabasa ko kanina. "How to make your Wife happy? Nagpapatawa ka ba? This is Nonsense." -tinawanan niya lang yung libro atsaka ito itinapon sa kung saan.

Umupo na siya sa gitna sa Master chair at agad naman akong tumabi sa kanya.

"Doon ka sa kabilang side.." -sabay turo niya sa kabilang dulo ng Master chair.

"Wifey, ayoko dun. Ang layo sayo! Paano tayo magkakarinigan niyan." -reklamo ko. Sobrang haba ng luxury dining table namin. Gusto niya doon ako sa kabilang dulo umupo.

"Atsaka di ba nga, pagsisilbihan na kita? I will be your househusband from now on! Okiems? Palayasin mo na yan si Mr. Wid, nakakaselos kaya sya, buntot ng buntot sayo. Tsk!" -sabay bulong ko sa kanya patungkol kay Wid. Inirolyo lamang niya ang mata niya. Inayos ko naman ang mga pagkain sa mesa.

Her Husband's ImpostorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon