Chapter 4: Coffee Toffee

208 8 3
                                    

Chapter 4: Coffee Toffee

(Her POV)

May kakaiba talaga sa kinikilos ni Lawrence. Totoo nga sigurong nawala ang memorya niya. Pero how come na pati mga kilos niya ay apektado rin sa pagkawala ng ala-ala niya? His Parents didn't know everything. They are living in Italy. They never meddle in our married life, though. Kahit ibang mga kakilala namin at kasosyo sa negosyo ay wala ding alam sa nangyari sa kanya. Dahil sinekreto ko ang lahat so they can't talk about us in Business world.

Madaming ahas at buwaya sa paligid namin. Walang mapagkakatiwalaan, i don't even trust that bastard.

Palakad-lakad ako dito sa opisina ko. Nag-iisip kung anong gagawin ko sa kupal na iyon. Ayokong ma-stress ng dahil sa kanya. Nagkaroon ako ng peace of mind noong umalis siya, tapos ngayon bigla na lang siyang babalik sa ganong kalagayan? Peaceting yawa siya.

"Madame, baka ho mahilo kayo sa kakalakad at kakaikot."

Napa-igtad ako ng biglang magsalita si Wid. Sanay na ako sa tahimik na presensya niya sa araw-araw ba namang nakasunod sa akin. Pero ngayon lang ako nagulat sa kanya.

"Wid, ano sa palagay mo ang nangyari kay Lawrence? Totoo kayang nagka amnesia siya o nagpapanggap lamang?" -umupo ako sa swivel chair at hinintay ang opinyon niya. Tumikhim siya bago sumagot.

"Sa tingin ko ibang tao siya, Madame Zanaya."

Napataas ang kanang kilay ko sa sinabi niya, "Paano mo naman nasabi na ibang tao siya?"

"Lahat ng mga kinikilos niya ngayon ay kabaliktaran sa kilos niya noon. Iyon ay opinyon ko lamang, Madame."

"Kaka-pocket book mo yan, Wid" -iling ko.

"Wattpad na po uso ngayon, Madame."

"Whatever.." sabay rolyo ko ng mata. Hindi siya nakakatulong.

"Bakit hindi niyo po subukang gamitin ang posisyon niyo sa Al Harram na kinabibilangan niyo, Madame?"

Walang alinlangan kong naitutok sa kanya ang Pistol na hinablot ko sa ilalim ng mesa ng marinig ang sinabi niyang pinababawal na salita.

"Say that word again, and i will pull the trigger." banta ko.

"P-patawad po. Hindi na mauulit." agad na paumanhin niya.

It's strictly prohibited to mention about my secret organisation in this house. Specially if you're not a part of this society, never mention the word 'Al harram'. It will trigger us to kill you.

No one knows except Mr. Wid that I am a part of the biggest underground society in the country. This is the only secret of the Perros Family. It's very confidential and forbidden. Even Lawrence and his family didn't know about this.

Kapag nalaman ito ng pamilya ni Lawrence, babagsak ang PerViens. Damay ang lahat ng mga kasosyo naming negosyante. Ang pamilyang Haviens ay kilala bilang relihiyosong pamilya kaya maselan sila sa mga illegal na bagay. Hindi ko lang malaman kung paano nila naging kapamilya si Lawrence na ubod ng kademonyohan.

"I will make a coffee for you to calm down, Madame" pambabawi na ni Wid. Tumango na lamang ako at binalik ang Pistol sa ilalim ng mesa. Lumabas na siya para gumawa ng kape.

Hindi ko lang din kayang saktan si Wid dahil siya lamang ang pinagkakatiwalaan ko at ng pamilya namin noon pa man. Bata pa lang ako ay personal butler ko na siya. Kahit limang taon lang naman ang agwat namin. Lahat ng sekreto at gawain ko ay alam niya.

"Lawrence, it will be the end of you if i use Al Harram..But hell no.."

Hindi ko pwedeng gamitin ang Organisation sa personal na pangangailangan ko. Lalong lalo na kung ang panggagamitan ko lang ay ang pag iimbestiga sa katotohanan tungkol sa nangyari sa kanya. Walang sense at ayokong mag effort ng dahil lang doon.

Her Husband's ImpostorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon