Stage 0: Loss

315 42 34
                                    

He stood there as if everything was the same and yet different at the same time.

"What?" yun lang ang naisip kong isagot sa sinabi n'ya. I was not expecting it.

Papalubog na ang araw habang nandito kami sa part ng baywalk na medyo malayo sa karamihan. It was a nice day and I thought I would have a better night. Turned out, mali ako.

Nang yayain n'ya ako sa favorite place namin, akala ko magiging isa na naman itong memorable date. Pero hindi pala. It would be memorable, alright, but because of a different reason.

"Meghan, please understand. 'Wag mo nang gawin 'tong mas mahirap," sagot n'ya sa akin na para bang kailangan kong tanggapin ang lahat ng sinabi n'ya.

"Yun naman pala Nick eh. Bawiin mo na lang yung mga sinabi mo para hindi ka mahirapan," sagot ko naman sa kanya na para bang napakasimple lang ng solusyon sa pinoproblema n'ya.

"Meghan," he said with full of frustration. "Can't you see? Kapag pinagpatuloy pa natin to, pakiramdam ko maglolokohan lang tayo. Pakiramdam ko lolokohin lang kita. Lolokohin ko lang ang sarili ko. Hindi na ako masaya."

I was dumbfounded with his words. Di na s'ya masaya? Bakit? May nagawa ba akong mali? May pagkukulang ba ako?

"Why?" pagsasatinig ko sa tanong na gumugulo sa utak ko. "Did I do something wrong? Kasi kung meron, sorry. Di na—"

"No," putol n'ya sa sasabihin ko pa sana. "It's not you, Meghan. It's me."

"Oh, cut the crap Nick," hindi ko napigilang magtaas ng boses nang marinig ko ang linyang yun. May mangilan-ngilang namamasyal na napatingin sa amin bago nagpatuloy sa mga ginagawa nila na para bang normal na araw lang ito para sa kanila. "Don't give me that bullshit! You're better than that. I deserve better than that."

"I-I'm sorry," tanging naisagot n'ya.

I heaved a sigh. Hindi ko alam kung bakit nangyayari to. Hindi ko alam kung bakit umabot sa ganito. Akala ko ok kami. Akala ko masaya s'ya sa relasyon namin. Akala ko lang pala.

"Is there someone else?" tanong ko. Wala na kasi akong ibang maisip na dahilan. Ginawa ko naman lahat para maging maganda ang relasyon namin. I did everything to be the best girlfriend for him. Ano pa bang kulang?

"Don't be ridiculous Meg—"

"May iba ba?" putol ko sa dapat sanang sasabihin n'ya pa.

"W-wala. Walang iba Meg," aniya.

"Then, why? Bakit kailangan pang mag-break?" tanong ko. I felt so weak now. Hindi n'ya nagawang sumagot sa akin kaya naman pinagpatuloy ko ang pagsasalita. "Two years.  Two years, not to mention the five years of friendship. 'Yan yung sasayangin mo kapag tinuloy mo to. Hindi mo ba naisip yun? Ganun na lang ba kadali para sayo na itapon yun?"

"Hindi rin naman madali sa akin to," he stated sadly. "Alam ko yung pwedeng maging consequences nito. Pero ayoko nang ipilit."

"So ganun na lang yun? You'll gonna give it all up without even trying?" pinilit kong patatagin ang boses ko kahit na kanina pa nangingilid ang luha ko. Damn! Bakit ba kasi nangyayari to?

"I tried Meghan. God knows I tried," sagot n'ya sa akin. He closed his eyes tightly as if trying to control his temper. Nagbuntong hininga muna s'ya bago magmulat ng mata at muli akong tingnan. "Araw-araw sinusubukan ko. I always listen to our songs. I always look at our photos. I always read your letters and messages. Araw-araw, Meghan, inaalala ko yung nararamdaman ko para sayo. Araw-araw, kasi baka sakaling bumalik pa. Pero hanggang dun na lang talaga siguro. Hanggang alaala na lang."

And that was when I lost it. Tumulo na yung luhang kanina ko pa pinipigilan. Bakit ganito? Hindi ko na alam kung ano pa ba ang pwede kong sabihin para lang 'wag n'yang gawin to.

"Nick, I love you. Hindi ba sapat yun?" Hinayaan kong magtuloy-tuloy ang pagpatak ng luha ko. Gusto kong makita n'ya na nasasaktan ako. Baka sakaling maawa s'ya sa akin at maisipan n'yang bawiin yung mga sinabi n'ya. I knew this was a pathetic move. Pero wala na akong pakialam. Kahit awa na lang, kahit hindi na pagmamahal, basta lang hindi n'ya ako iwan. Hindi ko kasi kaya.

"Meghan, please don't cry," I heard him say pero hindi s'ya gumawa ng hakbang para lapitan at i-comfort ako. Mas lalo pa akong napaiyak dahil dun. Kung pareho pa siguro kami ng dati, kanina n'ya pa ako niyakap para patahanin. Kung pareho pa siguro to ng dati, hindi ako umiiyak ngayon. Kung pareho pa siguro ito ng dati, hindi ako nasasaktan ngayon.

Pero hindi na ito pareho dati. Hindi na kami pareho ng dati dahil ngayon, s'ya mismo ang dahilan kung bakit ako nasasaktan at umiiyak ngayon. Hindi na ito pareho ng dati dahil ngayon, hindi na n'ya ako mahal.

"Pwede pa rin naman tayong maging magkaibigan," dagdag n'ya pa.

"Magkaibigan?" gusto kong matawa. Really? Kaibigan? Dapat bang ipagpasalamat ko pa na gusto n'ya pa ring makipagkaibigan sa akin? As if gugustuhin ko pang makipagkaibigan sa kanya pagkatapos nito. Hindi ko nga alam kung kaya ko pa s'yang makita. Hindi ko alam kung nakikita ba n'ya ako ngayong umiiyak o wala lang talaga s'yang pakialam na nasasaktan ako para i-consider pa yun.

For a while, walang nagsalita sa amin. Ang natatanging ingay sa paligid ay ang paghikbi ko, ang ihip ng hangin, ang hampas ng alon at ang mga usapan ng iilang tao na medyo malapit sa kung nasaan kami. The moon was already out. Full moon ngayon kaya maliwanag. Gabi na rin kaya malamig na ang ihip ng hangin. Pero wala nang mas lalamig pa sa pakikitungo ng lalaking nasa harapan ko.

May narinig akong nagtatawanan sa di kalayuan at hindi ko maiwasang mainis. How could they still laugh if I could feel that the world I knew was already crumbling? How could they be happy when I could feel my heart breaking into pieces?

I tried to calm myself and think of other ways to make him stay.  Pero hindi pa man ako nakaka-recover, muli na naman akong napaiyak dahil sa mga sunod n'yang sinabi.

I couldn't believe that this time would come. I couldn't believe that I would hear those words from him. Right then and there, I felt my heart break into million of pieces. I saw my whole world crumbled. I saw my future with him being torn apart.

Hindi ko alam kung gaano na katagal nang makaalis s'ya sa tapat ko. Hindi ko alam kung kailan o paano n'ya ako naiwan sa ganitong kalagayan. Wala na akong alam dahil ang tanging laman na lang ng isip ko ay ang mga huli n'yang salita. Nagpaulit-ulit iyon sa isip ko na para bang sirang plaka.

"I'm sorry but this is for the best," was what he said.

One Stage At A Time [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon