Chapter 6: Marriage Certificate

185 8 4
                                    

Chapter 6: Marriage Certificate

[@PerViens Inc. Office meeting]

(Her POV)

"Mrs. Haviens, can you explain to us the news that has spread all over the television and internet?"

"The image of PerViens is now in crisis because of the issue between you and your husband. Our stock market dropped 10% just 24 hours after the news spread!"

"We bet and spent a lot of money here, Mrs. Haviens! We can't collapse just because you and your husband split up!"

Blah blah blah blah blah

Hinilot ko ang sintido ko sa sakit ng ulo ko habang pinakikingggan ang kaliwa't kanang reklamo ng mga Shareholders ng kompanya. Nagpatawag ako ng General Meeting para sa lahat ng mapag-usapan ang nangyaring issue sa aming dalawa ni Lawrence kahapon. Naapektuhan ang stock market ng dahil doon.

"Eheem, Zan. Pinagtutulungan ka na nila. Should i punish them? Bigwasan ko na ba?" natatawang bulong sa akin ng Lead director na si Adrianna Huffey. Ang syang pinagkakatiwalaan ko dito. She's a boyish type. My Bestfriend.

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Totoo ba talagang hiwalay na kayo at matagal na kayong hindi nagkakaunawaan? Kaya ba hindi pa kayo nagkakaanak?"

"Magagawa naman ng paraan iyan, Mrs.Haviens. Advance na ang teknolohiya ngayon."

"May baog ba sa inyong dalawa?"

"Pffft.." -

Tinitigan ko ng masama si Adrianna. Nang aasar pa talaga.

Halos lahat ng Shareholders ay narito. Iyong iba nag-aalala na baka bumagsak ang PerViens, ang iba naman ay narito lang ata para makitsismis.

To keep them quiet, I put one of my palms on the table and started tapping on it with my fingernails. While my sight and other hand are on the laptop in front of me.

They immediately fell silent when they noticed what I did. They already know what that means. Because I often do that when I run out of patience with their noisiness.

Ilang segundo ng katahimikan ay doon na naman sa labas ng meeting room ang nagsisimulang mag-ingay. Kumatok ang Secretary ko at agad pumasok. Lumapit siya sa akin at may binulong na ikinagulat ko.

Bago pa man ako makatayo ay pumasok na ang Taong tinutukoy ng Secretary na sanghi ng ingay sa labas.

"What are you doing here?" pinandilatan ko siya. Hindi pa siya maaaring magpakita sa kanila dahil sa kondisyon niya!

"Hi! Wifey! Hi everyone!" masaya pa talaga siyang bumati sa kanila.

"Good morning, Mr. President." sabay na bati nila.

"How have you been, Mr. President?" tanong pa ng iba.

At nagsisimula na naman ang mga bulungan. Malamang naninibago sila kay Lawrence ngayon. Nakangiti na kasi ito hindi tulad noon na laging seryoso at walang modong presidente.

"Ok na ok kami ng Wifey ko!" masaya niyang sagot. Lumapit pa siya sa akin at bumulong. "Wifey, ako na ang bahala dito. Relax ka lang diyan. Ok?" sabay kindat pa niya.

Hindi ko na nagawang magreak dahil humarap siya agad sa mga shareholders. Ano na naman bang kabaliwan ang gagawin niya?! Hindi nila pwedeng malaman na may amnesia siya. Paniguradong pakana na naman ito ni Wid. Hinayaan niyang makalabas ng Mansion ang kupal na'to. Buti na lang presentable ang suot niya ngayon. Pero napansin kong medyo hindi tama ang pagkakalagay ng necktie niya. Kabaliktaran na talaga siya ngayon di tulad ng dati. Perfectionista siya. Lahat ng mga bagay ay dapat naaayon sa kagustuhan niya. Ultimo necktie dapat perpekto ang pagkakalagay.

Her Husband's ImpostorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon